SBM Kristoffer Velasco Tan

SBM Kristoffer Velasco Tan Page of SBM Kristoffer Tan

12/05/2025

π‹πˆπ‡π€πŒ 𝐍𝐆 ππ€π’π€π’π€π‹π€πŒπ€π“

Mahal kong mga kababayan,

Sa bawat sigaw ng β€œTatTAN Sta. Maria!”, sa bawat yakap, palakpak, at dasalβ€”ramdam na ramdam ko ang inyong pagmamahal. Kaya’t ngayon, buong puso kong ipinapaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa 7,780 na mamamayan ng Sta. Maria na buong tapang at tiwalang ibinoto ako bilang inyong mayor. Salamat po, mula sa kaibuturan ng aking puso.

Hindi naging madali ang laban. Isa itong paglalakbay na puno ng pagsubok, paninira, at pangungutya. Ngunit higit doon, ito’y naging paglalakbay ng pag-asa, pagkakaisa, at paninindiganβ€”dahil sa inyo, sa bawat isang naniwala sa layunin ng Team Tan-Lagmay.

Bagamat hindi tayo pinalad na manalo sa posisyon, hindi dito nagtatapos ang ating laban. Ang puso ng tunay na lingkod-bayan ay hindi nakatali sa titulo, kundi sa tapat na hangaring maglingkod. Sa abot ng aming makakaya, magpapatuloy ang aming pagtulongβ€”sa mga kabataan, sa mga magsasaka, sa mga pamilya ng Sta. Maria.

Sa mga volunteers, sa mga namuno sa ating grassroots movement, sa bawat pamilya at barangay na tumanggap sa aminβ€”kayo ang tunay na bayani ng ating kampanya. Sa kabila ng lahat, hindi tayo nag-iisa. Tayo ay bahagi ng mas malawak na kilusan tungo sa tunay na pagbabago.

Ang pagkatalo ay pansamantala, pero ang malasakit natin sa Sta. Maria ay panghabambuhay.

Hanggang sa muli. Lalaban tayong muli. Magkita-kita tayong muli.

Nagpapasalamat at nagpupugay,

𝐊𝐫𝐒𝐬𝐭𝐨𝐟𝐟𝐞𝐫 β€œπ“π¨π©πžπ«β€ π“πšπ§
π‘†π‘‘π‘Ž. π‘€π‘Žπ‘Ÿπ‘–π‘Ž, πΌπ‘™π‘œπ‘π‘œπ‘  π‘†π‘’π‘Ÿ

10/05/2025

Address

Poblacion Sur, Ilocos Sur
Santa Maria
2705

Telephone

+639989740425

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SBM Kristoffer Velasco Tan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to SBM Kristoffer Velasco Tan:

Share

Category