19/05/2026
Si General Emilio Aguinaldo ang una’t hulíng pangulo ng Unang Republika ng Filipinas.
Ipinanganak si Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869.
Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22 Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong pamahalaang mapanghimagsik (revolutionary government).
Nagpahayag ng kasarinlan ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa Kawit.
Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23 Marso 1901 at tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos.