31/08/2024
Pandibisyong Pagdiriwang Ng Buwan Ng Wikang Pambansa ginanap sa SNHS
Santiago, Agosto 30, 2024 — Isinagawa sa Mataas na Paaralan ng Santiago ang Pandibisyong Pagdiriwang Ng Buwan Ng Wikang Pambansa na dinaluhan ng mga g**o at mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa Ilocos Sur.
Malugod na pagbati at mainit na pagtanggap ang ipinabot ni Dr. Natividad B. Reyes, Punong-g**o IV sa mga bisita't kalahok kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang husay sa pagsulat ng tula, paglikha ng awit, sulat bigkas, pagbabasa ng kwentong pambata at paggawa ng blog.
Nagpahatid rin si Dr. Joel B. Lopez, CESO IV, Pansangay na Tagapamanihala ng mga paaralan, ng kanyang pagbati sa mga bagong halal na opisyal ng KAGUFIL( Kapisanan ng mga G**o sa Filipino) pagkatapos ng kanilang panunumpa ng katungkulan. Nagbigay din ng mensahe si Dr. Jose P. Bueno. Dumalo din sa programa ang alkalde ng bayan ng Santiago na si Hon. Michael Miranda.Nagpakitang-gilas din ang mga piling g**o at mag-aaral ng punong-abalang paaralan.
Maluwalhating natapos ang pagdiriwang matapos matanggap ng mga nagwagi ang kanilang mga medalya.Ngiting tagumpay naman ang naiwan sa mga punong-abala.
Photo Credit:DepEd Ilocos Sur