
13/05/2025
HELLO PO! πππ»
Ako po ay hindi pinalad sa nakaraang halalan, ngunit ang puso ko ay punΓ΄ ng taos-pusong pasasalamat.
Maraming salamat sa lahat ng tumindig, sumuporta, at naniwalaβmga kapamilya, kaibigan, bagong kakilala, at higit sa lahat, ang halos 15,000 SantiagueΓ±os na buong tapang na tumaya sa isang bagong pangalan. Salamat din sa aking mga volunteer sat kabalikat sa labanβsalamat sa inyong sakripisyo, lakas, at walang sawang tiwala.
Hindi man ako nagwagi sa boto, panalo ang malinis at tapat na hangarin. Panalo ang paninindigan para sa isang gobyernong inklusibo, bukas, at makatao.
Isang napakalaking pasasalamat sa grupong We Live to Serve Teamβkayo ang aking naging gabay at inspirayon. Hindi n'yo lang ako tinulungan sa kampanya, mas hinubog ninyo ang aking pagkatao sa larangan ng tunay na paglilingkod. Hindi ito katapusan ng ating pagsasamaβ- magpapatuloy tayo.
π§βπ¦½π΅π¨βπ§βπ¦π§βπΎ
Sa mga nanalo at ngayon ay may kapangyarihang gumawa ng desisyonβnais ko po sana ding ilapit sa inyo, pakinggan at bigyang puwang ang mga nasa laylayan: mga PWDs, solo parents, senior citizens, katutubo, at iba pang minoryang grupo. Higit pa sa ayuda, ang kailangan nila ay maayos, malinaw, at maaasahang sistema at programa. Congratulations po sa inyong lahat.
Akoβy magpapatuloyβhindi man sa loob ng Konseho, pero sa pribadong paraan ng pagseserbisyo. Mananatili tayong boses, sa labas man ng gobyerno, maninindigan pa rin ako para sa minorya.
Maraming salamat, Santiago.
--Atty. Kay Perez π€