K5 - Alf Evhen

K5 - Alf Evhen K5 News Santiago -Alf Evhen

15/07/2026
15/07/2026

๐Ÿฎ ๐—ฉ๐—˜๐—ก๐——๐—ข๐—ฅ, ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—˜๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—š๐—”๐— ๐—ข๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—•๐—จ๐—Ÿ๐—จ๐—š, ๐—–๐—”๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

NASILO ang dalawang vendor matapos umanong mahuling nagbebenta ng mga prescription at over-the-counter na gamot nang walang kaukulang pahintulot mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa Abulug, Cagayan.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Lito, 52-anyos, at alyas Elsa, 46-anyos, kapwa residente ng Pamplona, Cagayan.

Ayon sa pulisya, naaktuhan ang dalawa sa isang sari-sari store matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen. Nabigo rin umano silang magpakita ng lisensya o permit para sa pagbebenta at pamamahagi ng mga gamot.

Nakumpiska sa operasyon ang dalawang plastic box na naglalaman ng iba't ibang gamot na tinatayang nagkakahalaga ng โ‚ฑ20,913, gayundin ang tricycle na ginagamit umano sa pagdadala ng mga ito.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Myla Ballinan | July 14, 2026

๐Ÿ“ธ: Photo for Illustration Only

15/07/2026

๐—–๐——๐—ฅ๐—ฅ๐— ๐—ข, ๐—ง๐—”๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ง ๐—”๐—ก๐—š ๐—ง๐—œ๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐——๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜๐—— ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—š๐—ข ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

โ€ŽHINIKAYAT ng CDRRMO Chief na si G. Julius Agustin ang mga empleyado ng LGU Santiago na maging katuwang nila silang abutin ang pangarap ng kaniyang tanggapan na tanghalin ang lungsod ng Santiago bilang may most diciplined drivers sa buong bansa.

โ€ŽGinawa ng hepe ang pahayag kasabay ng kasalukuyang isinasagawang 3-day Road Safety Orientation na nagsimula ngayong araw ng Martes bilang paggunita sa National Resilience Month tuwing buwan ng Hulyo.

โ€ŽSanib pwersa ang CDRRMO, LTO at TEU sa pagsasagawa ng tatlong araw na orientation bilang bahagi ng kanilang pangkalahatang layunin na gawing modelo sa lansangan at maging road safety advocates lahat ng mga empleyado sa punong tanggapan ng lungsod lalo higit pababain ang tumataas na bilang ng mga aksidenteng naitatala sa lungsod.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Dan Chavez | July 14, 2026

15/07/2026

๐——๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—ง๐—œ๐—”๐—š๐—ข ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ง๐—จ๐—ž๐—”๐—ก

โ€ŽMAKABULUHAN ang ginawang paggunita ng tanggapan ng CDRRMO Santiago sa Disaster Resilience Month na inoobserba sa buong bansa tuwing buwan ng Hulyo.

โ€ŽIto ay matapos maglunsad ang tanggapan ng Road Safety Orientation sa mga empleyado ng City Hall katuwang ang LTO at TEU kung saan buong suportang dinaluhan ng mga hepe ng tatlong nabanggit na mga ahensiya.

โ€ŽBukod sa mga road safety tips ay ibinahagi rin ni Ginoong Julius Agustin, Chief, CDRRMO ang mga kalamidad na patuloy nilang pinaghahandaan na maaring magdulot ng disaster at panganib sa publiko.

โ€ŽKabilang dito ang Super El Nino Phenomenon, mga pagbaha tuwing may bagyo at malalakas na ulan at lindol dahil sa posibleng presensiya ng aktibong fault line sa bisinidad ng lungsod.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Dan Chavez | July 14, 2026

15/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—”๐—ฅ ๐—™๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—˜๐—ฅ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—” ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ

NAMAHAGI ng libreng foliar fertilizer ang City Agriculture Office ng Cauayan City para sa mga lokal na magsasaka sa kanilang lugar.

Layunin ng proyektong ito na matulungan at masuportahan ang sektor ng agrikultura sa lungsod. Sa pamamagitan ng libreng pataba, masisiguro ng pamahalaan na lalaking malusog ang mga pananim ng mga residente.

Ang pamimigay ng abono ay bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan. Malaking tulong ito upang mabawasan ang gastusin sa pagsasaka at mapataas ang ani ng pagkain.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Intern Angeline Mendoza | July 14, 2026

๐Ÿ“ธ: Photo for Illustration Only

15/07/2026

๐—ฃ๐—•๐—• ๐—•๐—œ๐—š ๐—ช๐—œ๐—ก๐—ก๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—œ๐—ž๐—” ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—–๐—”, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—” ๐—™๐—˜๐—”๐——๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—š๐—ฅ๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—”๐—›๐—œ๐—š๐—œ๐—ง ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—•๐—”๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—ข๐—ก๐——๐—ข, ๐— ๐—”๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—”

NAGLUNSAD ng isang masayang feeding program si Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca sa mahigit 100 na bata sa Helping Land, Tondo, Maynila.

Pinakain ng sikat na influencer ang mga kabataan na nakakaranas ng malnutrisyon doon habang personal niyang inihanda at ipinamahagi ang mga masusustansyang pagkain para sa mga bata.

Hinikayat din ni Mika ang mga bata na kumain nang tama at lalong maging mas malusog palagi bilang paggunita sa World Nutrition Month.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Intern Angeline Mendoza | July 14, 2026

๐Ÿ“ธ:

15/07/2026

๐—ก๐—”๐—ฉ๐—œ ๐—ฃ๐—›, ๐—›๐—”๐—›๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐— ๐—•๐—ข๐——๐—œ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—œ๐—ฆ

SISIMULAN na ng NAVI PH ang kanilang kampanya sa MLBB Women's International Championship na gaganapin sa Esports World Cup sa Paris, France ngayong Martes, Hulyo 14.

Makakatapat ng pambato ng Pilipinas ang koponan ng Galaxy Phoenix mula sa Cambodia sa isang best-of-three series sa ilalim ng Group B.

Mapapanood nang live ang unang laban ng ating pambansang koponan sa YouTube channel ng One Sports mamayang alas-9:00 ng gabi (PHT).

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Intern Jeric Salvador | July 14, 2026

๐Ÿ“ธ: One Sports

15/07/2026

๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—–๐—ฌ๐—–๐—Ÿ๐—˜ ๐——๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—˜๐—ฅ, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—•๐—˜๐—•๐—˜๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—›๐—”๐—•๐—จ ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—จ๐— ๐—”๐—จ๐—œ๐—ก๐—œ, ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”

HIMAS REHAS ang 40-anyos na tricycle driver matapos umanong bentahan ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. San Pedro, Tumauini, Isabela, gabi ng Hulyo 13.

Kinilala ang suspek sa alyas na Ron, residente ng naturang bayan. Narekober mula sa kanya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, iba pang kagamitan na may kaugnayan sa operasyon, at isang motorsiklo na may sidecar.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 12 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

This news update is brought to you by:
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€ŽQuality health products by DOC. RAMEL Y. UY
โ€ŽAvailable in various drugstores nationwide.
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

โœ๐Ÿป K5 Myla Ballinan | July 14, 2026

๐Ÿ“ธ: PNP Isabela

15/07/2026

Address

Santiago City, Isabela
Santiago
3311

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when K5 - Alf Evhen posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share