
02/08/2025
Entry #18 🤱:
Hello mga mom's, I just want to share my experience here at St. Monique maternity clinic Magpapacheck up lang sana ako sa Norala district hospital OPD Kasi 10 days na parang may dugo na konti lang Naman sumasama sa white blood ko at si doc Pama Ang ob nun, 2 weeks Bago mag 9 months si baby sa tyan ko pero gi IE ako ni doc at diko alam 5cm na pala ako manganganak na pala ako at Wala akong nararamdaman as in Wala, Sabi ni doc baka kung gusto ko daw sa clinic nya ako manganak Kasi mas comfortable doon. Pero Ang hirap mag decide Kasi takot talaga ako manganak sa lying-in/clinic sinabi ko talaga sa Sarili ko Hinding Hindi ako manganganak sa clinic pero parang feel ko Naman na kaya ko nag oo ako pero andun parin Yung takot and then umuwi Muna kami sa Amin para I prepare LAHAT ng kailangan namin pagpunta namin sa St. Monique maternity clinic inasikaso Ako ng mabuti ng mga assistant and Yung midwives. Gi IE ako ulet And shock 8-9 cm na ako at Wala parin ako maramdaman tiningnan din nila if naka p**p si baby and thank Allah Wala Naman, pinababa ako ulet at Sabi nila lalabas na si baby pero Wala ka paring nararamdaman? Sabi ko Wala linagyan ako ng dextrose after nun mga 5 minutes lang feel ko lalabas na sya at duon lang ako nakaramdam ng sakit🤣 pinapunta na ako sa delivery room at Walang 10 mins. Lumabas na si baby kaya nag papasalamat ako sa midwives, sa assistant at lalong Lalo na si doc Pama na nag recommend at nag bigay nang option qng clinic nya or sa hospital ako.🫶 normal delivery at di ako nagsisi na duon ako nanganak ♥️ napaka bait at maasikaso mga staff duon kaya mga mommy try nyo rin dito na kayo manganak 🫶🫶