27/10/2025
Babala: Sensitibong balita
Wala nang buhay at duguan ang 70 anyos na babae nang matagpuan sa loob ng kaniyang kuwarto sa tinitirhang bahay sa Bgy. San Isidro, Taytay, Rizal.
Inaresto ng Taytay Police ang suspek na 45 anyos na babae sa Rodriguez, Rizal. Dati siyang nagtatrabaho bilang caregiver sa naturang bahay.
Sa imbestigasyon, lumabas na may utang ang suspek sa biktima. Nagkaroon umano ng alitan ang dalawa kung saan pinukpok ng electric grinder ng suspek ang biktima na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay. (📸: Taytay MPS) | via Christopher Sitson, ABS-CBN News