Ang Taga Punla

Ang Taga Punla Ang Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng Sto. Tomas National High School, Sangay ng Davao del Norte.

3rd Best School Paper - Filipino Secondary | NSPC 2023

28/10/2025

Let's sharpen your pen and begin to write your headline for the Davao del Norte Division Schools Press Conference 2025@ Dujali NHS, Dujali Davao del Norte on November 3-7, 2025.

๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—ข๐——๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข Sa paglapat ng pluma sa mga papel, unti-unting nagmamarka ang pagkakaisa para sa katotohanan. Iba't ...
27/10/2025

๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—ข๐——๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข

Sa paglapat ng pluma sa mga papel, unti-unting nagmamarka ang pagkakaisa para sa katotohanan. Iba't ibang paninindigan na pilit ibinubuklod ng iisang diwa ng peryodismo.

Bawat paghawak nila sa mikropono, dama ang kaba at pagpupursige ng bawat batang mamamahayag sa ginanap na dalawang araw na Intensive Training para sa mga pribadong paaralan sa sangay ng Davao del Norte.

Kasanayan ng mga batang mamamahayag at alumni's galing Sto. Tomas National High School ang kanilang naging gabay sa pagpapayabong ng mga balita at artikulo na kanilang isinulat. Kasama ang pwersa ng Maryknoll Schools of Sto. Tomas Incorporated, mas napalawak ang kanilang kaalaman at kahusayan sa pagpapabatid ng katotohanan. Naging patunay ito na na sa diwa ng pamamahayag, nagiging isa ang paninindigan ng bawat isa para sa pagpapalawig ng katotohanan. Sa pluma ng peryodismo, hindi magkalaban ang turingan, kung hindi ay magkakampi upang labanan ang mga huwad na salitang inimarka na ng panahon.

Ang naturang pagsasanay ay para sa paghahanda para sa nalalapit na Division Schools Press Conference sa Nobyembre 3-7 na gaganapin sa Dujali District.

Sulat ni Nicole Anadon

๐—ช๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ.Para matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok sa Regional Inclusive Education Celebration, pan...
13/10/2025

๐—ช๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฒ.

Para matiyak ang kaligtasan ng mga kalahok sa Regional Inclusive Education Celebration, pansamantala muna itong maaantala.

Manatiling alisto at ligtas sa mga sakuna. Umantabay lamang sa mga darating na anunsyo.

-

Guhit ni Noel Valdez

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang bahagi ng Davao del Norte ngayong araw, October 10, 2025. Ramdam ang ma...
10/10/2025

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Niyanig ng 7.6 magnitude na lindol ang bahagi ng Davao del Norte ngayong araw, October 10, 2025. Ramdam ang matinding pagyanig sa STNHS, kung saan maraming estudyante ang nag-panic at nagtakbuhan palabas ng mga gusali. Mabilis na ipinatupad ng pamunuan ng paaralan ang pag-evacuate patungo sa ligtas na lugar sa labas ng mga silid-aralan. Sa tulong ng mga rescuer at mga g**o, maayos na nailikas ang lahat ng mag-aaral.

Manatiling kalma ngunit alerto, mga Tomasino! Maghintay ng opisyal na abiso mula sa PHIVOLCS at LGU Santo Tomas.



๐Ÿ“ธ: Prato | Tomambiling | Bedrejo | Escamellan | Pacong | Faelmarin

๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ๐—”๐—กSa likod ng pisara, hindi lamang talino at kaalaman ang kanilang ibinabahagi kung hindi pati na rin an...
30/09/2025

๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—ก๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก

Sa likod ng pisara, hindi lamang talino at kaalaman ang kanilang ibinabahagi kung hindi pati na rin ang kanilang angking talento na minsanan lang masilayan.

Ipinamalas ng mga g**o sa Sto. Tomas National High School ang kanilang galing sa pagsayaw para sa Dance Evolution Competition - Teachers Edition. Samantala, itinanghal na kampeon ang Departamento ng Baitang Walo, sinundan ng Departamento ng Baitang Pito at Labindalawa.

Patunay ito na hindi lamang sila magaling sa pagbabahagi ng kaalaman, bagkus sila rin ay tagahulma ng talento at kasanayan ng bawat kabataang mag-aaral sa ating bansa at sa buong mundo.



-
๐Ÿ“ธ Faelmarin | Sawashima | Bedrejo | Tomambiling | Dazon | Gallaza | Escamellan | Perez
๐Ÿ–Š Nicole Anadon

๐—ง๐—œ๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌSa bawat pagdaloy ng tinta ng Ang Taga Punla, muling naisulat ang panibagong pahina ng tagumpay ng mga ...
29/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—ง๐—” ๐—ก๐—š ๐—ง๐—”๐—š๐—จ๐— ๐—ฃ๐—”๐—ฌ

Sa bawat pagdaloy ng tinta ng Ang Taga Punla, muling naisulat ang panibagong pahina ng tagumpay ng mga Tomasinong mamamahayag sa District Schools Press Conference (DisSPC) 2025 noong Setyembre 25. Sa ibaโ€™t ibang laranganโ€”Editoryal, Kolum, Lathalain, Isports, Balita, Ag-Tek, CRHW, Cartooning, Photojournalism, Online Publishing, Collaborative Desktop Publishing, Radio at TV Broadcastingโ€” kung saan buong husay silang nakipagtagisan ng talino at talento sa larangan ng pamamahayag.

Kasabay ng kanilang mga tagapagsanay, patuloy nilang pinanday ang husay at dedikasyon upang maabot ang tuktok ng tagumpay. At sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay, sila ay opisyal nang DSPC Qualifiers, handang iwagayway ang watawat ng Sto Tomas National High School sa mas malaking entablado ng Division Schools Press Conference.

Isang maalab na pagbati sa lahat ng nagwagi! Nawaโ€™y magsilbing gabay ang inyong tinig at panulat sa pagpapalaganap ng tunay na diwa ng peryodismo.



-
๐Ÿ–Š Princes Weah Dela Rosa
๐Ÿ’ป Yumih Pleรฑos

12/09/2025

๐—–๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—š๐—˜ | ๐—ฆ๐˜๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฆ๐—›๐—ฆ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ

DepEd Region XI, itinuturing ang Sto. Tomas National High School bilang huwarang paaralan sa pagpapatupad ng Strengthened Senior High School Program, dahil sa pagtutulungan at suporta ng Punong-g**o, mga g**o, mag-aaral, at stakeholders.

Ang kanilang tagumpay ay nagsisilbing inspirasyon tungo sa mas matatag na edukasyon hindi lamang sa nasabing paaralan kundi para na rin sa buong bansa.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ปSa likod ng bawat tagumpay ng mag-aaral, may mga g**ong tila ilaw sa dilimโ€”tahimik na gum...
09/09/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป

Sa likod ng bawat tagumpay ng mag-aaral, may mga g**ong tila ilaw sa dilimโ€”tahimik na gumagabay at humuhubog sa talento at kasanayan ng mga mag-aaral.

Bumuhos ng pasasalamat at mga munting handog para sa mga g**o ng Sto. Tomas National High School sa naging Kick-off Program ng National Teacher's Month.

Nagsilbi itong daan upang maiparating ang taos-pusong pagkilala sa lahat ng mga g**o na walang pagod at sawa sa paggabay, at walang kapantay ang sakripisyong iniaalay sa bawat bata.
-

๐Ÿ“ท: Prato | Tomambiling | Dazon | Escamellan | Sawashima | Gallaza | Bedrejo
๐Ÿ–Š : Nicole Anadon

08/09/2025

๐—–๐—ข๐—ฉ๐—˜๐—ฅ๐—”๐—š๐—˜ | ๐—œ๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—”๐— ๐—จ๐—ฅ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

Matagumpay na ipinagdiwang ng Sto. Tomas National High School ang Intramurals 2025 na kung saan matutunghayan ang iba't ibang galing, husay at pagkakaisa ng bawat mag-aaral.

Tampok dito ang ibaโ€™t ibang patimpalak tulad ng Ball games, Board games at mga larong lahi na sumasalamin sa kulturang Pilipino. Parehong nagbigay-saya at pagkakataon para sa bawat Tomasino na ipakita ang galing sa ibaโ€™t ibang laro.

Hindi rin nagpahuli ang sigla sa school gym na dinagsa para sa Mr. and Ms. Intramurals 2025, kung saan nagningning ang karisma, kumpiyansa, at talento ng mga kalahok mula sa ibaโ€™t ibang departamento.

Tunay na ipinamalas ng bawat isa na ang Intramurals ay hindi lamang tunggalian, kundi selebrasyon din ng pagkakaibigan, sportsmanship, at galing ng mga mag-aaral ng Tomasino.

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025 NG STNHSItinanghal sina Nigel Anthony S. Escudo and Niel Jazel Flor D. Baguio mula ...
05/09/2025

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025 NG STNHS

Itinanghal sina Nigel Anthony S. Escudo and Niel Jazel Flor D. Baguio mula sa SPJ Department bilang bagong Mr. & Ms. Intramurals 2025 ng Santo Tomas National High School. Hindi lamang kagandahan at husay ang kanilang ipinamalas, kundi pati ang pusong Tomasino na patuloy na nag-aalab sa diwa ng patimpalak.


๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025 KASUOTANG ISPORTSNarito ang mga kalahok ng Mr. & Ms. Intramurals 2025 sa kanilang k...
05/09/2025

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025 KASUOTANG ISPORTS

Narito ang mga kalahok ng Mr. & Ms. Intramurals 2025 sa kanilang kasuotang isports, na ipinakita ang kanilang angking lakas, husay, tiwala sa sarili sa bawat pagganap sa entablado.


๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025Tunghayan ang husay at talento ng mga kinatawan ng bawat departmento sa pagsisimula ...
05/09/2025

๐™…๐™๐™Ž๐™ ๐™„๐™‰ | MR. & MS. INTRAMURALS 2025

Tunghayan ang husay at talento ng mga kinatawan ng bawat departmento sa pagsisimula ng Mr. & Ms. Intramurals 2025, isang entablado ng kariktan at kumpetisyon.




-

๐Ÿ–Š Gabrielle Hope Malinao
๐Ÿ“ธ John Prato

Address

Santo Tomas
8112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Taga Punla posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share