31/08/2026
"๐๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฑ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ช๐ฉ๐ช๐จ๐ช๐ต ๐ฌ๐ข๐บ๐ข ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ช๐ด๐ข๐บ ๐ข๐ต ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฅ๐ข๐ฌ๐ช๐ญ๐ข ๐จ๐ข๐บ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐ต๐ช๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ถ๐ฑ๐ข? ๐๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ฑ๐ข? ๐๐ข๐ญ๐ข ๐ฏ๐ข ๐ฏ๐จ๐ข, ๐ธ๐ข๐ญ๐ข." โ ๐๐ป๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ป๐ถ๐ณ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ผ
Kagitingan, Katapangan, Katatagan? Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging isang bayani? Kinakailanan bang magkaroon ng batayan upang maituring na isang magiting?
May bayaning nagsabing bumalik sa pinanggalingan
nang malaman ang paroroonan, hindi pala tuwid ang daan. Umiikot ito pabalik kailangan lumingon, patungong silangan, kung saan ako isinilang, Silangan-an. Kung saan naroon ang pinanggalingan. galing saan? kung saan ako gumaling at gumagaling at gagaling at sa kung saan ako nanggaling. Pinang-galingan, galing yaman ng tubig, ng hangin, ng lupa,
yamang diwa at diwata. Ang tunay na hilaga naroon sa silangan, palingon sa pinanggalingan. Mga bayani
lamang ang nagbabalik- bayan.
"Sa manlulupig, di ka pasisiilโโ taludtod mula sa Pambansang Awit ng Pilipinas na nagpapaalala sa kanilang katapangan at pakikibaka sa mga mapang-api na nais lupugin ang ating bayan. Sa gitna ng mga pagdududa at tuloy-tuloy na pagbabaluktot sa ating kasaysayan, napakahalaga na makilala ang lahat ng bayani ng bayanโnoon at ngayon, sikat man o hindi, na buong tapang at buong giting na naghandog ng kanilang buhay hindi para sa kadakilaan kundi para sa kapakanan ng nakararami
Isang araw lang ang ibinigay nating igalang ang mga dakilang pangalan at gunitain ang araw nating nakamit ang kalayaan at kasarinlan. Inilalaan ang huling Lunes ng Agosto para parangalan ang kagitingan ng mga bayaning nakatatak na sa kasaysayan. Ngunit ang Pambansang Araw ng mga Bayani ay hindi lamang para sa mga nakatala sa mga aklat ng kasaysayan, kundi para rin sa pagkilala sa mga taong ni minsaโy hindi na aninag ang mukha ngunit nagsasarili sa bayan sa mga paraan na madalas ay hindi napapansin at naililiban lamang.
Mga kapatid, tayo ay sandaling magnilay-nilay upang gunitain ang mga kuwento ng ating mga tanyag na bayaniโsina Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Gabriela Silang, at Andres Bonifacio,at marami pang ibaโmga kababaihan at kalalakihang hinubog ng panahon hirap, at pagdurusa na ang kagitingan at katapangan ay dangal sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.
Bagamat, ang kasaysayan ng kanilang kabayanihan ay hindi nagwawakas sa kanilang kapanahunan. Mga pamanang karunungan na nagsisilbing tanglaw sa kasalukuyan at susunod pang salinlahi. Tinatak sa ating isipan na mamuhay nang may layunin โilalaan ang buhay sa mga bagay na may kahalagahan at kabuluhan. Sa kasalukuyang panahon, nasasaksihan din natin ang pag-usbong ng mga makabagong bayani ng makabagong panahon. Tulad ng ating mga magsasaka na araw-araw nakikibaka upang magkaroon tayo ng kanin sa hapag, mga kawani ng kalusugan at manggagamot na ating masasandalan upang mapabuti ang kalusugan, mga nagkakawanggawa para sa mabubuting adhikain, doon din ang mga taong nag-lalahad ng kamay upang tumulong na magaanan ang pasanin ng kapwaโmga karaniwan, at simpleng mamamayan na tumitindig sa hindi inaasahan at pangkaraniwang panahon. Maaaring walang mga monumento na itinayo para sa kanila, ngunit ang kanilang panglilingkod at pagbibigay serbisyo, sakripisto, at kabutihang-loob ang siyang nagpapanatili sa mitsa ng sangkatauhan.
Ipinakikita nila sa atin na ang kabayanihan ay hindi lamang nasusukat sa mga dakilang labanan na ipinamalas sa nakaraan, kundi isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan.
Gayunpaman, ang tunay na kabayanihan ay hindi naghahangad ng parangal at papuri; ito ay nananahan sa puso ng sinumang handang magsilbi sa bayan at mag-aruga ng pagkamakabayan. At dambana marahil ng pinakamataas na pagpupugay sa ating mga bayani ay ang mamuhay bawat araw na may kaparehong tapang, pag-ibig, at pag-asa na kanilang ibinuhos para sa inang bayan.
Mawawala na ang kaba kapag tayo'y nakiisa, nagmahal at namulat na.
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ก๐ด ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ!
๐๐๐ถ๐ป๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ถ: ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐ ๐๐ผ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ป๐ผ๐ป๐ด
๐ง๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ถ: ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐ฑ๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ถ๐๐น๐ฎ-๐ผ๐ป