Kwatro Diary

Kwatro Diary Unheard thoughts and feelings.

10/03/2025



The tongue has no bones, but it is strong enough to break a heart, so be carefull with your words!

16/02/2025



Bakit ganun? hindi naman tapos ng accountancy pero kung umasta parang ACCOUNTANT!😲

Ngayon kasi kapag may trabaho kayo pareho ng asawa mo o may negosyo kayo akala nila ok na ok ka na, kaya ang tingin nila sayo 'marami kang pera! (At kapag nakikita ka nila ang tingin nila sayo pera na😆✌️) At ito pa ang nakakatawa kwentado nila kung magkaano ang kinikita mo kahit hindi nila alam kung magkaano ang sweldo mo pati kung magkaano ang pumapasok galing sa negosyo mo, At sasabihin nila sayo ang dami nyo n siguradong naipon sa bangko ano? Grabe ano😅🤨😒

🤨🤨🤨😠Sana lang nag-aasta narin lang naman silang magagaling na Accountant sana dinamay na nilang kwentahin kung magkaano ang kagastusan hindi yong puro papasok lang ang alam nilang kwentahin.😡 Ayos-ayusin nyo naman, Hindi kayo makakapasang CPA nyan... 🫤

02/04/2024



Tanong lang: kapag ba ang taong may PING-ARALAN/ PROFESSIONALS ay ginawan ng hindi maganda, ipinahiya at pinagtawanan, wala ba syang karapatang masaktan, magreklamo, mabilis na bugso ng damdamin tumaas ang boses at makaramdam ng pagkagalit

Kapag ba sa SOCIAL MEDIA ginawa wala na bang ibang magagawa ang isang tao kung hindi panoorin, tingnan at basahin na lamang ang hindi magagandang kumento ng iba na patungkol sa kanya.

14/10/2023



Di pa nga tapos magtiklop, may labahin na ulit, bakit ba kasi nauso pa ang paglalaba 😌

Eva naman kasi bakit mo kinain ang mansanas.😩

13/10/2023

Nakpag Photo-Lab na ba lhat? May deadline na, Tse-tsekan na yan ni Titser😁
Pero balita ko extended daw eh kaya habol na kayo😅

16/09/2023



You can be a better version of yourself, makuntento na muna at wag na kung anu-ano isipin. In Gods time i know darating yong para sa iyo talaga.

Sinubukan mo naman diba? kaya lang hindi obra. Kung hindi ngayon, wag kang mag-alala may bukas pa.

14/09/2023



Ang pagsubok sa buhay ay parang exam sa eskwelahan kung gusto mong makapasa magpakabuti ka, gumawa ka ng paraan, magsikap ka, magreview ka. Tingnan mo isang araw di mo namamalayan Gradweyt ka na pala.

13/09/2023



Yong sinabihan ka ng asawa mo na " bagay sayo yan chix na chix ka dyan" kunyare d mo pinansin pero deep inside kilig na kilig ka, ayieehh 🤣🤣 (joke ba yon🤭) maniniwala na ba ako? 😅

18/08/2023



Minsan kahit gaano pa kasaya ng isang tao, dumarating sa punto na makakaramdam tayo ng panghihina, yon bang tipong maluluha ka na lang, yong feeling na parang hindi ka mahalaga yong feeling na hindi ka nila pinahahalagahan, ang sakit lang nakakaiyak pero pilit mo pinapabalik ang luha mo dahil kailangan mong maging matatag, na baka nagkakamali ang pakiramdam mo, na baka kinakaawaan mo lang ang sarili mo dahil sa panghihinang nararamdaman mo, ganun pa man kailangan nating maging matatag para sa hamon ng buhay. Sa totoo takot tayong paniwalaan ang ating nararamdaman dahil baka dinadala lang nito tayo sa maling mga desisyon at masasakit na salita na hindi na natin kayang bawiin pa. Ito ang reyalidad na dapat nating malampasan. KALMA LANG.

12/08/2023



Walang Hindi Kakayanin, Be Productive!!
Stay Calm 🙂
Stay Positive 🌟

Laging Pakatandaan " Laging nasa dulo ang Bahaghari".

11/08/2023


Sa buhay natin kailangan nating maging matatag. Yong Tipong Hindi natin kayang ipakita sa iba ang mga kahinaan natin, dapat laging laban lang, kaya-kaya lang, behind the scene - tiis tiis lang, mayabang tayo eh 🤣, ayaw natin ipakita na failure na tayo (failure ako, di ko na kaya, masakit tanggapin diba?), kaya pinipilit natin na e-level sa kanila ang estado natin, kaya pa naman eh 😅. gusto natin na may mapatunayan sa kanila, behind the scene - pare-parehas pala tayo na may gustong mapatunayan-kumbaga same same lang ng estado, nagbibigtihan kung sino unang bibitaw sa lubid sya unang mamamatay. Pero dahil mayabang tayo walang bibitaw kaya-kaya lang, kasabihan nga habang buhay may pag-asa, umaasa tayo isang araw masasalba rin tayo, hindi na natin kailangan magyabang, hindi na natin iisipin na failure tayo, na kaya na natin, at Matatag na tayo.

10/08/2023

May kilala ka bang akala mo eh laging may patago, paghiningi sayo kailangan bigay agad 🙄🙄🤔

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kwatro Diary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kwatro Diary:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share