Joseph aian

Joseph aian Sibonga Cebu

"3-ANYOS NA ANAK, NADAMAY SA PAMAMARIL SA MATALAM; SUSPEK SA PAGPATAY SA OFW, NATUKOY NA NG MGA OTORIDAD"NAGPAPATULOY an...
29/01/2026

"3-ANYOS NA ANAK, NADAMAY SA PAMAMARIL SA MATALAM; SUSPEK SA PAGPATAY SA OFW, NATUKOY NA NG MGA OTORIDAD"

NAGPAPATULOY ang imbestigasyon ng Matalam PNP sa naganap na pamamaril sa Purok Lily, Barangay Poblacion kamakalawa, kung saan kinumpirmang nadamay at nasugatan ang tatlong taong gulang na anak ng biktimang si Hannah Buat, alyas "Bai Dulao."

Sa naging panayam kay Police Lieutenant Bonel Cabuyao, Deputy Chief of Police ng Matalam MPS, inihayga nitong tinamaan sa buto ng kaniyang kanang kamay ang bata matapos silang pagbabarilin habang nasa isang apparel store.

Sa kabutihang palad, nasa ligtas na kalagayan ang menor de edad habang sumasailalim sa gamutan.

Lumalabas sa masusing pagsusuri ng mga otoridad na hindi "mistaken identity" ang nangyari dahil sadyang pinuntirya ng gunman ang biktima matapos itong barilin ng ilang beses sa katawan na sanhi ng kaniyang kamatayan.

Nabatid na dalawang linggo pa lamang nakakauwi sa bansa si Buat mula sa pagtatrabaho sa abroad bilang isang OFW.

Bagaman hindi direktang nagsasabi ng kaniyang mga problema sa kaniyang mga magulang, lumalabas sa imbestigasyon na may mga personal problema at alitan ang biktima na tanging sa kaniyang mga kaibigan lamang nito naisisiwalat.

Kinumpirma rin ni PLT Cabuyao na ang suspek ay kabilang sa "Rogue gallery" ng PNP, na nagpapahiwatig na may mga mabibigat na ebidensya na silang hawak laban dito.

Sa ngayon, personal grudge o personal na alitan ang tinitingnang motibo sa likod ng malagim na pamamaslang.

Ayon sa pulisya, nasa 80 porsyento na ang takbo ng kanilang imbestigasyon matapos matukoy ang suspek at sa mga nakuhang CCTV footage sa lugar at sa mahalagang impormasyong nakuha mula sa naiwang cellphone ng biktima.

Mariing kinokondena ng Matalam PNP ang nasabing krimen lalo na’t nadamay ang isang inosenteng bata sa karahasan.

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang ka*o laban sa mga salarin na tumakas patungo sa direksyon ng Barangay Kidama matapos ang pamamaril.

"HOT ISSUE! "Driver ni Rhian Ramos na si alyas “Totoy” dumulog sa NBI ngayong araw upang sampahan ng ka*o sina Rhian Ram...
29/01/2026

"HOT ISSUE! "

Driver ni Rhian Ramos na si alyas “Totoy” dumulog sa NBI ngayong araw upang sampahan ng ka*o sina Rhian Ramos, Michelle Dee at Samantha Panlilio sa umano’y pagkulong at pambub*gbog sa kaniya ng tatlo dahil sa pagkakanakaw niya ng AngPao na naglalaman umano ng mga pribadong litrato.

Salaysay pa ni Totoy na tumalon siya mula sa 39th floor ng condo upang makatakas dahil sa umano’y narinig niyang pinagtatangkaan na ang kaniyang buhay.

Samantala, wala pang salaysay na inilalabas sina Michelle at Rhian hingil sa naturang ka*ong isinampa laban sa kanila.

Printing of national ID stopped but registration is still on🙄
29/01/2026

Printing of national ID stopped but registration is still on🙄

DALAGITA, PAT4Y NANG MAAKSIDENTE DAHIL SA TUMAWID NA A*O; PULISYA, SINABING SELF-ACCIDENT ANG NANGYARIMakato, Aklan--- B...
29/01/2026

DALAGITA, PAT4Y NANG MAAKSIDENTE DAHIL SA TUMAWID NA A*O; PULISYA, SINABING SELF-ACCIDENT ANG NANGYARI

Makato, Aklan--- Binawian ng buhay sa ospital ang isang dalagita matapos masangkot sa isang aksidente nitong Sabado ng gabi, Enero 24, 2026 sa Brgy. Poblacion, Makato, Aklan, dahil umano sa biglang tumawid na a*o sa kalsada.

Kinilala ang biktima kay Wanna Trisha Yeban, 18-anyos, residente ng Brgy. Rosario, Malinao.

Naaksidente sila sa motorsiklo kasama ng kaniyang kapatid na siyang tagamaneho, at ang kaniyang nobyo na kasama niya rin sa pag-angkas.

Batay sa salaysay ng nobyo na si Andymar Barbas Relox, galing siya sa kaniyang trabaho at bandang ala-7 ng Sabado ng gabi ay sinundo siya ng kaniyang nobya at kapatid nito, dahil napagkasunduan nilang pumunta sa sayawan dahil pista sa kanilang barangay.

Habang nagmamaneho pauwi ay nakita nitong may biglang tumawid na a*o sa kalsada na siyang dahilan ng kanilang pagtilapon.

Nagtamo ng mga sugat ang tatlo, kung saan, kapwa sila dinala sa ospital ng nagrespondeng rescuers, at hindi na raw nila nakita nag a*o matapos ang aksidente.

Linggo ng tanghali, Enero 25, ay binawian ng buhay ang biktima dahil sa tinamo nitong blood clot at kumalat na umano ang dugo sa kaniyang utak.

Sa ngayon ay nakaburol na sa kanilang bahay ang biktima habang ang kaniyang kapatid ay patuloy pang ginagamot sa ospital.

Samantala, base sa paunang sinabi ng Makato PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na self-accident ang nangyari at walang sangkot na a*o sa aksidente, bagay na pinabulaanan ng nobyo dahil siya mismo ang nakakita.

Nanawagan naman ang nobyo sa may-ari ng a*o na magpakita upang mapag-usapan ang kaugnay sa nangyaring aksidente.

"NEGOSYANTE, PINUNA KUNG BAKIT MAYROONG MUSEO PARA SA MGA BIKTIMA NG EJK HABANG ANG SAF44 AY WALA"Hindi napigilan ng neg...
29/01/2026

"NEGOSYANTE, PINUNA KUNG BAKIT MAYROONG MUSEO PARA SA MGA BIKTIMA NG EJK HABANG ANG SAF44 AY WALA"

Hindi napigilan ng negosyante na si Cathy Binag na punahin ang tila hindi pagpansin sa 44 na miyembro ng PNP Special Action Forces (SAF) na ibinuwis ang kanilang buhay noong 2015.

Ayon kay Binag, tila mas binibigyan pa umano ng halaga ang mga biktima umano ng EJK dahil sa pinatayuan pa sila ng museo sa Senado.

Naniniwala ang negosyante na dapat ay mabigyan din ng pagkilala ang SAF44 at magkaroon din ng museo.

Pinuna rin ni Binag si Sen. Risa Hontiveros na todo ang pagsuporta sa nasabing museo para sa mga biktima ng EJK.

Babala Sensitibong Balita"NANG DAHIL LANG SA “MASAMANG TINGIN” BINATA PATAY  MATAPOS PINAGS4SAKS4K NG 18 BESES SA MATALA...
29/01/2026

Babala Sensitibong Balita

"NANG DAHIL LANG SA “MASAMANG TINGIN” BINATA PATAY MATAPOS PINAGS4SAKS4K NG 18 BESES SA MATALAM, COTABATO"

INIT ng ulo ang nangibabaw sa dalawang lalaki, na naging mitsa ng kamatayan ng isang binata na pinags4saks4k sa Barangay Poblacion, Matalam, Cotabato nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si John Paul Madio Iredonia, 19-anyos, private employee, at residente ng Purok 4, Barangay Manubuan, Matalam, Cotabato, na agad na nasawi matapos magtamo ng 18 saksak sa dibdib at iba pang parte ng katawan.

Batay sa ulat ng Matalam PNP, naganap ang insidente bandang alas-7:55 ng gabi sa Purok Morning Glory nang magkasabay sa isang tindahan ang biktima at ang suspek na nakilalang si Jerry Amboc, 20-anyos, na kapwa nasa ilalim ng impluwensya ng alak.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Lieutenant Bonel Cabuyao, Deputy Chief ng Matalam PNP, nagsimula ang gulo sa simpleng titigan na nauwi sa hamunan sa pagitan ng dalawang panig na hindi naman magkakilala at walang dating alitan.

Umalis umano ang suspek na si Amboc, na isang construction worker, upang kumuha ng kitchen knife sa kaniyang tinitirhan at binalikan ang biktima saka pinagsasaksak.

Agad na rumesponde ang alert team ng Matalam PNP at ang MDRRMO upang dalhin ang biktima sa ospital, ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA).

Samantala, boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Amboc matapos ang krimen na mahaharap sa ka*ong murder.

Ni silang na si haring adlaw inobanan sa ka bugnaw results na'to ani kuray good morning everyone 😊
26/01/2026

Ni silang na si haring adlaw inobanan sa ka bugnaw results na'to ani kuray good morning everyone 😊

Pobring makaloloy
26/01/2026

Pobring makaloloy

With Mommy Hearty – I'm on a streak! I've been a top fan for 8 months in a row. 🎉
25/01/2026

With Mommy Hearty – I'm on a streak! I've been a top fan for 8 months in a row. 🎉

With Jerome Carillo Bajenting – I'm on a streak! I've been a top fan for 8 months in a row. 🎉
25/01/2026

With Jerome Carillo Bajenting – I'm on a streak! I've been a top fan for 8 months in a row. 🎉

Address

Sibonga

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joseph aian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share