28/02/2026
โ๏ธโ๏ธโ๏ธ
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ ๐ญ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐๐๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ฉ๐ฐ๐ ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง, ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง ๐ฎ๐ฆ๐๐๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง:
๐๐๐ฒ ๐ค๐๐ฌ๐ข๐ค๐๐ญ๐๐ง.
๐๐๐ฒ ๐ค๐๐ค๐๐ฆ๐ฉ๐ข.
๐๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฆ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐จ๐ฌ๐๐ฌ.
Sa mga gulo sa na naoobserbahan natin, mga bardagulan, trial by publicity, cancel culture, at pagyayabang ng kampo, isang paalala lang mula sa isang :
๐๐ข๐ง๐๐ข ๐ข๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ. ๐๐ญ ๐๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฉ๐๐ฅ๐๐ซ๐๐ง ๐ ๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ โ๐ฒ๐๐ง.
Bilang abogado, araw-araw kong nakikita kung paano nag-iiba ang ihip ng hangin. Ang malakas ngayon, maaaring mangailangan ng tulong bukas. Ang pinapalakpakan ngayon, maaaring siya namang hinuhusgahan sa susunod. Ang nangungutya ngayon, maaaring siya ang manghingi ng pang-unawa balang araw.
Social media gives us instant applause but it also records permanent footprints. Ang screenshot, hindi nabubura. Ang salita, may timbang. At ang batas, may mahabang memorya.
Naniniwala ako sa good karma at bad karma. Hindi man agad-agad, pero may balik ang kabutihan. At may kapalit ang pang-aapi, paninira, at labis na pagmamataas.
Masarap ang pakiramdam ng panalo. Pero mas mahalaga ang dangal habang nananalo.
Kung ikaw man ang nasa taas ngayon, maging mahinahon, maging makatao, maging makatarungan.
Dahil ang tunay na lakas, hindi nasusukat sa dami ng kakampi, kundi sa paraan ng pakikitungo mo sa mga walang laban.
May korte sa batas.
May korte sa konsensya.
At may korte ang panahon.