Sumilang Publications

Sumilang Publications ๐—ง๐—ผ ๐˜„๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ฒ ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ. ๐Ÿ–‹๐Ÿ’œ

The Official Campus Publication of Cavite State University - Silang Campus.

๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | MUTED MANDATE: WHEN VOICES BECOME VOICELESSStudent organizations are meant to be platforms for serviceโ€”not step...
23/09/2025

๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | MUTED MANDATE: WHEN VOICES BECOME VOICELESS

Student organizations are meant to be platforms for serviceโ€”not stepping stones for prestige. Yet, like a recurring cold, many continue to flaunt empty slogans and disappear when real work begins. They hold positions without purpose, and lead without vision. The most troubling part isnโ€™t just the absence of visible progress, but the fact that students deserve better. When leaders forget their mandate and members abandon their voice, the organization becomes a hollow shellโ€”loud in presence, but deaf to purpose.

While criticism is warranted, it is still undeniable that student leaders have an admirable commitment by taking both the role of a student and a leader in the campus. These people are not just sacrificing their time for leisures, but even reducing their precious time for sleep. There is a public expectation that these should do great, and perform well in their function sworn to them not because they are compensated, but because they are passionate to serve.

However, as a general rule, public office is a public trust. Therefore, those who takes step to lead among students who seeks guidance and clear vision should not be onion-skinned. It is not the students who decided for them โ€” well, at least, if they only have a better choice โ€” and the burden of responsibility to prove their worth lies on them who had their empty promises, wearing bright smiles as if they carry the hope we need.

Needless to mention the lack of visibility in terms of long-term projects that are feasible despite numerous platforms that didn't materialize. As a bona fide member of any organization, everyone has the right to question and demand for activities that will suffice the worth that any organizational fee demands. This is not a matter of distrust to the organization, but a basic function of any organization that should be automatic.

Also the organizations couldโ€”and shouldโ€”do better. The truth is, some leaders werenโ€™t even elected by a clear majority. In many cases, abstentions outnumber actual votes, and yet positions are filled as if the silence were consent. Thereโ€™s been no real democratic process, no genuine effort to earn the trust or mandate of the student body. Often, leadership seems more taken for granted than truly deserved. When these people take on positions lacking the explicit support of the individuals they claim to serve, itโ€™s no wonder that students experience disconnection, silence, and reluctance to participate.

Additionally, certain individuals appear to have lost sight of what their role truly demands. Their mandate isnโ€™t just to show upโ€”itโ€™s to step up. To guide students when confusion grows, to speak up when concerns pile high, and to stand firm in the name of transparency. But too often, we see the opposite: leaders chasing visibility instead of accountability, spotlight instead of substance. And in moments when their presence is most needed, they go quiet. That silence isnโ€™t just disappointingโ€”itโ€™s disgustingly deafening. It reveals a brand of leadership more focused in appearances rather than impact, more concerned with recognition than accomplishments.

Those who seek or aspire to become a student leader must be prepared to face challenges, questions, and even criticisms bought by emerging demands from co-students. Otherwise, think of it twice, and consider not using empty promises, carrying only the prestige of being a so-called "leader", while being clueless about it, because most of the time, people demand what they deserve.

It's time for us to elevate our standards: to demand for miting de avance, so that aspiring leaders will showcase their potential if they truly deserve the seat, or they will be another batch of officers who did nothing but to plan, promise, without ex*****on.

There should be a more strict criteria on whom should be allowed to run, because many officers are running without the knowledge or capability that they have to possess. The fact that certain candidates are running unopposed should not serve as a reason for any complacency. It ought to serve as a wake-up signal. Leadership by default does not equate to leadership by merit. By permitting roles to be filled without proper screening, we endanger our future by relying on individuals who might not be prepared, eager, or capable to contribute.

Let's make the election of qualified student leaders the normโ€”not merely relying on familiar names or default options. Let us ask for relevant platforms, public debates, and strict standards. Even if just one candidate is in front of us, they still need to gain our trust rather than assume it. Our vote is not merely a formality; it serves as a standard. And that standard must reflect the weight of the responsibility we entrust to those who lead.

Written by Luis Angelo Talatala
Cartoon by Jasmine Gail Bongat


๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ | ANG LABAN NG KABATAAN AY PARA SA BAYANPatibayin ang edukasyon tulad ng pundasyon ng isang tahanan upang maka...
22/09/2025

๐—˜๐——๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—”๐—Ÿ | ANG LABAN NG KABATAAN AY PARA SA BAYAN

Patibayin ang edukasyon tulad ng pundasyon ng isang tahanan upang makapagtayo ng matatag na kinabukasan, dahil kapag itoโ€™y itinayo sa kakulangan, madaling guguho ang pangarap ng kabataan. At dahil patuloy itong pinapahina, nag-walk out ang mahigit 3,000 estudyante, g**o, at kawani ng University of the Philippines noong Setyembre 12, 2025 bilang protesta sa patuloy na budget cuts at kawalan ng transparency sa paggasta ng pondo, isa itong patunay na sawang-sawa na ang mga kabataan sa pagtrato sa edukasyon bilang gastusing maaaring bawasan, sa halip na pangunahing karapatang dapat palakasin.

Tingnan na lamang ang nangyari sa University of the Philippines (UP) na nakaranas ng 93.5% na bawas sa pondo para sa imprastrukturaโ€”mula PHP3.097 bilyon noong 2024 tungo sa PHP202.529 milyon na lamang sa 2025. Kung ganito kahina ang estadong ito para sa pinakamalaking pambansang unibersidad, paano pa kaya ang mas maliliit na State University and Colleges (SUCs) na mas limitado ang kapasidad? At kung may nakalaang PHP134.99 bilyon para sa SUCs sa 2026, ngunit marami pa rin sa kanila ang kapos sa pasilidad, kagamitan, at suporta, ano nga ba ang ibig sabihin nito para sa tunay na kalidad ng edukasyon sa bansa? Hindi lamang imprastruktura o pisikal na aspeto ang ipinagkakait sa mga mag-aaral tuwing may budget cut. Kasabay ng bawat pagbawas sa pondo ay ang paglilimita sa kapasidad ng mga paaralan. Kayaโ€™t sa bawat baryang tinatapyas, isang kabataang Pilipino rin ang nababawasan ng pagkakataong makapag-aral.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, mas lalomg umigting ang paninindigan ng mga estudyante ngunit, kahit sila ay hindi rin ligtas. Sa halip na pakinggan, madalas silang maging target ng red-tagging. Patunay nito ang naganap kay Eyu Delfin, dating chairperson ng Bahaghariโ€“Nueva Ecija at estudyante ng Central Luzon State University (CLSU), na ni-red-tag at binansagang recruiter ng New People's Army (NPA) ng di-unipormadong militar noong Abril 10, 2025 matapos ding hanapin at husgahan bilang โ€œnaliligaw ng landasโ€ noong Nobyembre 2024, pati sa mga estudyante sa Cebu na naglunsad ng walkout noong Marso 17, 2025. Sa kilos-protestang ito na pinangunahan ng mga estudyante mula sa University of San Carlos, UP Cebu, Cebu Normal University, University of San Jose-Recoletos, at Southwestern University ang pagtutol laban sa bawas-badyet sa mga pamantasan, pagtaas ng matrikula sa mga pribadong paaralan, at panunupil sa mga kampus. Ngunit matapos ang protesta, lumala ang red-tagging at harassment sapagkat may isang estudyante ang tinawag na โ€œNPAโ€ at binato ng prutas sa noo. Parehong naganap ngayong taon lamang ang mga insidenteng ito, ngunit ilan lamang ito sa napakaraming anyo ng red-tagging na dinaranas ng maraming kabataang naninindigan laban sa katiwalian. Iba-iba ang mukha nitoโ€”maaaring sa social media o sa mismong araw-araw na pamumuhay, banayad man o lantaran, maliit man o malaki ngunit iisa ang katiyakan: ito ay patuloy na nangyayari.

Putulin na ang siklo ng budget cuts at red-tagging sa mga pampublikong pamantasan. Panahon nang kumilos ang Kongreso upang magpasa ng batas na maglalaan ng garantisadong porsyento ng pambansang badyet para sa imprastruktura at operasyon ng mga SUCs at magtatanggol sa kanila mula sa arbitraryong pagputol ng pondo. Kailangan din na may malinaw at matibay na batas na tahasang magpapataw ng parusa upang mapanagot ang mga opisyal at ahensyang na sangkot sa mga red-tagging ng mga estudyante at kasabay nito ay ang pagtatag sa isang independent oversight body na susuri sa mga kasong ito dahil hindi puwedeng ang mga ahensiyang inaakusahan or maaring dawit sa red-tagging ang siya ring nag-iimbestiga, sa pamamagitan nito matitiyak ang malinis at patas na imbestigasyon hinggil sa red-tagging. Mahalaga ring magpatupad ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Budget and Management (DBM), at Department of Education (DepEd) ng mas mahigpit na auditing at transparency sa paggasta ng pondo, habang nagbibigay ng insentibo sa mga SUCs na napatunayang mahusay ang paggamit nito. Sa mga ganitong paraan, makasisig**o na may maayos na sistema upang malaman kung saan napupunta ang pondo sa edukasyon at napoprotektahan ang mga estudyante mula sa pananakot at panggigipit.

Sa huli, hindi dapat binabato ng pangmamaliit o pananakot ang tapang ng kabataan. Ang patuloy na pagputol sa badyet at panunupil sa mga bumabatikos dito ay dalawang mukha ng iisang krisis: ang pagpapabaya ng gobyerno sa karapatang pantao ng mga kabataan sa edukasyon at malayang pagpapahayag. Hindi rebelyon ang pagprotesta para sa edukasyon, ito ay paninindigan lalo ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan at ng bayan.

Isinulat ni Jed Crismay Ferrer
Iginuhit ni Kryzel Angela Urbano


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ |  SA ARAW NG LABAN ๐Ÿ”ฅโœŠ๏ธโ€ŽSa araw ng laban,hindi armas ang panlabanโ€”kundi boses ng katotohananat tinig ng katapat...
22/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | SA ARAW NG LABAN ๐Ÿ”ฅโœŠ๏ธ

โ€ŽSa araw ng laban,
hindi armas ang panlabanโ€”
kundi boses ng katotohanan
at tinig ng katapatan.

Ang paggunita sa pagsikat ng araw,
kasabay ng paglubog nitoโ€™y paalala:
ang pakikibaka ay hindi natatapos
sa liwanag o dilim,
kundi nagpapatuloy sa bawat pintig ng dibdib.

Pawis, dugo, at tinig ang ipinipiga
sa makitid na lansangang nilalakaran ko.

Kasabay ng sintunadong sigaw,
sumisiklab ang kapangyarihanโ€”
ang kapangyarihang kumakawala,
ang kalayaang ipinaglalaban.

Gobyerno laban sa taong bayan,
asan ang boses ng kapayapaan?
Kung walang haharap sa siyensiya,
walang tinig na maririnig,
walang hakbang na mararamdaman.

Gumising ka, alagad ng batas!
Kasama ka sa laban na aming isinusulong.
Hindi ikaw ang kalaban,
kundi ang hindi makatarungang siyensiya
na pumipigil sa liwanag.

Sa makasaysayang laban,
ang mamatay para sa โ€˜yo, Inang Bayan,
ay hindi pagkataloโ€”
kundi pinakamatamis na tagumpay.

Isinulat ni Reign Balaca
Inilapat ni Kurt Ojeda


๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | TAUMBAYAN: NGAYON AY LUMALABANIn the midst of the increasing crises confronting our nation, we, the Filipinos, ...
21/09/2025

๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | TAUMBAYAN: NGAYON AY LUMALABAN

In the midst of the increasing crises confronting our nation, we, the Filipinos, cannot keep quiet anymore. During days filled with promises and interruptions, our task of voicing out the people and speaking up has never been more important. We are students and citizens who stand up not only for our rights but also for the problems that envelop our nation.

The government's role is to serve the people, but over the past few years, it has often seemed like the leaders are more focused on protecting their own interests.

As pointed out in the article "Corruption: An Enduring Reign of Greed" by the Philippine Daily Inquirer, while corruption among politicians and government agencies is widely recognized, a recent exposรฉ by a mayor painted an even darker picture.

One of the most shocking revelations? The government spent a whopping P157,000 per solar streetlightโ€”far beyond the market price of P32,000 to P40,000. It didn't stop there. The "Cat's Eye" road reflectors, which are normally priced at around P1,800, were being bought for over six times thatโ€”P11,720 each. Over three years, the kickbacks from just the road reflectors alone totaled a staggering P237 billion!

Imagineโ€”this money could have been used to support key sectors in our country, such as education, healthcare, and the economy. However, it is being wasted and trapped in a system of rampant corruption.

The rampant corruption in our society is not only an outright sign of the decay in morals in our government, but also a warning. If we let them keep profiting from our misery, it is we who will end up paying the price. The future of our nation will slip through our fingers and cause wide generational trauma.

The leaders in authority have no shame in utilizing their offices to acquire wealth that is not theirs. Isn't it frustrating to consider that the money they waste comes from the sweat and blood of hardworking citizensโ€”those who work day and night, including overtime, in order to take care of the needs of their families?

We cannot be spectators when corruption of this sort happens. We are asked to be stewards and protectors of the people. We should not lose hope because our position, our willingness to protest and claim our rights, is strong. We are the citizens of this nation, and we can no longer just sit waiting for the government's empty brags.

What we really need is real change, driven by grassroots action through the power of the people.

Being an Iskolar ng Bayan and a citizen of this country is not mere watching. We are the mouthpieces, the champions, and the protectors of the people's rights. It is our responsibility to open our eyes to the things other people may neglectโ€”the sufferings of the poor, the struggles of other citizens, and the sacrifices of families who put their hopes in a government that should care.

Without us, how can the poor ever dream of living a better life? How can our compatriots, who face poverty, have hope for change? What about our country's future? If no one speaks up and says "no," if no one resists oppressive structures, how can we anticipate genuine change?

With each stand, with each step we take, we ourselves become symbols of hope and strength. We will not be intimidated by methods designed to incite fear and silence us. The authorities fear us, and that is why they attempt to blind the masses to the problems that ruin our society.

But we will not fade. With each passing second that we stand for what is right, we become more powerful. Our fellow Filipinos are not turning a deaf ear to us. Rather, we are becoming an inspiration to them in their continuing struggles.

Power may sit with the government, but true change lies in the hands of everyday Filipinos like you and me. When we stand together, we are unstoppable. Our collective strengthโ€”the power of the peopleโ€”is unmatched.

No longer should we settle for the empty promises of those in power. It's time to take matters into our own hands. We need real changeโ€”starting with greater transparency.

That means leaders being clear about their statements of assets and liabilities and making sure the public has a say through better reporting systems.

But it's not just about holding officials accountableโ€”itโ€™s about lifting up the people who need it most. In places where conflict and instability have spread, corruption often thrives where resources are inadequate. We can change that by focusing on building the capacity of those who need support to break the cycle.

International support also plays a role. We need to work with global partners to strengthen good governance and ensure long-term reforms. And let's not forget: sanctions matter. Holding corrupt individuals accountable is important for any real anti-corruption effort.

The doors that the powerful are desperately trying to shut? We'll open them with our voices, actions, and most importantly, initiative.

Their fear is our fearโ€”a fear of a future that stays the same, with no hope for change.

But here's the truth: real change doesn't come from them. It starts with us.

Written by Paolo Dianel Pasco
Photos by Jerome Cebrero (Contributor from KPL-Cavite)
Layout by Iram Montano


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ |  ('DI) INAASAHAN ๐Ÿ…๐Ÿ’ซPinangarap kong taas-noo sa entablado,ngiting tagumpay ang siyang regalo.Karangalan koโ€™y a...
21/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | ('DI) INAASAHAN ๐Ÿ…๐Ÿ’ซ

Pinangarap kong taas-noo sa entablado,
ngiting tagumpay ang siyang regalo.
Karangalan koโ€™y abot-kamay sa dulo,
bitbit ang marka ng aking panalo.

Ngunit dumating ang papel na kay lamig,
mga numerong hindi ko mabatid.
Pangarap kong taas, nahulog sa bangin,
At pusoโ€™y tuluyang bumigat at nanlumo rin.

Sabi ng isip, โ€œbaka kulang ang sakripisyo,โ€
sabi ng puso, โ€œhindi sukatan ang numero,โ€
Subalit ang luha, kusa na lang tumulo,
sapagkat ang pag-asaโ€™y biglang naglaho.

Ngayon alam kong hindi lahat ay sa akin,
hindi lahat ng pangarap ay makakamtan din.
Ngunit sa bawat pagkataloโ€™y may aral na bitbitin,
pagbangon at pagtanggap ang tunay na hangarin.

Ngunit sa bawat tumba na aking natamo,
may aral na higit pa sa gintong titulo.
Sapagkat ang talinoโ€™y hindi nasusukat ng numero,
kundi sa tibay ng loob at tapang ng puso.

Ang landas ng tagumpay ay hindi laging tuwid,
may lungkot, may luha, may gabing kay lamig.
Ngunit sa bawat hakbang, akoโ€™y naninindig,
sapagkat bukas ay sisilay rin ang init.

Kayaโ€™t sa paglalakbay ng buhay kong ito,
hindi grado ang hahadlang sa pangarap ko.
Dahil higit sa lahat, akoโ€™y patuloy na tao,
lumalaban, bumabangon, nagmamahal ng totoo.

Isinulat at Inilapat ni Lorenz Antonio


๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | TAMANG BOTO, TAMANG TAKBOTuwing dumarating ang halalan, muling haharap ang bawat Pilipino sa pinakamahalagang t...
20/09/2025

๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | TAMANG BOTO, TAMANG TAKBO

Tuwing dumarating ang halalan, muling haharap ang bawat Pilipino sa pinakamahalagang tanong: sino ang karapat-dapat mamuno sa ating bayan? Sa kabila ng bigat ng tanong na ito, marami pa ring botante ang nagiging pabaya, namimili batay lamang sa kasikatan, o pansariling interes. Dahil dito, paulit-ulit tayong bumabalik sa parehong sugat ng lipunan: katiwalian, kahirapan, at kawalan ng tunay na pagbabago. Kung gayon, saan nga ba magsisimula ang paglago na matagal nang minimithi ng ating bansa?

Ang simpleng boto ay hindi lamang karapatan, ito ay isang responsibilidad na may kapangyarihang bumuo o sumira sa kinabukasan ng sambayanan. Bawat balota na ating isinusulat ay may timbang na higit pa sa iniisip ng karamihan. Kayaโ€™t kung tunay nating hangad ang isang bansang maunlad at makatarungan, kinakailangan ang boto na matalino, tapat, at may malasakit. Hindi โ€˜yung iboboto ang kandidato dahil parehas ng apelyido. Hindi rin dahil marunong lang mag-โ€œbudotsโ€ sa entablado, o dahil nakakatawang komedyante sa telebisyon. Hindi rin sapat na may libreng damit, pera, o pagkain noong kampanya. Dahil sa dulo, hindi kasikatan o aliw ang kailangan ng bayan.

Kung iisipin natin, iilang beses na tayong nadapa dahil sa maling pagpili. Ilang beses nang nasayang ang pagkakataon dahil mas inuna ng ilang lider ang sarili kaysa bayan. Tayo mismo ang nagdurusa, mula sa mabagal na serbisyo hanggang sa paulit-ulit na katiwalian. Hindi na bago ang mga aral ng ating kasaysayan. Ilang ulit nang napatunayan na ang maling pagboto ay nagbubunga ng mas malalaking problema: tumitinding kahirapan, lumalalang katiwalian, at pagkabalam ng mga programa o kaganapan na dapat sanaโ€™y para sa taumbayan. Ngunit sa kabila ng ito, kung nagkakaisa ang mamamayan at pinipili ang mga lider na may integridad at malasakit, makikita natin ang sinag ng pag-asa, ang simoy ng paglaya, maayos na pamamahala, matinong serbisyo, at tunay na pagbabago.

Dapat nating tandaan: ang halalan ay hindi paligsahan ng kasikatan kundi isang seryosong usapin na may direktang epekto sa ating kinabukasan. Kung nais nating masig**o ang tamang pagpili, kinakailangan ang masinsinang saliksik, pakikinig sa plataporma, suriin ang track record at kredibilidad ng mga kandidato. Sa huli, dapat nating isapuso na ang boto ay hindi lamang para sa sarili. Ang isang maling pagpili ay maaaring magpabigat sa kinabukasan ng buong bansa, ngunit ang tamang boto ay magbubukas ng pintuan ng pagbabago at kaunlaran para sa lahat. Kayaโ€™t huwag nating sayangin ang pagkakataon. Dahil sa bawat boto, nakasalalay ang direksyon ng bayan, at sa bawat tamang boto, may tamang takbo tungo sa kinabukasang ating inaasam.

Isinulat ni Angela Brotonel
Inilapat ni Iram Montano


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | PAGOD LANG MARAHIL KAYA KO ITO NAISULAT โœ๏ธ๐Ÿ“Hindi ko malaman kung saan ko dapat simulรกn.Marahil pagod lang ako...
20/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | PAGOD LANG MARAHIL KAYA KO ITO NAISULAT โœ๏ธ๐Ÿ“

Hindi ko malaman kung saan ko dapat simulรกn.
Marahil pagod lang ako kaya ko ito naisulatโ€”
o baka namaโ€™y bigat ng dibdib?
Nakakatawa rin isipin, hindi ba?
Ni hindi ko na matukoy kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman.

Gaya ba ako ng lapis at papelโ€”
na, kapag naubos, nawawalan na rin ng saysay?
Gaya ba nila ako, na matapos mapakinabangan,
ay basta na lang itatapon, iniwang walang halaga,
pagkatapos kong magbigay aliw at silbi sa kanila?

Pagod lang marahil ako, kaya ko ito naisulat.

May mga sandali ring akoโ€™y natitigatig.
Sa dami ng tungkuling aking pinasan
upang mapunan ang puwang at kalungkutan,
bakit tila akoโ€™y nauubos pa rin?

Wariโ€™y pagod lang nga ako, kaya ko ito isinusulat.

Sa lahat ng araling aking dinaanan,
alin doon ang dapat isabuhay?
Alin ang dapat maisakatuparan?
Bakit sa lawak ng kaalaman,
wala pa ring tugma ang sagot sa aking tanong?

Ilang sulatin pa ba ang dapat kong iguhit?
Kailan ko ba mararanasan ang kapayapaan?
Sapat ba ang pagsusulat?
Sapat nga ba ang pasulat?

Sapat kaya na itoโ€™y aking iginuhit?
Sapat na ba ang pagbuhos ng lahat sa mga talata?
Sapat na kaya iyonโ€”lahat?

Kumplikado, oo.
Ngunit ang tanging hiling koโ€”
na sa aking susunod na paghawak ng pluma,
hindi na sana mabigat.

Sanaโ€™y mapunan ko na ang kulang.
Sanaโ€™y mabuo na rin ako.

At sana, gaya kong manunulat,
mahanap nโ€™yo rin ang dulo,
at ang dahilan kung bakit
kay tamis mahalin ang pagsusulat.

At gaya ng panata sa kasal,
sa hirap man o sa ginhawa,
mananatili kitang mamahalinโ€”
lapis at papel ng aking damdamin.

Isinulat ni Reign Balaca
Inilapat ni Venice Gonzales


๐‘ช๐’๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’•๐’–๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’” ๐’•๐’ ๐‘บ๐’–๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ'๐’” ๐’ˆ๐’“๐’‚๐’…๐’–๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’–๐’š๐’‚๐’”! ๐ŸŽ“โœจThe spotlight's on our graduating Kuyasโ€”Dan Mc Clarence Santos and Rhe...
19/09/2025

๐‘ช๐’๐’๐’ˆ๐’“๐’‚๐’•๐’–๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’๐’” ๐’•๐’ ๐‘บ๐’–๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’๐’ˆ'๐’” ๐’ˆ๐’“๐’‚๐’…๐’–๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’–๐’š๐’‚๐’”! ๐ŸŽ“โœจ

The spotlight's on our graduating Kuyasโ€”Dan Mc Clarence Santos and Rheyent Boton!

Kuya Dan first joined Sumilang as a photojournalist and when Sumilang needed him the most, he stepped up as our Acting Editor-in-Chief. On the other hand, Kuya Rheyent has been the steady force behind our visual storytelling as our Head Photojournalist.

Both of them are more than just membersโ€”they were our fellow journalists, our mentors, and our leaders that kept Sumilang alive and thriving. Thank you for all the time, dedication, and memories you shared with us. As you close this chapter and step into new ones, we're cheering you on for even bigger wins ahead. Maraming salamat po! ๐Ÿ’œ


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ |  GISING, PILIPINAS ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠKay hirap ng sinasapit ng bansang Pilipinas,sapagkat may mga taong 'di nalaban ng patas...
19/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | GISING, PILIPINAS ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœŠ

Kay hirap ng sinasapit ng bansang Pilipinas,
sapagkat may mga taong 'di nalaban ng patas,
ang hustisyaโ€™y nabibili, batas ay nagagasgas,
at ang mahihirap lagi na lang ang nauutas,

Habang ang may sala'y nagdiriwang sa handaan,
na galing sa buwis na ninakaw sa kaban ng bayan,
sa mesa nila'y ligaya, sa masa'y kapighatian,
tila dugo ng mahirap ang kanilang alak sa basaan,

Mga tahanang inanod at kababayan napabayaan,
pangarap ng marami'y natabunan ng baha at ulan,
ngayon ay naglalakad, walang tirahan o tahanan,
at bitbit ang pangarap na baka muling mabuo kinabukasan.

pinipiga ng sistema ang lakas ng masa,
ngunit gantimpalaโ€™y dusa at pangungutya,
Ang dugo at pawis ay tila nawawaldas,
sa halip na ginhawaโ€™y pighati ang nabibigkas.

O Inang Bayan panahon na upang lumaban,
Singilin ang salarin sa ninakaw na yaman,
Hindi magtatagal darating ang katarungan,
Pag-asa'y aahon sa tinig ng sambayanan.

Isinulat ni Mary Joy Dela Rama
Inilapat ni Angela Brotonel


๐‘ซ๐’‚๐’“๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’Ž๐’š ๐’‰๐’‚๐’๐’…~ ๐‘ต๐’๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’†๐’‚๐’•๐’” ๐’‚ ๐‘ฑ๐’†๐’•๐’‰2 ๐’‰๐’๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’š! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰Happy birthday to Sumilang's ever-reliable OG News Writer, Jethro...
19/09/2025

๐‘ซ๐’‚๐’“๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‰๐’๐’๐’… ๐’Ž๐’š ๐’‰๐’‚๐’๐’…~ ๐‘ต๐’๐’•๐’‰๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’†๐’‚๐’•๐’” ๐’‚ ๐‘ฑ๐’†๐’•๐’‰2 ๐’‰๐’๐’๐’Š๐’…๐’‚๐’š! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

Happy birthday to Sumilang's ever-reliable OG News Writer, Jethro! Survived the deadlines, survived last yearโ€™s batch, and is still here to serveโ€”not only with his face cardโ€”but Kabsuhenyos as well. May this year bring you more success, happiness, and unlimited cake! ๐Ÿฅณโœจ


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ |  PAGSIBOL ๐ŸŒฑ๐Ÿซโ€ŽBiyahe tungo sa panibagong yugto ng buhay ko,โ€Žkung saan ang lahat ng bagay ay bago.โ€ŽHindi na tul...
18/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | PAGSIBOL ๐ŸŒฑ๐Ÿซ

โ€ŽBiyahe tungo sa panibagong yugto ng buhay ko,
โ€Žkung saan ang lahat ng bagay ay bago.
โ€ŽHindi na tulad sa hayskul na nakasanayan koโ€“
โ€Žmga g**o, kamag-aral, at sulok ng paaralan na hindi ko pa rin kabisado.
โ€Ž
โ€ŽWala na ang sermon ni Maโ€™am bago magsimula ang klase,
โ€Žpati na rin ang pamilyar na halakhakan ng mga kamag-aral kong lalaki.
โ€ŽGanoโ€™n din ang kwentuhan naming magkaka-ibigang babae.
โ€ŽHindi ko na rin nakakasalamuha ang datiโ€™y palagi kong katabi.
โ€Ž
โ€ŽGanito pala sa kolehiyo,
โ€Žkailangan mong matuto sa paraan na kaya at alam mo.
โ€ŽMag-aral nang mas maaga upang tiyaking may alam sa pagpasok ng pinto.
โ€ŽAt may ma-isagot sa oras na pangalan moโ€™y matawag ng tagapagturo.
โ€Ž
โ€ŽGanito pala sa kolehiyo,
โ€Žhindi tulad ng dati na lahat isusubo na lang sa iyo.
โ€ŽDito kailangan mong buhatin ang sarili mong bangko,
Sapagkat wala ng ibang gagawa noon bukod sa sarili mo.
โ€Ž
โ€ŽNakakakaba at nakakapanibago,
โ€Žtila isa akong paslit na nawalay sa mga magulang ko.
โ€ŽPaslit na walang muwang kung saan ako tutungo,
โ€Žnangangambang maligaw sa bawat hakbang na gagawin ko.
โ€Ž
โ€ŽNgunit alam kong darating din ako sa ganoโ€™ng punto,
โ€Žang matutuhang masanay sa buhay ng kolehiyo.
โ€ŽUunti-untiin ang sariling tanggapin,
โ€Žat mag-padala sa daloy ng biyaheng pinili kong tahakin.
โ€Ž
โ€ŽSa ngayon, isa lang ang alam ko,
โ€Žang mag-patuloy sa kabila ng mga ito.
โ€ŽBaon ang nag aalab na pangarap,
โ€Žalang-alang sa kinabukasang nais kong malasap.

Isinulat ni Armae Savilla Dela Concepcion
Inilapat ni Faith Jaira Videรฑa


๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | PASAHERO ๐Ÿ›ฃ๏ธ๐Ÿ’ฐAko si Mari โ€” estudyante sa umaga at naghahanap-buhay sa gabi.Ito ang salaysay ng araw-araw kong ...
18/09/2025

๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—”๐—ฅ๐—ฌ | PASAHERO ๐Ÿ›ฃ๏ธ๐Ÿ’ฐ

Ako si Mari โ€”
estudyante sa umaga at naghahanap-buhay sa gabi.
Ito ang salaysay ng araw-araw kong laban.

Maingay. Mausok. Nakakapagod.
Sa bawat pagdilat ng umaga, ito ang bumabalot sa aking mundo.
Trapik na walang patid, usok na kumakapit sa balat,
at mga mata ng pasaherong tila pagod na sa laban ng araw-araw.

Pag-apak ko sa jeep, pareho pa rin ang eksena:
mga palad na tigib ng pawis, mga tingin na nagbabakasakali.
Ngunit may ibang bigat ngayonโ€”kasing-taas ng buwis ang baha sa kalsada.
at ang mga taoโ€™y nag-uunahan kung saan makalikas man lamang.

Nagtatanong ako sa hangin:
โ€œNasaan na ang bagong proyekto na ipinangako ng gobyerno sa amin? Nilimot na ba ng kahapon at nilamon ng katahimikan? Ganito na ba ang kapalaran ng bayang ito? Wala na bang boses ang mamamayan? Ang mga kabataan na kapag maglalabas ng kanilang saloobin, tila paglaban na agad sa gobyerno at tinatawag pang terorista?โ€

Tinanaw ng aking mga mata ang unahan ng jeep.
Nakita ko sa kabilang kalsada, ang mga estudyanteng nagpupuyat, humahabi ng pangarap sa ilalim ng kumukupas na ilaw para lamang sa magandang bukas.

Mga manggagawang walang tigil sa pagkayod, bitbit ang bigat ng matrikula at upa,
sinisikap punan ang hapag kahit salat sa tulog at pahinga;
Mga breadwinner na inuuna ang pamilya kaysa sarili, nagtatakip ng luha sa bawat araw ng pagod.

Samantala, sa kabilang dulo ng kalsada,
may iilang nilalamon ng luhoโ€”mga palad na hindi man lang nagdilig ng pawis,
bulsaโ€™y namamaga sa salaping hindi nila pinaghirapan.
Mga hapag kainan na tila laging may salo-salo sa dami ng putaheng nakahain,
na kung susumahin galing naman sa kaban ng bayan.
Sila, ang tinatawag na mga anak ng sistemang bulok.

Nakakalungkot isipin ang dalawang dulo ng kalsada ay may malaking pag kakaiba.
Narito ako, nakalugmok sa mausok na kalsada,
pinipisil ang tigil-hiningang pag-asa.
Buwis ko, pawis koโ€”mga baryang pinag-ipunan,
parang usok na naglalaho sa hangin,
habang bulsa ng ilan ay patuloy na lumolobo at
umaapak sa alapaap.

Minsan tinatanong ko ang sarili: hanggang kailan tatagal ang tanikalang ito?
Hanggang kailan magiging musika ang mga pangakong hindi tinutupad?
Hanggang kailan kami magbabayad ng pagod at buwis, habang ang kinabukasan ay nilulunok ng kasakiman?

Ako ay simpleng manggagawa, nananatiling tahimik sa gitna ng ingay ng trapiko,
ngunit sa dibdib koโ€™y sumisigaw ang bawat patak ng pawis. Dumadaing ng hustisya sa mga pangil na nakakagag sa mumunti naming pag asa.

Ang daan ay mausok, ang hangin ay mabigat, at ang kalsadaโ€™y puno ng tanong na walang kasagutan. Kung darating man ang umaga na lilinaw ang langit at bawat barya ng buwis ay tunay na mapupunta sa mahal kong inang bayan, marahil ay hihinga ako nang maluwag.

Ngunit habang patuloy ang bulok na sistema at habang patuloy na yumayaman ang iilan.
Mananatili akong nakatindig at isinisigaw ang hinaing ng mamayang inalipin sa sariling bayan, ng mga sakim at gahaman sa kayamanan. Mananatili akong nakatingin sa malayo, nagbabakasakali na may bukas pang magbibigay hustisya.

Isinulat ni Niรฑa Villamor
Inilapat ni Chloe Tornito


Address

Silang

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sumilang Publications posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sumilang Publications:

Share

Category