
10/10/2025
๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐ข๐ง๐ ๐
Sa panahong tila ang ating mga trabaho ang siyang nagiging sukatan ng ating halaga bilang tao, madalas nating nakakaligtaan na tayo'y tao lamangโnapapagod, nalulungkot, at nangangailangan ng pahinga. Sa gitna ng ating mga pinagdaraanan, madalas nating marinig ang mga pangganyak na kataga tulad ng, โlumaban ka lang,โ at โbangon muli.โ Ngunit kailan naging masama ang sandaling huminto at magpahinga?
Ngayong World Mental Health Day, mahalagang ipaalala na ang kalusugang pangkaisipan ay hindi lamang tungkol sa katatagan, kundi pati na rin sa pag-aalaga sa sarili. Tandaan: Ang pagpapahinga ay hindi isang kahinaan; ito ay isang karapatan. Hindi ito nangangahulugan ng pagsuko sa laban, kundi isang paghahanda upang ipagpatuloy ito nang may mas malinaw na isip at mas matatag na puso.
Maraming Pilipino ang tahimik na lumalaban sa kani-kanilang mga hamon. Sa kabila ng mga ngiti, may mga matang pagod; sa likod ng sigla, may mga pusong puno ng bigat. Kayaโt sa halip na pilitin ang sarili na maging โayosโ lang, nawaโy matuto ang lahat na tanggapin na hindi araw-araw ay magaanโat walang mali kung minsan ay titigil at magpapahinga.
Sa mabilis na takbo ng buhay, ang pagpapahinga ay isang tahimik ngunit makapangyarihang pahayag: โPinili kong unahin ang aking kapayapaan.โ Ang mundo ay hindi titigil dahil sa ating sandaling pagtigil; sa katunayan, bago tayo muling bumangon, karapatan nating magpahinga.
Ngayong World Mental Health Day, ating isabuhay ang kasabihan: โRest is not idleness. It is the space where strength quietly rebuilds.โ Ang pahinga ay hindi katumbas ng pagsukoโitoโy paraan ng pagpapahalaga sa buhay.
๐จ: Juliene T.
โ๏ธ: Shania O.