15/09/2026
HUWAG UGALIING MAG-SELF MEDICATE NG ANTIBIOTICS AGAD-AGAD LALO NA SA SIMPLENG UBO AT SIPON LAMANG.
Madalas nagiging kaugalian na mag self medicate ng gamot lalo na ng antibiotics thinking na yun ang kailangan at dahil umiiwas sa gastos ng pag papatingin sa doctor.
Pero dapat natin maunawaan na ina-assess pa muna ng ating care provider ang ating symptomas pati history para malaman kung kailangan na nga ba at kung ano ang nararapat na gamot na gamitin because not all medicines lalo na antibiotics, are made the same.
Ang viral infections din pati ay hindi ginagamot ng antibiotics dahil io ay para sa bacteria at hindi viruses na malimit ay self-limiting. Ang maling pag gamit ng antibiotics din ang dahilan ng pagkakaroon nga antibiotic resistant infections na laganap at lubhang napakahirap gamutin at hindi biro.
Ugaliing komunsulta sa ating trusted na doctor kung may iniinda. Let us, help you..
https://www.facebook.com/share/p/19YiqcrRVT/
REMEMBER: Antibiotics do not treat viral infections, like colds and flu
ALWAYS seek the advice of a qualified health care professional before taking antibiotics