12/08/2025
"ate, baket ba hindi mo'ko pinapayagang sumama sa field trip? eh, sabi naman ni mama, mahilig ka daw sa field trip dati."
"bunso, gusto mo bang i-kwento ko sayo yung nangyari sa last field trip ko?"
"baket? connected ba yun kung bakit ayaw mo'ko payagan?"
"oo"
"oh, sige."
"noong bata pa kasi ako, parati kaming may field trip sa school. parati rin ako sumasama. kaya one time, naghold ng program yung skwelahan namin. may field trip pero with chosen students lang."
"at napili po kayo?"
"hindi, bunso. pero dahil mahilig ako sa field trip, nagmakaawa ako sa teacher ko. kaya yung napili na student sa section namin, binigay sakin yung ticket niya for field trip."
"eh, saan po kayo nag field trip?"
"malayong-malayo siya. parang isang probinsiya ata yun. umalis kami ng 11am. parang tatlong oras kaming nasa byahe bago sabihin ng attendant and driver na malapit na daw kami."
"ano pong meron sa lugar na pinuntahan niyo?"
"hindi kami dumating sa paroroonan namin, bunso."
"ha? bakit naman po?"
"napabyahe kami ng ilang beses pero lagi kaming nakakabalik sa entrance ng probinsiyang paroroonan dapat namin. sinubukan din naming umatras nalang at umuwi pero kahit lumarga kami ng pabalik, nababalik kami sa entrance ng probinsiyang iyon."
"ano pong ginawa niyo nung napansin niyong pabalik-balik kayo sa entrance?"
"umabot na ng mga 4pm ata yun tsaka kami tumigil dahil biglang nasiraan ang gulong ng sinasakyan namin. natatakot na kami that time dahil nawala din ang nakasunod saming school bus na mga magbabantay dapat samin. lumabas muna kami dahil sinabi ng attendant na papalitan ng driver ang gulong."
"ano naman po ginawa niyo sa labas?"
"dahil mga bata pa kami, sinabi ng attendant na mag head count kami. nagbilang kami, mula isa, dalawa, tatlo... hanggang sa umabot ng labing apat."
"parang ang dami niyo naman po, ate."
"medyo madami nga. para hindi kami mawala, nag by partner kami para bantayan ang kasama namin. karamihan samin ay gustong gumawa ng apoy mula sa mga sapa ng kahoy. dahil parang gubat ang paligid namin, nagsi-gawa kami ng kunwaring a-apoyan kung sakaling gagabihin na."
"hindi man lang po ba tumawag sa selpon ang attendant or driver niyo?"
"wala silang signal sa gubat na yun. hindi din namin alam kung bakit. yung iba din naman samin ay wala namang telepono.
nung napalitan na ng gulong yung sasakyan namin, madilim na yung langit. pinapasok na kami agad ng attendant sa sasakyan at sinabi sa driver na lumarga na ulit kahit na pabalik-balik kami. bago kami lumarga, nag head count uli' kami. bumilang kami mula isa, dalawa, tatlo... at umabot ng labing... dalawa."
"labing dalawa? eh, diba labing apat po kayo nun?"
"nagulat yung attendant din namin. binilang niya ulit kami, pero labing dalawa parin. lumabas siya at sumisigaw kung nasaan na yung dalawa. pero walang sumasagot. tanging tunog lang ng gabi ang naririnig namin. nagsi-iyakan na ang ibang mga bata. at tiningnan ng attendant ang listahan kung sino ang mga nawawala. pero nagulat siya."
"bakit po?"
"labing isa lang pala ang mga sumamang estudyante..."
"anak, sinong kinakausap mo?"
"si ate po"
"sinong ate?"
"si ate may po"
"hoy, anak! wag mo nga akong tinatakot! matagal nang hindi natatagpuan ang ate mo!"
"..."
— miss kie
📸
゚viralシfypシ゚