Penpushers' Guild of Belarmino

Penpushers' Guild of Belarmino The official administrative government of The Ladder/Hagdanan Publication.

TIGNAN | Natapos ang isinagawang pagtitipon ng Kathagdanan Production sa pagpili ng mga bagong officers na Treasurer, Au...
09/06/2026

TIGNAN | Natapos ang isinagawang pagtitipon ng Kathagdanan Production sa pagpili ng mga bagong officers na Treasurer, Auditor, at Public Information Officer (PIO) sa loob ng Silid 102 sa P. Lejos Building ng Gen. Vito Belarmino Integrated National High School.

Nahalal na rin ng organisasyon ang kanilang pangunahing direktor, aktor, aktres, editor, at taga-sulat ng iskrip kasabay ng botohan para sa mga opisyal.

Samantala, matapos ang botohan, isang interbyu ang isinagawa sa mga naghahangad na maging bagong miyembro ng grupo.

Iniulat ni Andrea Portabis
Mga kuhang larawan ni Renz Javier

TIGNAN PA: https://www.facebook.com/share/p/184ck5B7vR/

"'WAG PO KAYONG MAG-ALALA"Ipinaliwanag ni Miriam B. Periña, isang tagapayo, sa isang oryentasyon para sa mga mag-aaral n...
06/06/2026

"'WAG PO KAYONG MAG-ALALA"

Ipinaliwanag ni Miriam B. Periña, isang tagapayo, sa isang oryentasyon para sa mga mag-aaral ng Baitang 7 ang mga regulasyong dapat sundin sa darating na pasukan sa Hunyo 8, 2026.

Sa kaniyang pahayag, binigyang-kaalaman niya rin ang mga magulang at mga estudyante sa bagong markang kinakailangang abutin ng mga estudyante sa darating na pasukan.

“Para po sa mga dati nang with honors o achievers, 95 na po ang kailangan nang mga anak niyo na makuha para po maging with honors... ‘Wag po kayong mag-alala, madali lang iyan, basta pumasok lang ang mga anak niyo at mag-comply,” pahayag ni Periña sa kaniyang pagbibigay-lakas ng loob sa mga bata.

Sa kabila ng paunang pahayag ni Periña, naglabas naman ng paglilinaw ang Department of Education (DepEd) upang panatilihin sa 90 ang minimum general average para sa Academic Excellence Awards para sa Taong Panuruan 2026-2027.

"Learners in KS2 to KS4 who obtain a GA of 90 or higher, with no FG below 80 in any learning area, shall receive the Academic Excellence Award. Awardees shall be listed alphabetically to promote fairness and minimize competition and must have no derogatory records or disciplinary cases within the SY. This recognition affirms consistent performance, responsibility, and balanced achievement," nakasaad sa DepEd Order No. 015, s. 2026, Sec. 75.

Sa pamamagitan ng bagong labas na gabay, nilinaw ng kagawaran ang pagpapanatili sa markang 90 upang maiwasan ang labis na presyur sa mga mag-aaral at mapanatili ang patas na pagkilala sa kanilang akademikong pagsisikap.

Iniulat ni Andrea Portabis & Ryl Flores

Gen. Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) will officially open the school year 2026–2027 through its...
06/06/2026

Gen. Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) will officially open the school year 2026–2027 through its first flag-raising ceremony on June 8, 2026, at 7:00 a.m., marking the start of the academic year.

‎According to the Supreme Secondary Learner Government (SSLG), on a Facebook post, the venue of the ceremony will depend on the weather conditions.

If the weather permits, the program will be held at the school grounds for students in Grades 7, 8, 9, 11, and 12.

In case of rain, the ceremony will be held at the covered court for Grades 11 and 12 only.

‎A line formation has also been prepared to ensure an orderly assembly of students during the ceremony.

The SSLG organized the event to mark the start of the academic year and promote patriotism, discipline, and school spirit.

Students are advised to arrive early and wear proper uniforms. (SSLG/Facebook)

See: https://www.facebook.com/share/p/1FhUD4fRgc/

Reported by Rina Esseah Fernandez

06/06/2026

𝐒𝐔𝐌𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐆𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐎𝐓𝐎𝐇𝐀𝐍𝐀𝐍!

Muling nagbubukas ang Penpushers’ Guild of Belarmino para sa mga mag-aaral na nagnanais maging boses ng katotohanan at pagbabago.

Sa gitna ng isang mundong talamak ang gulo, patuloy na sisisid at maninindigan ang ating organisasyon upang magsilbing boses ng iba't ibang sektor sa loob ng paaralan at lipunan.

Patuloy nating hahadlangan ang paglaganap ng pekeng balita at maling impormasyon, itataguyod natin ang karapatan sa malayang pagpapahayag sa kabila ng mga krisis sa mundo, at hindi natin hahayaang mabaon sa limot ang lagim ng nakaraan, lalo na sa panahon na pilit binabaluktot ng mga nasa kapangyarihan ang ating kasaysayan.

Huwag hayaang manatiling tahimik ang iyong pluma at talento. Sumali na at makibaka para sa katotohanan!

Kung interesado, isumite ang mga kailangan sa pamamagitan ng bit.ly/4tmUE2G o suriin ang QR code.

Para sa mga katanungan, magpadala ng kalatas sa aming opisyal na pahina sa Facebook.

TIGNAN | Walang pasok sa darating na Hunyo 9, 2026, ayon sa isang Facebook post ng Municipal Government ng Silang para s...
04/06/2026

TIGNAN | Walang pasok sa darating na Hunyo 9, 2026, ayon sa isang Facebook post ng Municipal Government ng Silang para sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan, kasama ang mga Local Government Offices, upang ipagdiwang ang araw ng Silang.

Samantala, nanatiling may pasok ang mga frontline officers upang matiyak ang kaayusan at tuloy-tuloy na serbisyo.

Kabilang sa mga may pasok ang mga OMNHO, DRRMO, OME (Engineering), PNP, STMO, at BFP.

Ang mga ito ay alinsunod sa Executive Order No. 0001 (Series of 2026).

Mga ilustrasyon mula sa Municipal Government of Silang/Facebook

LOOK | Gen. Vito Belarmino Integrated National High School conducted an orientation on June 3, 2026, for incoming Grade ...
04/06/2026

LOOK | Gen. Vito Belarmino Integrated National High School conducted an orientation on June 3, 2026, for incoming Grade 7 students and their parents to prepare them for School Year 2026–2027.

The activity introduced learners and parents to school programs, policies, and facilities before the opening of classes.

Math teacher Gizelle Casama served as master of ceremonies and guided the flow of the program.

The orientation opened with a prayer led by Guidance Advocate Miriam Periña, followed by an audio-visual presentation of the Philippine national anthem.

Grade 7 Consultant Michel D. Benamir introduced the teachers who would handle Grade 7 classes and support students throughout the school year.

Benamir explained the role of teachers in helping learners develop academic skills and adjust to junior high school life.

Guidance Counselor Janice Toledo discussed school rules and regulations to guide students in maintaining discipline and responsible behavior.

Toledo said the policies would help learners understand their responsibilities as members of the school community.

Meanwhile, Ken Dela Rosa, a Technology and Livelihood Education teacher, presented the official school uniforms, while SSLG officers led a campus and room tour for students and parents to familiarize them with school facilities and offices.

Reported by Ryl Flores
Photos by Clauie Nathalie Doble

TIGNAN | Inaanyayahan ng KatHagdanan Production sa isang page ang mga estudyanteng gustong maging bahagi ng kan...
04/06/2026

TIGNAN | Inaanyayahan ng KatHagdanan Production sa isang page ang mga estudyanteng gustong maging bahagi ng kanilang organisasyon na pumunta sa Biyernes, sa ganap na 10 ng umaga sa Room 102, Senior High School building, para sa isang interview.

Layunin ng organisasyon na makahanap ng mga miyembrong nagnanais na mapabilang sa produksyon ng media upang buhayin ang mga talentong nakatago sa mga mag-aaral.

Inaasahan ng organisasyon na makita at makasama ang mga estudyanteng buo na ang loob at puso na umanib at matuto.

Larawan mula sa KatHagdanan Production/Facebook

TIGNAN | Pinauunlakan ng paaralan ng Gen. Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) sa isang Facebook pos...
04/06/2026

TIGNAN | Pinauunlakan ng paaralan ng Gen. Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) sa isang Facebook post ang mga magulang ng mga mag-aaral ng Baitang 11 na dumalo sa darating na oryentasyon sa Hunyo 10, 2026 sa ganap na 8:30 ng umaga na gaganapin sa covered court ng paaralan.

Nilalayon ng oryentasyon na mabigyang-kaalaman ang mga magulang ng mga estudyante sa paparating na pasukan at sa mga pagbabago sa kurikulum.

Inaasahan ng paaralan ang pakikisama ng mga magulang ng mga estudyante para sa isang matagumpay na taon sa panuruan 2026-2027.

Larawan mula sa GVBINHS/Facebook

Address

Filipino Department, Gen. Vito Belarmino Integrated National High School, Kalubkob
Silang
4118

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Penpushers' Guild of Belarmino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share