18/08/2024
'IT'S NOT ABOUT THE NUMBERS'
Ito ang naging sagot ng aktor na si RK Bagatsing matapos mapag-usapan ang kanilang eight-year age gap ng partner na si Jane Oineza sa isang interview ni Bianca Gonzales sa 'BRGY.'
"I just found out right now that you guys pala have an eight-year age gap... But did you ever feel that at any point in your relationship?" tanong ni Bianca.
"I think... I don't know e, I don't wanna speak for 'yung sa ibang tao na who's in the same situation pero parang pwede siyang lumabas sa conversation lalo na 'pag nag-aaway kayo pero I don't think it's right kasi may mga alam siya na hindi ko alam, may mga alam ako na hindi niya alam so parang it's not about the numbers, I think," sagot ni RK.
"Yeah, I know, agree kasi... Hindi lang nasa age 'yung experiences in life, or I guess 'yung knowledge natin, or yung sensibility as a person parang hindi lang 'yun lahat nababase sa age. There could be like a 10-year-old na mas smarter than me," wika pa ni Jane.
"It's kinda off to say na 'I'm older than you, I know better,' parang no, parang ganun, so 'dun din pumapasok 'yung communication nga. It's getting to know na ‘Okay, nasa'n ka ba sa point ng buhay mo right now? Where [are] you at?’ And dun tayo mag-start. No matter kung anong age ako or kung anong age ka kung nandito ka sa phase ng buhay mo na 'di ba 'yung mga era, era na 'yon, 'di ba? So, if you're in the same page with that one [person] and you're going in the same direction or same goals in life I think you can disregard that number and just be together," saad pang muli ni RK.
(YouTube/TFC The Filipino Channel)