TunaysiLhan

TunaysiLhan Maging totoo lng sa sarili,, kung sinong may gusto siyang maiiwan, yong ayaw mag tiis wag nang ilaban.. mahalaga magsakripisyo ka nang may patutunguhan

What if you re genuinely happy now-okay ka na, healed, at peace. Pero, one day nagkita kayo ulit ng taong minsan mong mi...
07/08/2025

What if you re genuinely happy now-okay ka na, healed, at peace.

Pero, one day nagkita kayo ulit ng taong minsan mong minahal ng buơng buo?

No closure. No goodbye.

Just distance and silence.

Then suddenly He looks at you with that same smile. and asks, "kamusta ka na?"

Anong isasagot mo? Sasabihin mo bang okay ka na talaga o itatago mo yung parte mong minsan din siyang hinihintay bumalik

Or will you just fake a smile and say.

"Okay lang ako, masaya na"

What if mag kita muli kayo sa aksidenteng panahon? Magiging masaya kaba dahil nakita mo siya? O malulungkot ka dahil nakikita mo na siyang kinakaya nyang wala ka habang ikaw hindi pa rin maka usad sa katotohanng wala na siya

-tunaysilhan

06/08/2025

At kung isang araw,
hindi na tayo muling mag-usap.

Hayaan mong isulat ko ang aking
pangalan sa ulap.

Nang upang balang araw,
ay maalala mo,

May isang taong minahal at pinahalagahan ka
nang higit pa sa kaniyang sarili.

—Tunaysilhan

04/08/2025

Mararanasan ko nnman pala ulit

ang sakit plng maloko pero laban lang.

Sa pagtatapos ng isang relasyon, madalas nating tanungin ang ating sarili kung makakahanap pa tayo ng iba.
Ang tanong na ito ay nagdudulot ng takot, pag-aalinlangan, at pag-asa.
Ngunit sa likod ng sakit at lungkot, mayroong isang katotohanan: ang buhay ay patuloy na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa pag-ibig at pagmamahal.

-Tunaysilhan

04/08/2025

Pinili nating maging pribado.

Pinili nating dalawa na maging pribado.
Pinili nating lumagay sa mundo na tayo lamang ang sasaksi.
Pinili nating sa lahat ng pagsubok at problema tayo lang ang mag reresolba.
Pinili nating hindi e kwento sa iba.
Pinili nating ayusin ng tahimik nang walang gumagambala.
Pinili nating tumayo ng ilang beses sa pagkakadapa.
Pinili nating itulak ang isat- isa.
Pinilit nating maghawak ang kamay at nagkakaisa.
Pinili nating maging pribado ngunit hindi sikreto.
Malayo sa ingay ng ibang tao.
Malayo sa opinyon ng marami.
Pinili nating tayong dalawa lang sasaksi.
Isang relasyong masaya at payapa.
Isang pag-ibig na tahimik at totoo.
Isang pagmamahalang magtatagal sa dulo.

–Tunaysilhan

02/08/2025

Salamat sa karapatang makapitan at mahalin ng kagaya mo.

Sa pagmamahal na hindi kailanman magmamaliw...ikaw parin, pinili ko nlng manahimik para hindi ka na masaktan muli.

01/08/2025

Nawalan na ako ng pag asa.

Sa kabila ng lahat, mas pinili ko nang pumayapa.

Mas pinipili ko nang manahimik at huminga.

Mas pinili ko na ang sarili, mas pinahahalagahan ko pa.

Hindi na kita hinihintay na bumalik.

Unti-unti na ring nawawala ang pag-ibig.
Kaya kahit may pagkakataong umiiyak pa,

Tatahan din ang pusong, sa’yo noon ay umasa.

Tama na siguro ang lahat ng sakit.

Tapos na ang lahat ng pagtitiis–at kahit ilang beses pa akong magbigay ng pagkakataon.

Hindi na Ikaw ang kailangan ko ngayon.

Tama na ang sugat at markang iniwan.

Patuloy ko na itong ginagamot–at darating ang pahanong mawawala rin at maghihilom.

Sa pagnamnam ng sakit, ito ang tugon.

At oo,

Hindi na kita hinihintay.
Hindi na lilingon.
Hindi kakaway.
Hindi na magbabalik.

–Tunaysilhan

01/08/2025

Sa paghahanap ng bagong magmamahal at mamahalin.

Sa paghahanap ng iba, mahalagang matuto tayo sa ating mga karanasan.

Huwag tayong matakot sa sakit at lungkot, kundi gamitin natin ito bilang isang pagkakataon upang lumago at magbago.

Ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa romantikong relasyon, kundi pati na rin sa pagmamahal sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin.

Sa huli, ang makakahanap ng iba ay hindi lamang tungkol sa paghahanap ng isang bagong partner, kundi tungkol sa pagtuklas ng ating sarili at sa pagmamahal sa buhay.

Kaya't huwag mawalan ng pag-asa, dahil ang buhay ay patuloy na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa paglago, pag-ibig, at pagmamahal.

01/08/2025

Sa bawat araw na lumilipas, hindi ko maiwasang isipin ka.

Kahit na matagal na tayong hindi nakakausap, ikaw pa rin ang laman ng aking isipan.

Naaalala ko pa rin ang mga masasayang alaala natin, at ang mga tampuhan na naging sanhi ng pagkalayo natin.

Gusto kong humingi ng tawad sa mga pagkakamali ko noon.

Sana mapatawad mo ako kahit hindi na tayo magkabalikan.

Sana kahit hindi na tayo, magkaibigan pa rin tayo sa puso natin.

01/08/2025

Natutunan kong mas payapa pala kapag wala ka nang alam sa lahat.Hindi ka na nagtatanong at naghihintay ng patungkol sakanya.

Ganon pala yung pakiramdam ng walang nalalamang balita.Mas tahimik at payapa.

Mas pinagbubutihan mo na lang yung mga bagay na mas importante.Nirereserba mo na lang ang lakas sa mga bagay na mahalaga.

Hindi ko na inalam, hindi na rin inaalam.
Sapagkat abala ako sa sarili. Mas marami pa palang kailangang ayusin, atupagin, at pagtuunan ng pansin.

Kaya sana matutunan mo rin.
Na may kapayapaan, sa mga bagay na hindi mo na inaaalam.

–Tunaysilhan

31/07/2025

Hindi na ako marunong mag isip

Nakalimutan ko nang isipin ang mga detalyeng mayroon sa'yo,

Kung paano ka tumawa,
Kung paano ka magsalita,
Kung paano mo ako tignan,

Nakalimutan ko nang lahat alahanin ang mga bagay na 'yan.

Siguro kasi natutunan ko nang mabuhay nang hindi na palaging sinusuyo ka

Nakakatulog na ng mahimbing kahit hindi na marinig ang iyong tinig

Pagod na akong umibig.

Sana maunawaan mo, na pinilit kong manatili.

Pinilit kong isauli ang mga ngiti,

Pinilit kong muli kang makabisado,

Ngunit naubos na ang dating kayang gawin—para sa'yo.

hindi na ikaw ang hanap.

30/07/2025

Bakit ba kailangan naging bahagi pa ako ng iyong pagkatao?

Bakit kailangan pang marinig ang pintig nitong puso
kung sa iba bubugso,
kung sa iba hihinto.

Bakit kailangan ko pang masanay sa tinig mong nagpapawala sa pagod ko

bakit kailangan kong masanay 'sayo,
kung sa iba ka uuwi, at hindi sa piling ko?

Sapagkat napuno ng katanungan ang bawat gabi.

Naging mahina ang dating malakas kong pang-unawa.

bakit pa kailangan nating simulan ang kwentong iba naman ang pinili mong tumapos?

bakit hindi ako?
bakit hindi tayo?

ewan...pero ako mananahimik nlng hnggang mkalimot.kc alam ko n msaya n siya sa npili niyang tao
29/07/2025

ewan...pero ako mananahimik nlng hnggang mkalimot.kc alam ko n msaya n siya sa npili niyang tao

Address

Sinait

Website

https://www.facebook.com/share/16UvJGZ2Vs/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TunaysiLhan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share