17/07/2026
ROMANCING THE ASSASSIN
By: Ashley Grace
Chapter 4
Did she sit on him? That question parked longer on her head than it should be and the feeling of his pulsing manhood was like a paste on her butt. Heated. Oozing with steel and virility. Why everything seemed to let off the hook when he is around? She can't even begin to think how to put her scarttering self together once she was caught with the depths of those amber gray eyes of his.
Sumenyas sa kanya si Makki na huwag siyang maingay at nahiga itong muli. Tumaob sa sahig na parang nasa malambot na k**a at nagtalukbong ng polyester. Tameme siyang nakatitig sa bulto nitong ilang saglit lang ay hindi na gumagalaw. Is he asleep already? She was amazed how fast he can doze off just like that.
Pumalaka siya nang upo at urong-sulong ang k**ay na humawak sa lining ng tarp. Dahan-dahan niyang hinawi iyon paangat at maingat na sumilip. Nagyelo siya nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Animo'y kiniliti ng pakpak ng mga paruparo ang kanyang sikmura. Hindi ito tulog?
"You want?" he murmured and rolled over.
"Sorry, I just thought you're-" she almost wailed when he grabbed her.
His force was overwhelming that she had no time to gather her own strength to resist. Nasubsob siya sa mabato nitong dibdib. Hindi na niya nagawang manulak. Nakadiin ang katawan niya sa lalaki at nakulong sa kaliwang bra*o nito. Sumadsad ang sensitibong parte ng kanyang katawan sa umbok sa pundilyo nito. Sinubukan niyang pumitlag nang madamang sumundot iyon sa mula sa loob. Tumagos ang puwersa ng pagkalalaki nito sa kabila ng suot niyang denim shorts.
"Perv! You're poking on me..." impit niyang angal.
"Hm? It's not. Huwag kang maingay, nagpapalaki iyan." His eyes were dancing in an evil smile. Kabaliktaran sa tapang at gaspang ng boses nitong binago ng suot nitong mask. "Don't be bothered by it, ligtas ka hangga't hindi sumasabog ang kulungan niya. Pwede na ba tayong matulog?"
"Maliwanag na, matutulog ka pa?"
"Padidilimin natin." Itinabon nito sa kanilang dalawa ang polyester. "Better now? Sleep, goddess...and let's dream together," bulong nitong nagbigay ng kilabot sa kanya.
Ayaw man bumigay ay tinablan siya ng pagod at antok nang bumalot sa k**alayan niya ang masarap na init ng maskuladong katawan ni Makki at kung gaano iyon ka-komportable sa pakiramdam. Smell of trees, the sea, and the meadow craddled her in her sleep.
Paggising niya ay mag-isa na lamang siyang nakahilata roon. Sa ilalim niya ay nakalatag ang polyester at may jacket na nakabalabal sa kanya. Inut-inot siyang bumangon at nag-unat ng mga bra*o. Tirik na tirik ang araw at kumirot ang mga mata niya sa singaw ng init at hanging may alat. Ilang minuto pa siyang nakasalampak muna roon. Hinahaplos ang hibla ng jacket na nalukot sa kanyang kandungan.
Naglibot ang kanyang paningin nang masanay sa hapdi at humantong sa lalaking nakasampa sa manipis na tubong railing. Kapit sa katawan nito ang suot na itim na shirt na halata ang lambot ng tela tuwing humahaplos doon ang simoy ng hangin. Nakatuon sa railing ang mga k**ay nitong itinago ng leather gloves. Her eyes rolled down to his fatigue pants and combat boots anchored in the next interlink barrier.
He has changed a whole lot from the first time she saw him. Maybe, he is alright now in a real sense, just maybe. Tumingala siya sa maaliwalas na papawirin at binalikan ang isa sa mga alaalang hinding-hindi niya makakalimutan. The memory of a boy lurking inside the dark basement of the Serafin mainhouse.
Twenty years ago.
"Me! Me! I wanna go!" Yvienne, five years old, and full of energy yelled. Iniwan niya ang binubuong dominos matapos ipulupot sa balikat ang sling bag niyang kulay green at may apple sa loob. Her snacks.
The man behind the desk looked at her. He is her Uncle Aivan, her mother's older brother and he is a lawyer. Madalas siyang hiramin nito dahil wala pa itong anak. Silang dalawa sana ni Yvonne pero hindi pumayag ang Mommy niya. Siya lang ang hinayaang sumama.
"Whe're we going, Uncle?" sabik niyang tanong.
Hinaplos nito ang ulo niya. "What are you saying? Hindi pa rin ninyo natagpuan ang bata?" anito habang nakadiin sa tainga ang hawak na cellphone. "Pupunta ako riyan!"
Matapos nitong ibaba ang cellphone ay kinuha nito ang coat na nakasampay sa sandalan ng malaking swivel chair at isinuot. Kinarga siya nito at lumabas sila ng opisina. Tuwang-tuwa siya habang nasa loob ng sasakyan. Gusto niyang magtanong pero mukhang may sumpong ang Uncle niya. Nakasimangot ito at matapang ang matang nakatuon lang sa daan sa unahan nila.
Lumikot ang paningin niya nang puma*ok ang sasakyan nila at huminto sa malawak na bakuran ng isang magandang bahay na kasing-laki ng mga bundok sa Yala. May ilan pang sasakyan doon at mga police at sundalo na palakad-lakad sa paligid.
Bumaba ang Uncle niya at pinagbuksan siya ng pinto. Kinarga ulit siya nito habang papalapit sa kanila ang isang police.
"Atty. Aceron, pasensya na kung hanggang ngayon wala pa ring development sa paghahanap namin sa bata. Maraming lugar dito sa mansion ang hindi namin maaring pasukin kung walang pahintulot ni Chairman Zedrick. Hindi rin namin magalaw ang mga gamit."
"It's been three days, Hepe! Paano kung nandiyan lang sa loob ang bata?" Nagbabanta ng galit ang matigas na boses ni Aivan.
"Iyon din ang hinala ng NBI, maari ring tama ang kutob naming tinangay ng mga suspek sa pagtakas ang bata."
"Hindi pwedeng nakadepende na lang kayo sa kutob at hinala. Kumilos kayo, Hepe! Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Chairman. Pasukin na ninyo ang bahay!" Nilapag siya ng Uncle niya at hinawakan ang kanyang k**ay.
Hindi mapakali ang kanyang mga mata sa pagsuyod sa paligid. "Uncle, can I go over there?" Itinuro niya ang garden sa malapit.
"Don't wander off around too far," paalala nito.
Tumakbo siya patungo sa tinatanaw na garden. Maraming bulaklak pero bakit parang ang lungkot sa pakiramdam doon. Natigil siya sa paghakbang at pinagmasdan ang maraming wasak na mga halaman at pa*o sa looban. May naglaro sigurong mga a*o roon. Nagpatuloy siya sa fountain na nasa gitna.
May dalawang estatuwa ng anghel na nakatayo sa bawat gilid ng sumasabog na tubig. Sumampa siya sa gutter ng fountain pero nadulas ang kanan niyang paa. Muntikan na siyang bumagsak sa tubig kung hindi niya naitukod sa mga k**ay sa tiyan ng anghel.
Naitulak niya ang bahaging iyon ng estatuwa at bigla na lang huminto sa pagsabog ang tubig. Bumukas ang sahig ng fountain at may nakita siyang hagdanan patungo sa ilalim niyon. Likas siyang pasaway na bata, sa halip na matakot ay nanaog siya at binaybay ang paikot na hagdanan. Ang parte na hindi na naaabot ng liwanag mula sa labas ay natatanglawan ng mga maliliit at dilaw na bombilyang nasa pader.
At sa paanan ng hagdanang iyon ay natagpuan niya ang batang lalaking nakasiksik sa dingding. May anino ng dalawang pakpak na tumubo sa likod nito.
"Uncle, is he an angel?" pabulong niyang tanong sa Uncle niya habang nakasampa na naman sa mga bisig nito.
Nakatanaw sila sa batang lalaki na nakita niya roon sa ilalim ng fountain. Nahanap sila roon ng Uncle niya. Hindi kasi siya umalis doon kanina. Pero nang i-akyat dito sa loob ng bahay ang batang lalaki, gumapang ito patungo sa ilalim ng mesa. Palagay niya ay natatakot ito sa liwanag.
"No, darling. He is Mikael, the son of my bestfriend."
"But I saw his wings at his back deep down at the fountain a while ago. He has dark wings and they are dancing in the wall behind him."
"Oh, those are shadows bacause of the limited light in there."
"Atty. Aceron," lumapit sa kanila ang police.
"Let the boy do what he want. Hihintayin nating dumating si Chairman. Hayaan muna natin ang bata."
"Tatlong araw siyang nakakulong doon sa basement? Paano siya-"
"Anak siya ng isang sundalo at pamangkin ni Master Zedrick. A child like him cannot be put down that easily," sabi ni Aivan.
Pumiksi siya at bumaba. Lumapit siya sa mesa na pinagtataguan ng batang lalaki. Sinilip niya ito. Tumalungko at pinagmasdan itong maigi. Pero hindi ito nakatingin sa kanya. Hindi rin ito nagsasalita. Gumapang siya papalapit dito. Noon lang nabaling sa kanya ang mga mata nitong kakulay ng. Sumiksik siya sa tabi nito at ngumiti. Sasamahan muna niya ito para hindi matakot.
Naalala niya ang snacks sa kanyang bag. Baka nagugutom ito. Binuksan niya iyon at dinukot sa loob ang mansanas. Ipinunas niya iyon sa kanyang damit at isinubo sa batang lalaki.
"Um, eat!" Dinutdot niya sa bibig nito ang mansanas.
Pero iniwas nito ang mukha.
***
Makki's glanced landed at his coat that the goddess had hung on the railing beside him. Itinuon nito ang mga k**ay roon at sinilip siya. He looked away, corner of lips curved in a smile. Her eyes always had this innocent and reckless glint, a fraction of her beauty that never changed over the course of time.
"I'm hungry, do you have something edible at the pantry?" tanong nitong sinundan ng pagtunog ng tiyan.
Tumalon siya pababa ng railing at hinablot ang coat. Binitbit.
"Follow me," he motioned her.
Nagtungo sila sa hagdanan at bumaba sa pantry ng barko. The crews inside ate busy preparing the meal. Nag-overtake sa kanya ang dalagang kasama at sinugod ang marble table. May tray roon na siksik sa mga prutas. Kumuha ito ng mansanas at dinala sa sink. Hinugasan.
Sumunod siya rito at hinubad ang suot na mask. Kakagatin na sana pero hinablot niya at siya ang unang kumagat ng malaki. He consumed half of it.
"That's mine!" angal ng diyosa.
Ibinalik niya rito ang kalahati at kinain nito iyon nang nakasimangot. Yeah, the goddess is intended for a prince. But in the darkness he can steal a moment with her. Darkness is his territory after all. Dinampot niya ang tray at dinala sa sink, binuhusan ng tubig ang mga prutas doon at binitbit iyon palabas ng pantry.
"Wait for me!" Humabol sa kanya si Yvienne. "I need more apples! Gutom pa ako!"
Hinayaan niya itong sumunod hanggang sa accommodation area at sa cabin na kanyang pinasukan.
"Can we please turn the lights on? I expected this ship had a centralize lighting and ventilation system." She is nagging behind him. "Ilaw, bumaha ka! Wala akong makita...gusto kong makita ang kinakain ko, ano ba, Mikael!"
Humarap siya sa dalaga nang saktong bumangga ito sa kanya at hinuli ng mabilis na halik ang labi nito. "Quiet, or you will see more stars and fireflies..." he whispered while she stood there unable to move. "Here's your apple, eat quietly." Binigyan niya ito ng mansanas mula sa tangan niya fruit tray.
"You...why did you ki-" the words died down into a moaned in her throat when he caught her lips again. This time, the kiss lasted for about four seconds.
She gasped when he withdrew.
"You can ask me later," muli niyang bulong at naglakad ng paurong patungo sa k**a. His eyes were so used in the darkness that he was like having a built-in night vision. Malinaw niyang nakikita ang diyosa na hind malaman ang gagawin kung magwawala o kakainin ang bitbit na mansanas.
Ibinagsak niya ang sarili sa sahig at ang tray sa kanyang tabi. Hindi niya nilisan ng titig ang bulto ni Yvienne na mistulang sining sa madilim na canvass.