12/12/2025
ISINUKO SA DASAL, ANG NAKAMIT AY UNANG PARANGAL! ππ
Tiwala sa sarili at tiwala sa Itaas, 'yan ang itinanim namin sa aming mga sarili. Sa ilang araw lang na preparasyon, isa lang ang aming mithiinβ'yon ay ang ipaglaban ang aming mga kamag-aral na nasa likod lamang namin na nakasuporta. Naging lakas namin ang bawat isa, tuloy lang kahit napapagod na. Pinahalagahan namin at hindi sinayang ang pagkakataong ito na ibinigay sa amin.
Kahit maingay na ang paligid, nagkaisa ang taimtim naming naisβito ay ang magkaisa upang manalangin. Kakampi namin ang isa't isa at alam namin na Siya lamang ang aming sandata. Naging sandalan namin ang bawat isa, subalit noong mga oras na 'yon alam namin na Siya lang ang tangi naming masasandalan. Ginawa na namin ang aming parte, ibinuhos na ang lahat na kaya at pwede pa naming gawin, ang hiling ko na lamang sakanila ay isuko namin sa dasal. Sa pagtaas ko ng aking kanang kamay, luha ang mga lumandas sa aming mga mata, panalangin ko ay Siya lamang ang manguna.
Sa pag apak namin sa gitna, puso ang aming dala. Sigaw ng kaluluwa naming mga mananayaw at hiyaw ng aming mga kamag-aral ay nag uumapaw. Ang bawat luha at pawis ay hindi nasayang, puhunan namin ang mga 'yan tungo sa pagkamit ng tagumpay.
LAGI'T LAGI, SA DIYOS ANG PAPURI! ππ
Isinulat ni Hazel Ann Lopez Benavente