30/10/2024
Hi guys!!! Gusto ko lang ishare yung napaka-ispesyal na araw na ito para sa akin, kasi meron na akong picture na kasama ang aking iniidolo na si BOSS ARCH, napagiisip isip siguro kayo kung bakit ispesyal ito para sa akin? Dahil si boss arch ang inspirasyon ng pagtransisyon ng page na ito na nagmulang Jelloplays na Jello Moto na ngayon, siya ang inpirasyon ko na pagmomodify ng motor ko ngayon at pagmo-motovlogging, si boss arch ay nagmulang mekaniko na nagmamay-ari ng motorstar explorer 200 dati na ngayon ay isang successful entrepreneur na nagmmay-ari Zero One Moto - Main Page at may multiple motorcycles na ngayon, nagmula siya sa ibaba ngayon nasa taas na, gusto ko maging kagaya niya na hindi sumusuko sa mga pagsubok sa buhay, ngayong na-meet ko na siya in person, lalo akong naengganyong maging pursigido sa buhay at sa career ko, maraming salamat boss arch sa pagbisita sa amin dito sa Nueva Vizcaya kasama ang Z1 squad, talaga nga na ikaw ay number one☝️