01/10/2026
LATESTVOICEOUT!
Isang taos-pusong pagbati at pagpupugay ang ipinapaabot ng buong pamunuan ng Barangay San Pedro, sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Sangguniang Barangay, at Sangguniang Kabataan (SK), sa mga natatanging mag-aaral at kabataan na nag-uwi ng karangalan para sa ating komunidad mula sa katatapos lamang na Division Schools Press Conference (DSPC).
Ang inyong natatanging galing sa larangan ng pamamahayag—mula sa pagsulat ng balita, lathalain, editoryal, isports, hanggang sa pagkuha ng larawan, pagguhit, at pagbabalita sa radyo at telebisyon—ay tunay na nagpapatunay na ang kabataan ng San Pedro ay may angking talino, sipag, at dedikasyon.
Kayo ang patunay na ang panulat at boses ng kabataan ay may kapangyarihang maghatid ng katotohanan at magsilbing liwanag sa ating lipunan.
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang tagumpay ng inyong mga sarili at mga paaralan, kundi karangalan ng bawat mamamayan ng Barangay San Pedro.
Dahil dito, Ipinagkakaloob ang sertipiko at insentibong ito ng pagkilala at pagpapahalaga sa inyong natatanging kontribusyon at husay na nagtaas sa bandila ng barangay.
Patuloy ninyong linangin ang inyong mga talento, at nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa iba pang mga kabataan na magsumikap at mangarap nang mataas.
—-
Barangay Kagawad Maria “Konsingh” Cairo Singh
SK Chairperson Kyan Marie Cairo
Funded by the 10% SK Fund 2026