23/04/2024
Sa gitna ng dilim at liwanag,
Nakatayo ako't nag-iisip ng malalim.
Relasyong may pait at sakit,
Na gusto ko nang tapusin, ngunit hindi ko magawa.
Sa bawat ngiti mo, sa bawat yakap at halik mo,
Nahuhulog ako't nawawala sa sarili ko.
Ang puso ko'y humihiyaw, nagnanais ng kalayaan,
Subalit ang aking puso't isipan, sa'yo pa rin nakatali.
Gusto ko nang lumaya, gusto ko nang sumaya,
Ngunit bakit sa bawat hakbang ko, pabalik sa'yo ang aking mga paa?
Minsan na akong lumuha dahil sa sakit,
Bakit ba hindi ko magawang itigil ang pag-ibig?
Ang relasyong ito'y parang isang palaisipan,
Na gusto ko nang tapusin, ngunit hindi ko magawa.
Sa kabila ng lahat, nariyan ka pa rin
At hindi ko magawang iwan ka.
Gusto ko nang tapusin ang relasyong ito, ngunit hindi ko magawa,
Dahil sobrang mahal kita, at ayukong mawala ka.
Ang puso ko'y nagdurugo, ang aking isipan ay naguguluhan,
Ngunit sa kabila ng lahat, sa'yo pa rin ako nanatili.
Sa huli, ako'y nagnanais na sana'y may kasagutan,
Sa relasyong gusto ko nang tapusin, subalit hindi ko magawa.
Sa kabila ng lahat ito'y aking haharapin, ikaw pa rin ang aking pipiliin at mamahalin.
-Markos