21/04/2026
๐๐ฉ๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐ฆ๐๐, ๐ง๐๐ ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐จ๐๐๐ก, ๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฆ๐ข๐๐ข๐ก ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ช๐๐ฅ๐ฅ๐๐ก๐ง ๐ข๐ฃ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก; ๐ฆ๐๐๐๐จ, ๐๐๐ฅ๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ง ๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐๐ ๐ฆ๐๐
BULAN, Sorsogon โ Arestado ang isang 53-anyos na mangingisda na itinuturing na High Value Individual (HVI) matapos ang isinagawang search warrant operation ng kapulisan sa bayan ng Bulan nitong Abril 20, 2026.
Batay sa ulat, dakong alas-4:25 ng hapon nang ipatupad ng mga tauhan ng Bulan Municipal Police Station ang Search Warrant No. 2026-01 kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Fi****ms and Ammunition Regulation Act. Ang naturang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 65 sa Bulan, Sorsogon.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang limang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na isang gramo at halagang โฑ6,800. Narekober din ang isang kalibre .38 na baril, apat na bala, at isang granada.
Ayon sa pulisya, maayos na naitala at naimbentaryo ang mga nakuhang ebidensya sa presensya ng mga itinakdang saksi, alinsunod sa umiiral na mga pamamaraan.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act No. 10591, at Republic Act No. 9516 kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng pampasabog.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bulan Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.
Samantala, muling nanawagan ang Pulis Kasangayahan sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Source | Image : Sorsogon PPO