15/05/2025
Sumahod Asawa ko kagabi(PAYDAY) kaya nagExpect ako na sana naman bumili siya ng Letchon Manok or Pritong Manok man lang kahit yun lang sana pasalubong niya sa amin. Kaya di na Ako nagluto. Pero Hindi sa pagiging Maarte ha, Sardinas lang Ang inulam namin kagabi, kaya napatanong nalang Ako Bigla sa kanya
"Diba Sahod Mo Ngayon? Akala ko bibili ka ulam kaya di Ako nagLuto... At Ang sagot niya:
"Wala akong Sinahod.
Nanlumo Ako PAYDAY kagabi kaya Hindi Ako bumili or nagLuto man lang Kase iniisip ko siya na bahala,
I trusted na kahit papano may konting lambing through Foods, Pero Wala.
Walang Efforts, Walang Pasensya, Walang Paliwanag.
Hindi Ako Mapakali non kaya Nung tulog na Asawa ko kinuha ko Yung CP niya an Chineck ko GCASH niya Walang Laman Bigla kung nakita transaction niya at dun ko nalaman na Napatalo niya 19K buong Sahod niya sa CASINO. Jusme tinapon, sinayang,inubos lang sa Sugal.
Habang kami kumakain ng Sardinas.
Hindi ko na alam kung bakit Bigla nalang tumulo luha ko.
Ikalawang beses na to na natalo siya sa Casino pero Yung una Hindi ko din sinabi sa kanya Kase 5K lang din naman yun an nabigyan naman Ako ng tira sa Sahod niya..pero Ngayonπ₯Ή
Ano po Gagawin ko?
ELLA
27YRS.OLD
BULACAN