05/04/2023
TIGNAN | STUDYANTE NABIGYAN NG BIKE AT SCHOOL SUPPLIES, NG MGA RIDERS.
Ngiti at labis na kasiyahan ang naramdaman ng isang studyante mula sa Abuyog Elementary School, matapos Makita at masakyan nito ang bagong Mountain bike na handog ng Grupo ng Rider sa pangunguna ni Sir Tony Morada Ang ARAL Chairman Arangkada Coordinator.
Nitong Araw ng linggo ika-2 ng April taong kasalukuyan, dakong alas dyes ng umaga personal na nai-turn over Ang mountain bike at school supplies na galing nmn sa GRUPO NG Bacon Pride Rider (BPR) na pinangungunahan naman ni ma'am Connie Doma Brita .
Ang Batang maswerting nabigyan ng BIKE at School Supplies ay kinilalang si REY MAR BON labing tatlong taong gulang (13) panganay sa Anim na magkakapatid, Grade Six Student at kasalukuyang nakatira sa BRGY ABUYOG East District Lungsod ng Sorsogon. Napili si Rey Mar dahil sa nakitaan ito ng pagpupursige sa pag-aaral sa gitna ng kahirapan ng Buhay. Isang karpintero Ang kaniyang Tatay at nagtitinda naman ng mga street foods Ang kaniyang Nanay.
Samantala labis ang kasiyahan ni Nanay dahil ayon sa kaniya lubos itong makakatulong sa pag-aaral ni Rey Mar, lalo't na maykalayuan Ang kanilang Bahay sa paaralan.
Sa Kabilang Dako sa naging mensahe ni Sir Tony Morada sambit nito na tuloy-tuloy Ang kanilang tulong na ibibigay sa Bata hanngang sa PAG highschool nito, sagot rin ng kanilang Grupo katulong ang BPR pagdating sa maintenance ng nasabing bike, pakiusap rin ni sir Tony na alagaan at pahalagahan ito para magamit pa ng ibang Bata pagdating ng panahon.
Nagpasalamat din ang Grupo ng ARAL at BPR sa mga kaguruan ng Abuyog Elementary School, Sa mga Barangay Officials sa pamumuno ni kap. Jeffrey Louie Estadola sa pagbigay oras ng mga ito.
π· Reygan Dino