
24/06/2025
“Ako ‘Yung Masama Sa Kwento Mong Pabor Sayong Version.”
Tahimik lang ako palagi.
Mas sanay akong umintindi kaysa magtanong.
Pero habang tumatagal, napansin ko…
Ako lang pala lagi ang uma-adjust.
Hindi ako nagreklamo nung hindi ka nagrereply agad.
Tinanggap ko na lang nung parang lagi kang may ibang inuuna.
Kapag may mali, ako ‘yung unang nagsosorry.
Kahit minsan, hindi naman ako ang may kasalanan.
Hanggang sa natutunan ko na lang…
na huwag na rin masyadong mag-effort.
Na kung ayaw mong magpaliwanag, edi ako rin.
Na kung hindi mo ko pinapansin, edi hindi rin kita kulitin.
Ginaya lang kita.
Hindi para gumanti.
Pero para hindi na rin ako laging nauuna.
Para hindi na lang ako ‘yung laging sumusuyo, laging nag-aadjust.
Pero ang bilis mong magbago ng kwento.
Bigla mo akong tinuruan ng leksyon,
na para bang ako na ‘yung may kasalanan.
Na “parehas na lang tayo,”
na “ginaya mo lang ako kaya ganyan ka rin.”
Ang hirap lang tanggapin,
na nung ako ‘yung umintindi, tahimik ka lang…
pero nung ako na ‘yung tumigil,
ako pa ‘yung masama.
Hindi ko sinasabing perpekto ako.
Alam ko rin kung kailan ako may pagkukulang.
Pero sana bago mo ako husgahan,
tignan mo rin kung paano mo ako tinrato.
Hindi ako galit.
Wala akong sama ng loob.
Pero ngayon, alam ko na kung kailan ako dapat huminto.
Kung sa kwento mo ako ang kontrabida,
edi okay lang.
Hindi ko na kailangan ipaliwanag ang side ko
sa taong gumawa ng sarili niyang bersyon ng totoo.
—