04/05/2025
๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น ๐ง๐๐ฟ๐ป๐ผ๐๐ฒ๐ฟ ๐ผ๐ณ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๏ผข๏ผก๏ผณ๏ผก
๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐บ ๐๐ฏ๐ฏ๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ค๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ต๐ฐ๐ณ๐บ๐ต๐ช๐ฎ๐ฆ ๐๐ค๐ค๐ฆ๐ด๐ด: A Combined Bulletin Board and Mini-Bookshelf
__________________________________________
Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nag-ambag ng kanilang panahon, talento, at suporta sa pagsasakatuparan ng proyektong ito. Ang pagmamalasakit ninyo ay taus-puso ko pong pinahahalagahan, lalo na po sa mga indibidwal na nagkaloob ng pinansiyal na tulong at walang sawang pagsuporta sa aking adhikain.
Opisyal na ang paglulunsad ng Project BASA: Barangay Announcements and Storytime Access sa Lokal na Pamahalaan ng Barangay San Juan, Oas, Albay.
Ang proyektong ito ay naglalayong magtatag ng isang sentralisadong sistema ng komunikasyon sa pamamagitan ng isang bulletin board kung saan maipapabatid ang mahahalagang anunsiyo at impormasyon mula sa barangay. Layunin nitong mapadali ang pagbabahagi ng mga balita at impormasyon sa mga residente at mapalakas ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan, mga lokal na organisasyon, at ng pamahalaang barangay.
Karugtong nito, nakapaloob din sa Project BASA ang isang mini-bookshelf na maaaring paglagyan ng iba't ibang aklat na angkop sa lahat ng edad at antas ng pagbabasa. Layunin nitong hikayatin ang pagbabasa at pag-aaral, at mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa ng mga residente sa barangay San Juan.
Ang pagsasama ng bulletin board at mini-bookshelf ay inaasahang magpapalakas ng ugnayan sa loob ng komunidad at magpapasigla sa pakikilahok ng mga mamamayan sa mga programa, gawain at aktibidades ng barangay.
*********************************************
P.S. Ang Project BASA ay bukas pa rin po sa mga gustong magpaabot ng kanilang pagsuporta. Ang inyong mga abuloy ay lubos na makatutulong sa pagpapayaman at pagpapaunlad ng proyektong ito. Mangyaring makipag-ugnayan lamang po sa tanggapan ng Barangay San Juan para sa karagdagang impormasyon.
๐โจ