Spring RADIO Tampakan Offical

Spring RADIO Tampakan Offical Daily Updates
(1)

16/07/2025
Bagong kinatawan ng IPs sa bayan ng Tampakan, nanumpa naTAMPAKAN, South Cotabato— Nanumpa ang mga bagong Indigenous Peop...
16/07/2025

Bagong kinatawan ng IPs sa bayan ng Tampakan, nanumpa na

TAMPAKAN, South Cotabato— Nanumpa ang mga bagong Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs) kahapon, July 15, 2025, sa munisipyo ng Tampakan.

Sa pagkilala sa mahalagang papel ng Indigenous People sa lokal na pamahalaan at inklusibong kaunlaran, pinangunahan ni Mayor Leonard Escobillo, RN ang Oath of Office ng mga napiling IPMRs mula sa limang barangay ng munisipalidad.

Kabilang sa mga bagong halal na IPMRs sina Dailyn Apolo mula sa Barangay Liberty, Bangkas Tsapli mula sa Barangay Pulabato, Naneng Rey Tambe mula sa Barangay Kipalbig, Fred Guisan mula sa Barangay Buto, at Jessie Matagol mula sa Barangay Poblacion.

Ang mga bagong talagang IPMRs ay napili sa isang opisyal na proseso, alinsunod sa mga alituntunin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na nagbibigay-diin na sila ay tunay na tinig ng kanilang Indigenous Cultural Community (ICC).

Dinaluhan ng MLGOO Marijovy C. Manzano at Municipal IPMR Domingo Collado ang seremonya, na nagsilbing patunay ng transparency sa proseso ng pagpili at ng buong suporta ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng sektor ng IP para sa makabuluhang representasyon ng mga Indigenous People sa lokal na pamahalaan.

Photo credit: Municipal Government of Tampakan page

Agarwood is NOW AVAILABLE at Bahaykubo Product Display ng Municipality of TampakaN sa T'nalak FestivalAgarwood, also kno...
15/07/2025

Agarwood is NOW AVAILABLE at Bahaykubo Product Display ng Municipality of TampakaN sa T'nalak Festival

Agarwood, also known as aloeswood or oud, is a fragrant resinous heartwood formed in the Aquilaria tree when it's infected with a type of mold. This resinous wood is highly valued for its use in incense, perfume, and traditional medicine. The formation of agarwood is a natural defense mechanism of the tree against fungal infection.

Pagdiriwang ng 47th National Disability Rights Week sa Barangay Poblacion GymnasiumPOBLACION, Tampakan — Ipinagdiriwang ...
15/07/2025

Pagdiriwang ng 47th National Disability Rights Week sa Barangay Poblacion Gymnasium

POBLACION, Tampakan — Ipinagdiriwang ngayong araw, July 15, 2025 ang 47th National Disability Rights Week sa Barangay Poblacion Gymnasium.

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 111 ang mga PWD participants mula sa 14 na barangay ng Tampakan, kabilang na dito si Jek Flores, 47 anyos mula sa Barangay Santa Cruz. Ayon sa kanya, sa ganitong mga aktibidad, natutunghayan nila ang pagtulong ng gobyerno at ang pag-aalaga sa mga taong may kapansanan. Dagdag pa niya, bilang isang PWD, mahalaga ang kanyang pagdalo sa mga ganitong kaganapan upang maipahayag ang kanilang mga pangangailangan at makatanggap ng tamang suporta mula sa pamahalaan.

Nagbigay din ng inspirasyon si Municipal Councilor Catherine Tabaco, Committee Chair on Social Services, na nagpaalala na ang tunay na sukatan ng isang tao ay hindi ang kanilang kakulangan kundi ang kabuuan ng kanilang pagkatao.

Ang nasabing selebrasyon ay tatagal sa buong araw at magkakaroon ng mga paralympic events tulad ng chess at dart, na naglalayong maging platform para sa pagpapalakas ng tiwala at kakayahan ng mga PWD sa komunidad.

Mabulawanong BahayKubo ng Tampakan   #
12/07/2025

Mabulawanong BahayKubo ng Tampakan

#

12/07/2025
12/07/2025

Mutya ng South Cotabato, tonight at 7PM!

Tampakeños, let’s all cheer for our queen Kryzle Ann Teodoro as she proudly wears the sash of Tampakan on the pageant stage tonight.

Go, Kryzle! We’re all behind you!

📸 Mutya ng South Cotabato

Municipal Government of Tampakan
Mutya ng Tampakan
Spring RADIO Tampakan Offical
Tampakan Municipal Tourism

Address

Tampakan
South Cotabato

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639383400255

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spring RADIO Tampakan Offical posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Spring RADIO Tampakan Offical:

Share

Category