The Light Publication - Tomas Oppus

The Light Publication - Tomas Oppus The Light Publication is the Official School Publication of Southern Leyte State University-Tomas Oppus Campus.
(3)

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ฏ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏPaano kung ang dating luntiang damo unti-unti ng nagiging kulay tsukolate na madaling ma...
05/09/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก | ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ฏ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ฏ

Paano kung ang dating luntiang damo unti-unti ng nagiging kulay tsukolate na madaling magliyab at sa kalaunay magiging abo? Dahil sa sobrang init na nararanasan natin ngayon kahit na maliit lamang na apoy ay maaaring lumaki at kumalat. Ang damo na dati'y nagbibigay-buhay at kapayapaan sa ating kapaligiran ay ngayon ay parang kandila na lamang na naghihintay ng sindi.

Isa sa mga panganib kung bakit nagkakaroon ng ganitong panganib ay dahil sa El Niรฑo, ito ay nagdudulot ng mas mainit na panahon na siyang nagiging sanhi sa pagkatuyo ng mga halaman at damo sa kabundukan kung saan maaaring pagmulan ng malawakang sunog.

Ang sunog ay isang hindi inaasahang insidente na nagdudulot ng mabilis na pag kalat ng apoy na maaring magpinsala sa mga ari-arian, kalikasan at buhay ng Isang tao. Ang ganitong pangyayari na hindi inaasahan ay mag maraming dahilan at minsan ay hindi malamanlaman. Hindi man direktang sanhi ng wildfire ang El Niรฑo, maaari naman nitong gawing mas tuyo ang mga damo at halaman na nagsisilbing panggatong ng apoy at mas lalo pang lumaki at kumalat ang apoy dahil sa hangin na para bang tsismis na mabilis kumalat dahil sa mga marites.

Ito ang nangyari sa tatlong lugar ng Southern Leyte: ang Hinunangan, Silago, at ang Pintuyan. Ang mga lugar na ito ay sunod-sunod na nakaranas ng insidente na grass fire.

Sa Hinunangan, naapektuhan ang Barangay Sto. Niรฑo, Badiangon, at Manalog, kung saan tumagal nang humigit-kumulang 11 oras bago tuluyang naapula ang apoy.

Sa Silago naman, nasa 50 square meters ng Barangay Poblacion District 1 ang naapektuhan at umabot sa tinatayang โ‚ฑ5,000 ang pinsala. Samantala, mabilis namang naapula ng mga bombero ang insidente sa Pintuyan.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng tatlong insidente. Hindi lamang ang Southern Leyte ang nakaranas ng ganitong insidente, pati na rin ang bansang Indonesia kung saan nag dala ito ng panganib sa mga tao dahil sa usok na inilabas nito na kung tawagin ay na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Ang ganitong pangyayari ay nagpapakita na walang pinipiling hangganan ang apoy, at kapag ito'y kumalat na hindi kana tatanungin nang mala Korina Sanchez na, "Handa na ba kayo?" at ang usok ay mag aala Jessica Sojo na "Lumipad ang aming team," at sasakupin ang mga lugar na kalapit nito.

Ang mga pangyayaring ito ay hindi lamang nakakaapekto sa ating kalikasan, ito ay nagsisilbing paalala na ang ay hindi lamang problema sa kagubatan, sapagkat maaari rin nitong maapektuhan ang kalusugan, kabuhayan, tahanan ng mga tao, at higit sa lahat ang ating kaligtasan.

Sa panahon ng , ang pagiging handa at maingat ay maaaring maging unang hakbang upang maprotektahan ang ating mga kabundukan, tahanan, at buhay. Ang mga tuyong damo ay maaaring bahagi lamang ng ating kapaligiran ngunit sa panahon ng sobrang init maaari itong maging mitsa ng panganib.

Kaya bago pa man maging abo ang kabundukan iwasan na ang dapat iwasan bago pa may masaktan. Dahil kung ang tangig plano natin ay "patayin na lang kapag malaki na," baka sa susunod, hindi na lamang ang ating kabundukan ang kailangang iligtas kundi pati na rin ang ating mga tahanan at buhay.

๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ธ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฒ๐—ฟ๐˜†๐—ผ๐˜€๐—ผ๐—ต๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด "๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—บ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ ๐—ฒ๐—ต, ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ฎ ๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ธ๐—ฎ."

_
isinulat ni Shirylaine K. Paa | TL Opinions
art ni Kym Escamis | TL Creatives

๐—›๐—˜๐—”๐——๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ, ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐— ๐—”๐—ฆ!As the official student publication of Southern Leyte State University-Tomas Oppus (SLSU...
04/09/2026

๐—›๐—˜๐—”๐——๐—ฆ ๐—จ๐—ฃ, ๐— ๐—š๐—” ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ง๐—ข๐— ๐—”๐—ฆ!

As the official student publication of Southern Leyte State University-Tomas Oppus (SLSU-TO), The Light Publication covers campus activities, events, and milestones across the university.

To ensure timely and accurate coverage, all student organizations and individuals requesting coverage are kindly requested to follow the submission guidelines outlined in this announcement.

Your stories, Our pages.
_

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | 3  ๐—ธ๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ.๐—Ÿ๐—ฒ๐˜†๐˜๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€; ๐—•๐—™๐—ฃ, ๐—ด๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ป โ€Žโ€Ž โ€Žโ€ŽTulo ka lungsod sa Souther...
03/09/2026

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | 3 ๐—ธ๐—ฎ ๐—น๐˜‚๐—ป๐—ด๐˜€๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ.๐—Ÿ๐—ฒ๐˜†๐˜๐—ฒ, ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜€ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€; ๐—•๐—™๐—ฃ, ๐—ด๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐—ป โ€Ž
โ€Ž
โ€Žโ€ŽTulo ka lungsod sa Southern Leyte ang naigo sa ๐™œ๐™ง๐™–๐™จ๐™จ ๐™›๐™ž๐™ง๐™š๐™จ, Hinunangan, Pintuyan, ug Silago matud sa balita sa Infinite Radio Villaba 94.9Mhz.
โ€Ž
โ€ŽSa Hinunangan, naigo ang Barangay Sto. Niรฑo, Badiangon, ug Manalog, milungtad og 11 ka oras sa wala pa mapalong ang kalayo. Walay naitalang nasamdan o namatay.
โ€Ž
โ€ŽSa Silago, mga 50 metro kwadrado sa Barangay Poblacion District 1 ang naapektuhan. Kapin sa upat ka oras ang milabay sa wala pa mapalong ang kalayo, ug ang kadaot mokabat sa 5,000 nga piso.
โ€Ž
โ€ŽGipamatud-an usab sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 8 ang grass fires sa Pintuyan, apan dali kining napalong sa mga bombero.
โ€Ž
โ€ŽPadayon pa nga gipangita sa BFP ang hinungdan niining tulo ka sunod-sunod nga insidente.
โ€Ž_
source: https://www.facebook.com/reel/1480061667323004/?app=fbl

via Edelita Amrento | TL News

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ผ. ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜†๐˜๐—ฒ ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—›๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—ฑ๐˜‚๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€Moderate to heavy haze is affecting Southern Leyte due to smok...
02/09/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ผ. ๐—Ÿ๐—ฒ๐˜†๐˜๐—ฒ ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—›๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ ๐—”๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—ฑ๐˜‚๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—œ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜ ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€

Moderate to heavy haze is affecting Southern Leyte due to smoke from ongoing forest fires in Kalimantan, Indonesia, as of September 2, 2026.

According to Philippine Emergency Alerts, transboundary smoke from the forest fires is spreading to parts of Southern Luzon, Visayas, and Mindanao due to the presence of the southwest monsoon or Habagat.

Southern Leyte was among the areas listed under the moderate to heavy haze category in the alert issued at 6 p.m., Wednesday.

Residents were advised to stay indoors, close their doors and windows, and wear face masks when going outside and were urged to avoid outdoor exercise and heavy activities while the haze persisted.

The public was reminded to drink plenty of water and exercise caution when driving due to possible low visibility.

Those experiencing difficulty breathing or chest pain were advised to seek medical attention immediately, as children, older adults, and people with lung problems were identified as more vulnerable to the effects of haze.
_
via Sophia Soler | TL News

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—•๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€Filipinos first need to hear the facts before choosing sides.In a trial of a public offic...
02/09/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ข๐—ก | ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—•๐—ฒ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€

Filipinos first need to hear the facts before choosing sides.

In a trial of a public official, it is almost impossible for the country to remain quiet. People take sides, there are rallies, social media is full of arguments. Some want conviction, some want to protect the accused. But the one question that remains after all the noise is: what does the evidence actually show?

To a lot of Filipinos, this case is no longer just a legal matter. It has become a social and political debate. Supporters and detractors have taken to social media to express their views, and political groups are still trying to push their own perspective. Itโ€™s never bad to give an opinion. The problem, however, is when opinions are taken as facts, when people attack others just because they disagree.

Don't let the loudest voice on the internet decide a trial. It should be determined by evidence, by law, and by proper procedure. But if the evidence is there and the accused is guilty, then they have to be held accountable. And if evidence does not meet the required standard then the proper result must also be respected. Justice cannot be founded on popularity or unpopularity of a person.

That is why Filipinos have to learn how to look beyond social media posts, edited videos, slogans and political speeches. Before we share a claim we should ask ourselves: Is this information verified ? Where did that come from? Is there evidence that supports it? Even simple questions can help keep misinformation from swaying public opinion.

Yet, at the same time, those defending the accused must also be sensitive to the outrage of those who seek accountability. Questioning government actions doesnโ€™t necessarily mean being against the country. Similarly, to support an accused official does not necessarily mean to support the wrong-doing. In a democratic society people have the freedom to disagree, but it should be done respectfully.

The trial is also a reminder that government leaders answer to the people. Public office is a trust, not a privilege from inquiry. Citizens have the right to demand clear answers and transparency when serious accusations are made. But responsibility has to follow the law, too. But it should never be an excuse for public harassments or personal attacks.

What Filipinos really need is not another political war of camps. What we need are leaders who can answer questions, institutions that can operate free from fear or pressure and citizens who are prepared to look at the evidence before they make up their minds. No matter the outcome, guilty or not guilty, the country has to learn something from the process.

The trial is, after all, bigger than any one person. It also challenges the Filipino understanding of justice, democracy and accountability. We canโ€™t let anger, loyalty or political rivalry get in the way of facts.

Listen through the noise. Pose the question. Demand accountability. And let the facts do the talking.
_
via Vera Venus Tindugan | TL Opinions
layout by Noel Tejano | Creatives Head

๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—˜  ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Nepal-Tibet Flood: over 1,000 dead, hundreds missingDEVIGHAT, Nepalโ€”Death toll tops 1,000 and F...
02/09/2026

๐—”๐—™๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐——๐—˜๐—Ÿ๐—จ๐—š๐—˜

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Nepal-Tibet Flood: over 1,000 dead, hundreds missing

DEVIGHAT, Nepalโ€”Death toll tops 1,000 and Filipinos are among hundreds missing along Nepal-China border, after the deadly flash flood and mud swept the communities following a massive glacial collapse.

โ€ŽVideos of the tragedy showed that the torrent flood swallowed people as they tried to escape to safe places, destroying buildings and bridges.
โ€Ž
โ€ŽAccording to the Department of Foreign Affairs (DFA), there are 128 reported Filipinos in Nepal, most of them were women married to Nepalese, and 18 of them were migrant workers.
โ€Ž
โ€ŽDFA spokesperson Analyn Ratonel reported that the Philippine Embassy in New Delhi, which is mandated to represent the Philippines in Nepal, is now monitoring the situation in the northern part of Nepal that had been affected by the floods.
โ€Ž
โ€Žโ€œThe Embassy and the Consulate General are coordinating with Nepali authorities to determine whether there are affected Philippine nationals and provide emergency rescue or assistance,โ€ Ratonel said.
โ€Ž_
via Edelita Amrento | TL News
layout by Noel Tejano | Creatives Head

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ช๐—ก๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก"Langit, lupa, impyerno..." "Taya ka!" "Yes! Ako ang nakatumba sa lata!" "Aray, nadapa ...
02/09/2026

๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ช๐—ก๐—š๐—”๐—ช ๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก

"Langit, lupa, impyerno..." "Taya ka!" "Yes! Ako ang nakatumba sa lata!" "Aray, nadapa na naman ako!"

Alas tres na ng hapon at napakaingay ng buong kalsada.

"Isa na lang!" sigaw ng aking kalaro.

"Marga!" Tumagingting na sigaw ang lumukob sa buong daan.

Dali-daling inihatid ng aking mga paa ang sarili ko pauwi. Ang puso ko'y tila makinang dumadagundong sa kaba nang makita ko na naman ang aking inang may hawak na sinturon.

Isang kusnit sa tenga ang agad kong sinalubong.

"Tanghaling tapat, naglalaro ka na naman. Dapat natutulog ka!"

Wala akong magawa kundi ipikit ang aking mga mata habang nakikinig sa sigawan at tawanan ng mga batang nasa labas. Katabi ko si Inay, hawak pa rin ang kanyang sinturon na tila bantay sa aking pagtulog.

"Kailangan pa ba talagang matulog sa tanghali kung matutulog din naman sa gabi?" bulong ko sa sarili habang pinipigilan ang luhang dulot ng inggit sa mga kalaro kong patuloy na naglalaro sa labas.

Sa pagsikat ng araw, bumaba ako ng hagdan. Handa na ang almusal at plantsado na ang aking uniporme. Dali-dali na akong naghanda bago pa man maabutan ng mga sermon ni Nanay.

"Ma'am, present." "Late ka na naman." "Pahingi ng papel." "Ma'am inaway nanaman po ako ni Brian".

Hindi lamang kaluskos ng chalk at pahina ng libro ang umalingawngaw sa loob ng silid-aralan. Naroon din ang aming tawanan, pang-aasar, at mga kuwentuhang walang katapusan bilang mga batang walang iniintinding problema.

Habang nakatitig ako sa bawat galaw ng orasan, napapabuntong-hininga na lamang ako.

Krrrnnnggg!

Uwian na.

Sabay takbo kasama ang aking mga kaibigan upang muling maglaro sa ilalim ng init ng araw.

Hindi ko namalayang unti-unting napalitan ng mga notebook ang aking mga laruan.

Ang batang dating kuntento sa tumbang preso at taguan ay natutong magtago ng ibang bagay, mga lihim, damdamin, at munting paghanga.

Noong una'y laro lamang ang aking ina-alala ngunit sa pagdating ko ng hayskul, tila may iba nang sumasagi sa aking puso't isipan.

"Ayieee, Marga, crush mo si Vicente, 'noh?"
pang-aasar ng aking mga kaibigan.

Bakit ako namumula?

Bakit parang hindi ako makahinga tuwing papalapit siya?

"Bhie, pahingi ng pulbos at lip tint."
Dali-dali kong naibulalas.

Kailangan kong maging maganda sa paningin niya.

"Tara na sa canteen."

At kahit may mas maikling daan, pinipili ko pa ring lumiko upang madaanan ang kanyang silid-aralan at masulyapan siya kahit saglit lamang.

Tuwing uwian naman, rekta kami sa mga street food sa labas ng paaralan o kaya'y sa paborito naming tambayan. May gitara, may kantahan, may tawanan habang naghihintay na lumubog ang araw.

Krrrnnnggg...

Alas kuwatro na!
Hindi pa rin ako natutulog.
Ganito ba talaga sa kolehiyo?

Naabutan na naman ako ng umaga sa kakagawa ng thesis.

Dati'y nagagawa ko pang maglaro at umibig. Ngayon, puro papel, requirements, at deadlines na lamang ang kaharap ko.

Ang mga gabing dati'y para sa gala at kuwentuhan ay napalitan ng kape at pagpupuyat.

Ngunit sa gitna ng lahat ng pagod na aking nararamdaman, hindi pa rin nawawala ang tawanan kasama ang aking mga kaibigan.

Narito kami ngayon sa labas ng boarding house, nagkukuwentuhan sa ilalim ng buwan habang pinagtatawanan ang aming mga problema tungkol sa mga instructor, proyekto, at mga pagsusulit na tila walang katapusan.

Hanggang sa hindi ko namalayang may mga bagay na huli na pala...

Ilan lamang iyon sa mga naranasan ko sa aking buhay bilang isang dalaga.

Napabuntong-hininga na lamang ako kasabay ng isang ngiting sumilay sa aking mga labi, habang inalala ang lahat. Nandito ako ngayon sa tabi ng bintana, marahang inuugoy ang aking tumba-tumba habang pinagmamasdan ang aking mga apo sa labas.

Yun na pala ang huli kong laro ng tumbang preso.

Ang huli kong pagtulog sa tanghali habang may hawak na sinturon si Nanay.

Ang huli kong pagkain ng fishball kasama ang aking mga kaibigan pagkatapos ng klase.

Ang huli kong pagdaan sa pasilyong umaasang masisilayan ko siya.

Ang huli kong araw bilang kabataan....

Siguro, ganoon talaga ang kabataan.
Dumaraan lamang ito- ang mga tawanan, luha, pangarap, at pagkadapa, hanggang sa isang araw, alaala na lamang ang lahat.

Minsan, naririnig ko pa rin ang mga sigaw sa kalsada.

Ang yabag ng mga tsinelas na nag-uunahang tumakbo.

Ang halakhakang walang iniintinding oras.

At kapag pinipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko pa rin ang batang ako- may galos sa tuhod, magulo ang buhok, at puno ng mga pangarap.

Hindi ko man maibabalik pa ang mga panahong lumipas, dala-dala ko pa rin ang bawat bersyon ng aking sarili. Ang batang mahilig tumakbo sa kalsada, ang dalagitang natutong mangarap, at ang kabataang piniling magpatuloy sa kabila ng takot.

Marahil, iyon ang tunay na kahulugan ng kabataan. Hindi ito tuluyang lumilipas, nananahan lamang ito sa mga bahaging humubog sa kung sino tayo ngayon.

At habang naririnig ko ang mga alingawngaw ng tawanan ng aking mga apo, tahimik akong nagpapasalamat.
Sapagkat minsan, ang mga tawang naririnig ko ngayon ay akin ding tawa noon.

-
words by Sophia Soler | TL Feature
art by Kym Escamis | TL Creatives

โ€Ž๐—›๐—”๐—ญ๐—ฌ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›โ€Žโ€Ž๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Metro Manila air quality hits 'acutely unhealthy' amid Indonesia wildfireโ€Žโ€ŽAir quality in some ci...
01/09/2026

โ€Ž๐—›๐—”๐—ญ๐—ฌ๐—•๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›
โ€Ž
โ€Ž๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | Metro Manila air quality hits 'acutely unhealthy' amid Indonesia wildfire
โ€Ž
โ€ŽAir quality in some cities in Metro Manila reportedly reached โ€œvery unhealthyโ€ to โ€œacutely unhealthyโ€ levels due to haze continuously affecting the region possibly linked to ongoing fires in Kalimantan, Indonesia, the Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau (DENR-EMB) reported Tuesday morning.
โ€Ž
โ€ŽAs of 6 a.m. Tuesday, several areas in the National Capital Region (NCR) recorded high PM2.5 levels, these are particulate matter measuring 2.5 micrometers or less in diameter.
โ€Ž
โ€ŽAccording to The Philippine Inquirer, the following areas logged โ€œacutely unhealthyโ€ Air Quality Index (AQI) levels, which range from 201 to 400. At these levels, everyone may experience noticeable health effects, and outdoor activities should be restricted:
โ€Ž
โ€ŽParaรฑaque-296 AQI
โ€ŽQuezon City (Ateneo)-241 AQI
โ€ŽLas Piรฑas-237 AQI
โ€ŽManila-231 AQI
โ€ŽMalabon City-229 AQI
โ€ŽTaguig-224 AQI
โ€ŽValenzuela-224 AQI
โ€ŽMarikina (Parang)-217 AQI
โ€ŽMuntinlupa (Filinvest)-216 AQI
โ€ŽSan Juan City-213 AQI
โ€ŽMandaluyong-207 AQI
โ€Ž
โ€ŽThe bureau advised the public to limit outdoor activities due to the risk of difficulty breathing. It also warned that people with heart and lung conditions may experience worsening symptoms when AQI levels range from 151 to 200.
โ€Ž
โ€ŽModerate to heavy haze was observed in Palawan, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, and Romblon.
โ€Ž
โ€ŽLight to moderate haze was also reported in several areas of Metro Manila, Bataan, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Quezon, Camarines Sur, Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate, Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Oriental, Negros Occidental, Cebu, Bohol, Leyte, Biliran, and Samar.
โ€Ž
โ€ŽAmid the deteriorating air quality, the bureau advised the public to wear masks, particularly N95 masks, and limit outdoor activities, especially those who are sensitive to air pollution.
โ€Ž
โ€ŽThe data are still being updated as of now.
_
via Edelita Amrento | TL News
layout by Aloha Jean Sala | TL Creatives

Kapayapaan ang naging kapalit ng buhay na inalay ng taong nagmahal sa bayan nang higit sa sarili. Sa lupang mahal, sa lu...
31/08/2026

Kapayapaan ang naging kapalit ng buhay na inalay ng taong nagmahal sa bayan nang higit sa sarili.

Sa lupang mahal, sa lupang payapa. Buhay, kapalit ng kapayapaan.
Dugo't pawis, kapalit ng pag-asa.
Sila ang nanguna, nagsilbi, at nag-alay ng lahat para sa ating kalayaan.

Ngayong Araw ng mga Bayani, taos-puso nating ipagmalaki ang mga taong naging daan upang tayo ay umusbong, umunlad, at mabuhay sa isang malayang bayan.

-
layout ni Akinoel | Creative Head

๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฒ๐˜€Sa matag adlaw, ato silang makita.Sa matag lakang, sa matag pagsulod nato sa eskwelahan, anaa sila kanunay ...
31/08/2026

๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ฒ๐˜€

Sa matag adlaw, ato silang makita.
Sa matag lakang, sa matag pagsulod nato sa eskwelahan, anaa sila kanunay nagdala og maayong katuyoan para sa atong kaayohan.

Karong adlawa, gisaulog nato ang Adlaw sa mga Bayaniโ€”ang mga bayaning nakasuwat sa kasaysayan. Apan aduna pay mga bayaning walay ngalan, walay medalya, ug dili ilado sa entablado. Sila kadtong mga hilom nga nag-alagad nga walay pagdahum og dako nga ganti.

Apan atong hinumdomanโ€”dili tanang bayani mabasahan sa libro, madungog sa radyo, makit-an sa tilibisyon, usahay anaa sila sa daplin, nagpadayun sa ilang yano apan halangdon nga pag-alagad.
_
sulat ni Edelita Amrento | TL Features
larawan ni Leana Rose Casinillo, Catherine Laquinon, Shaina Mae Mercado | TL Captures
layout ni Aloha Jean Sala | TL Creatives

Address

Tomas Oppus
Southern Leyte
6605

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Light Publication - Tomas Oppus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Light Publication - Tomas Oppus:

Shortcuts

Share