01/08/2026
Magandang Buhay mga Ka-G! ❤️
Lubos ang aking pasasalamat sa pamunuan ng Macaycayawan Elementary School sa pagtitiwala at pag-anyaya sa akin na maging Inducting Officer ng mga bagong halal na PTA Officers, kasama si Hon. Municipal Councilor Mherlie Osana.
Sa ating mga magulang, maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal at sakripisyo para sa inyong mga anak. Kayo ang unang g**o at pinakamalaking inspirasyon nila. Sa ating mga g**o, saludo ako sa inyong dedikasyon, tiyaga, at malasakit sa paghubog ng kinabukasan ng bawat mag-aaral.
Ang isang matatag na paaralan ay nabubuo hindi lamang sa magagandang silid-aralan, kundi sa pagkakaisa ng mga g**o, magulang, at komunidad. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bagong pamunuan ng PTA upang lalo pang mapalalim ang ating pagtutulungan para sa kapakanan ng ating mga kabataan.
Muli, maraming salamat sa napakagandang pagkakataon at pribilehiyong maging bahagi ng makabuluhang okasyong ito. Congratulations sa lahat ng mga bagong halal na opisyal ng PTA! Nawa’y maging gabay ninyo ang tapat na paglilingkod at pusong handang magbigay para sa kapakanan ng bawat batang inyong pinaglilingkuran. ❤️