
26/01/2025
ITIM NA ALBULARYO
Sa mga di nakakaalam, magkaiba ang albularyo sa itim na albularyo. Ang albularyo ay nakapokus sila sa pagpapagaling ng maysakit at gumagawa ng mga panglunas sa sakit na nanggagaling sa kalikasan. Ang itim na albularyo ay kahalintulad sa mangbabarang na may kakayahan magpagaling at magbigay ng sakit at magparusa. Ang katulad nila ay may kakayahan mag alaga ng uri ng sigbin at maging ng aswang. Malalaman mo ito kung ang sakit lalo lumalala kahit na magpabalik balik ay di gumagaling. Posibleng nilagyan ng tigalpo na nagpapalala sa karamdaman kaya di lahat ng manggagamot ay pare parehas.
Dagdag kaalaman:
Tinatawag silang itim na albularyo na tumalikod sa kanilang sinumpaan tungkulin sa liwanag. Tinanggap nila ang magpagaling at magparusa sa tao gamit ang kanilang kapangyarihan.
Exorcism & Deliverance Master Wei PH V.2
Exorcism & Deliverance Master Wei PH