01/09/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ : ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐
Isinulat ni Arny Bacerdo
Inilayout ni Johnmark Dela Torre
Setyembre na. O September na.
Ngayong ika-1 ng Setyembre, opisyal nang pumasok ang Ber Months โ ang apat na buwan na tanging sa Pilipinas mo lang mararamdaman: SeptemBER, OctoBER, NovemBER, at DecemBER.
Ang bilis ng panahon, ngunit heto tayo โ matibay at matatag pa rin.
At ngayong unang araw ng Setyembre, iba na ang simoy ng hangin at kulay ng paligid.
May marahan nang tugtog ng lumang plaka mula sa radyo. May parol at krismas tree na maagang inihahanda. Ang mga ilaw ay tila mas maagang sisindihan.
Hindi ito tungkol sa handaan. Hindi ito tungkol sa regalo.
Ang Ber Months ay tungkol sa pag-asa. Panibagong pag-asa.
Ito ang nagpapaalala na may apat na buwan pa tayo. Apat na buwan para bumawi. Para ayusin ang mga naiwang gawain. Para ipagpatuloy ang mga pangarap na pansamantala nating naisantabi.
Ito rin ang panahon kung kailan muling nagiging malinaw kung ano ang tunay na mahalaga โ ang tahanan, ang pamilya, at ang pagsasama-sama.
Ito ang panahon ng pagbabalik. Hindi lang sa kinalakihang lugar, kundi sa sarili at sa pananampalataya sa Diyos.
Kaya ngayong unang araw ng Setyembre, huminga ka muna. Magpasalamat sa Poong Maykapal. Dahil nakatawid ka sa mga habagat at unos ng buhay.
At ang darating na mga buwan, kung subukin ka man, alam mong kakayanin mong muli.
Handa ka na ba? Dahil ngayong araw ay simula na.
Ber Months na sa Pilipinas!