11/03/2025
1964, unang napabalita ang pagkawala ng isang 14 years old na dalagita, ito ay si Caridad de Santos, ayon sa kanyang kambal naglalakad sila sa tulay ng biglang may humarang sa kanila na tatlong lalake at kinuha ang kanyang kapatid.
Agad na binalita n'ya ito sa kanyang ina at pinahanap ito sa mga pulis pero hindi na nila ito nakita pa.
Ilang araw pagkatapos ng insidente, nakitang nasusunog ang bahay ng mag-ina, nakulong ang kanyang ina sa loob ng bahay at namatay, naiwang ulila si Frederico, ngunit nagpursige itong lumaban sa buhay sa kabila ng mga trahedyang napagdaanan.
Naging magaling itong g**o at naging propesor ng isang pamantasan sa Baguio City. Binalot ng misteryo ang pamantasan noong 1984 nang sunod-sunod na mamatay ang mga kababaihan dito.
Isang araw, bigla na lamang nabalitaan ng lahat na nabaril ng isang babaeng propesor din ng pamantasan si Frederico, dahil lumalabas ng ang pumapatay pala ay ang mismong propesor, tinuring na bayani ang propesora at nasaksihan ang ginawang pagliligtas sa iba pang biktimang babae na dinadala pala sa isang haunted house at doon pinapatay.
Pagkatapos ng isang buwan, bigla na lamang nawala sa sarili ang Propesora at nagsasalita ng kung anu-ano, dahilan para dalhin ito sa Mental hospital.
Isa sa biktima ng nabaril na propesor ang dumalaw sa mental isang araw, at kinuwento sa kanya ng propesora na s'ya pala si Caridad de Santos, s'ya ang nawawalang kapatid at kambal nito.
Ayon kay Caridad na tumatawa habang nagku-kwento, naglalakad daw sila sa isang tulay noong 1964 kasama ang kapatid, nagkatuksuhan dahil nga sila ay kambal, madalas itong mag-away at nagpapagalingan sa kanilang bahay kung sino nga ba ang tunay na mahal ng ina.
Nang sinabi ni Caridad na "Ako ang mas mahal ni mommy, hindi ikaw" Sagot ni Frederico "Ako, ako, ako!", sa inis ni Frederico, tinulak s'ya nito sa ilog.
Nang umuwi ito sa bahay sinabi n'yang may kumuhang mga lalaki kay Caridad pero hindi s'ya pinaniwalaan ng ina, sa halip pinalo at kinulong s'ya nito sa kulungan ng hayop habang hinahanap ang kapatid.
Sa galit ni Frederico habang natutulog ang ina, binuhusan n'ya ito ng gaas at sinindihan, nasunog ng buhay ang ina pati ang kanilang buong bahay. Ito ang simula ng pagkakaroon nito sa sakit sa isip na tumanim sa kanyang utak na masama ang lahat ng babae.
Si Caridad naman ay nakaligtas sa ilog at napulot ng isang tao, ngunit binenta rin s'ya nito sa iba, nang ampunin ng isang mag-asawa napansin nilang madalas nagsasalitang mag-isa ito, dahilan para dalhin ito sa mental hospital, nagwawala ito at pilit sinasabing "hindi ako baliw!".
Pagkalabas ng mental ni Caridad noon, nag-aral ito ng lubos at naging successful rin na propesor.
Namana nilang dalawa sa kanilang ama ang problema sa pag-iisip, na kung anu-ano ang nakikita't nadidinig at minsan may boses na nagsusulsol. Ang ina din ng mga ito ang nagdala sa ama nila sa mental na kalauna'y doon na namatay.
Nangako itong si Caridad na babalikan n'ya ang kapatid para maghiganti, at natupad n'ya nga ito. Isang misteryosong kaso na umukit sa ating kasaysayan na may madilim pa lang nakaraan.