24/06/2025
Praise be to Allâh, Lord of the Worlds, Who has bestowed us countless blessings. I bear witness that there is no god but Allâh alone without partner.
He has reminded of His blessings upon us and that we cannot enumerate or count them:
{ And if you should count the favors of Allâh, you could not enumerate them. Indeed, mankind is [mostly] unjust and ungrateful } [ Ibrahim : 34 ]
I bear witness that our Master Muhammad, His servant and Messenger, was the leader of those who are grateful when he said to Àisha [Radhiyallâhu ‘an’hâ]:
(( Should I not be a grateful servant? ))
So, O Allâh, bless and grant peace and blessings upon our Master Muhammad, his family, his companions and those who follow them in righteousness until the Day of Judgment.
“Kung sumapit na ang gabi, pigilan ang inyong mga anak, sapagkat ang mga demonyo kumakalat sa mga oras na iyon”
Naitanong kay as-Sheikh Muhammad ‘Sâlih al-Munajjad kung totoo bang magsisilabasan ang mga demonyo sa oras na lumubog na ang araw? Isa sa kanyang sagot, ang Hadith na isinalaysay sa awtoridad ni Jâbir Ibn ‘Abdullah [Radhiyallâhu ‘an’h] sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ ay nagwika:
(( إِذَا كَانَ جُنْحُ اللَّيْلِ - أوْ أمْشَيْتُمْ - فَكُفُّوا صِبْيَانَكُم؛ فَإِنَّ الشَّيَاطِينَ تَنْتَشِرُ حِينَئِذٍ، فَإِذَا ذَهَبَ سَاعَةٌ مِنَ اللَّيْلِ فَخُلُّوهُمْ، فَأَغْلِقُوا الْأَبْوَابَ، وَاذْكُرُ اسْمَ اللهِ؛ فَإنَّ الشَّيْطَانَ لَا يَفْتَحُ بَابًا مُغْلَقًا، وَأَوْكُوا قِرَبَكُم وَاذْكُرُوا اسْمَ اللهِ، وَخَمِّرُوا آنِيَتَكُم وَاذْكُرُوا اسْمَ اللهِ، وَلَوْ أنْ تَعْرُضُوا عَلَيْهَا شَيْئًا، وَأطْفِئُوا مَصَابِيحَكُمْ )) [ أخرجه: البخاري (5623), و مسلم (2012)
Sa malapit na kahulugan:
(( Kapag malapit na ang gabi o sasapit na ang gabi sa inyo, pigilan ang inyong mga anak, sapagkat ang mga demonyo kumakalat sa oras na iyon. Ngunit kapag lumipas ang isang oras ng gabi, hayaan niyo na sila. At isara ninyo ang mga pinto at banggitin ang pangalan ni Allah, sapagkat si Satanas hindi nagbubukas ng saradong pinto. At itali ang inyong (waterskin) mga lagayan ng tubig at banggitin ang pangalan ni Allâh, at takpan ang inyong mga container at banggiti ang pangalan ni Allâh kahit kailangan niyo ito ilantad, at patayin ang inyong mga ilaw(lampara) )).
Ang Propeta Muhammad ﷺ ay tinuruan ang kanyang umma kung paano maiwasan ang pinsala ni Satanas, at mga bagay na makakasama sa pamumuhay nila dito sa mundo lalo na’t sa kabilang buhay.
Dumating ang payo ng Propeta ﷺ kung saan nagdadala ng ligtas na pamaraan (batas) upang mapangalagaan ang mga interest (pangangailangan) ng mga Muslim, tulad ng sinabi Niya ﷺ sa Hadith na ito:
Sa maikling paliwanag ng Hadith, sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ :
(( Kung sumapit na ang gabi sa inyo, pigilan ninyo magsilabas/magsikalat ang inyong mga anak mula sa bahay sa mga oras nayan, dahil yan din ang panahon kung saan magsisilabasan ang mga demonyo, sila ay magsikalat mula sa paglubog ng araw hanggang matapos ang oras mula rito, at pag dumaan na ang isang oras pabayaan niyo na sila(mga anak). Hindi ibig sabihin ng isang oras ay katumbas ng 60 minuto na binibilang natin ngayon bagkos bahagi lamang ito ng oras.
Katotohanan takot lamang ang Propeta ﷺ na sasalakayin ng demonyo at inkanto ang mga bata at madaig sila, sapagkat may pahintulot mula sa Allâh na pwede nilang gawin.
Tinuruan tayo ng Propet na ang paglalantad sa mga tukso ay hindi maari, mas mainam na maingat dito, Gayunpaman, ang pag-iingat na ito ay hindi nagbabago ng kapalaran ngunit pweding abutin/gawin ng sarili ang dahilan nito
Ang karunungan sa likod ng kanilang pagkalat sa oras na iyon ay ang kanilang paggalaw sa gabi ay mas posible para sa kanila kaysa sa araw, dahil ang kadiliman ay higit na nakakatulong sa mga puwersa ni Satanas kaysa sa ibang mga panahon, at gayundin ang lahat ng kadiliman. Sinasabi, na ang mga demonyo ay humingi ng tulong sa kadiliman at napopoot sa liwanag )).
-Inutos din ng Propeta ﷺ na ipasarado ang pinto at banggitin ang pangalan ni Allah habang sinasarado ito, dahil hindi kayang buksan ni satanas ang saradong piton, dahil hindi siya bingayan ng lakas ni Allah na gawin iyon kahit na binigyan siya ng lakas at kakayahan na gawin pa ang ibang bagay.
-Inutos din niya ﷺ na ibuklod ang mga (waterskin) na tinatalian ng lubid ang ulo/takip nito.
-Inutos din niya na takpan ang sisidlan, na kung saan takpan ito kahit sa pamamagitan lamang ng patpat at banggitin ang pangalan ni Allâh habang ginagawa ito.
-Inutos din niya na patayin ang mga lampara at banggiting ang pangalan ni Allah habang ginagawa ito, dahil ang mga lampara sinisindihan ng apoy at baka hilain ng daga na maging sanhi ng pagliyab nito.
Isa sa mga layunin kung bakit binabanggit ang pangalan ni Allah sa anumang gawain, upang protektah ito mula kay satanas, salot, mga insekto at peste. Gaya nang nabanggit sa Hadtih:
(( مَا مِن عَبْدٍ يَقُولُ فِي صَبَاحِ كُلِّ يَومٍ وَمَسَاءِ كُلِّ لَيلَةٍ بِاسْمِ اللهِ الَّذِي لَا يَضُرُّ مَعَ اسْمِهِ شَيْءٌ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمآءِ وَهُوَ السَّمُيْعُ الْعَلِيمُ، ثَلَاثَ مَرَّاتٍ إلَّا لَم يَضُرَّهُ شَيْءٌ ))
Wala ni isang alipin magsasabi sa araw-araw tuwing umaga at gabi ng “Sa ngalan ni Allâh, kung saan walang makakapinsala na kahit ano man nasa lupa at langit kapag binanggit ang Kanyang pangalan at Siya ang nakakarinig at nakakaalam” ng tatlong bises kundi walang makakapinsala sa kanya ng kahit anong bagay.
Ang pag-alala kay Allah ay ang matibay na kuta laban sa mga demonyo…
Kapatid niyo sa Islam: Mânuntut ‘Elmu’