23/07/2025
HIGH VALUE INDIVIDUAL ARESTADO, NAKUHANAN NG DROGA AT ARMAS SA ISINAGAWANG ANTI- DRUG OPERATION SA SURIGAO CITY
Arestado ang kinikilalang high value individual sa isinagawang anti - drug operation ng mga personahe ng Provincial Drug Enforcement Unit sa SDNPPO kasama ang Surigao City Police Station, 1st SDNPMFC ug SCPS SWAT Team noong July 22, 2025 sa Barangay Taft, Surigao City.
Nakilala ang suspetsado na si "Alias Jovy" , lalake, 51 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa kanyang possession ang isang pakite na hinihinalaang shabu na binili ng posuer buyer na may timbang na 0.19, tatlo pang pakite na tumitimbang ng humigit kumulang 150 grams na may standard value na โฑ1, 021, 292.00.
Maliban sa illegal na droga, nakuhanan ng isang (1) unit ng Caliber. 45 Norinco na may serial number 325162; isang (1) magazine na may anim (6) na pirasong live ammunition ng caliber. 45 pistol; isang (1) Sling Bag; isang (1) Genuine โฑ1, 000.00 na may serial number LZ750656 (marked money); at drug paraphernalia.
Ayon sa record ng Surigao City Police Station, ang suspek ay naaresto na noong February 2022 ng parehong kaso at na released noong March 2025 dahil sa Plea Bargaining Agreement.
Lahat ng nakumpiska na mga ebedensiya at ang suspek ay nasa kustodiya na ng Surigao del Norte Police Provincial Office facility./ via | Jabes Juanite.
Courtesy: Surigao del Norte PPO
Via: DXED 1224Khz Radyo Agila Tagum City