21/09/2025
Currently in Manila, and magulo nga sa Recto ngayon.
May mga bata na part daw ng "gang" na biglang sumali sa gulo at pinag tripan nila yung SOGO at ninakawan pa nga, then habang lumalaki yung gulo may mga pulis daw na nagpaputok ng baril at may mga namatay according sa mga nag fi-feed sa akin ng info.
Hindi na basta "rally" ang nangyayari sa Recto, maganda mabigyan ng distinction dahil unguided na at halatang may provocateurs at oportunista talaga na gusto lang magkagulo sa area, and knowing Recto iba talaga komunidad doon.
Pero ito lang ang sasabihin ko, magulo siya at delikado, and it is an unguided form of outrage, pero ang outrage na yan ay laging magmumula sa social dissatisfaction. Hindi sila parte ng kahit anong organisasyon pero mahalaga makita na ang gulo na 'to ay nagmula sa kapalpakan ng sistema. Kaya dapat mag-mulat pa tayo para gabayan ang tamang pagkilos
Posible nakita nila yung nangyayari sa Nepal dahil sa social media at nakita nila na pwede nila gawin, na hindi nalalaman na organisado at may gabay ang gawi
Pinaglalaban ng mga elite ang mga pulis at ang mga tao na pinahirapan nila. Kaya ang galit ay dapat may gabay.
Parehas talo at ang panalo lang ay sila.