
13/08/2025
Pamagat: Tunda Signus
Kabanata 8: Ang Simula ng Isang Libong Anino
Isang linggo na ang lumipas mula nang makita ni Lia ang sarili niyang katawan sa loob ng clinic. Isang linggo mula nang marinig niya ang pangalan na Signus at ang kasunduang hindi pa rin niya lubos maisip kung tatanggapin o tatanggihan.
Ang tanging naalala niya, binigyan pagkataong na muli mabuhay. Sa ayaw at gusto niya.
Sa mga sumunod na araw, walang kahit anong kakaibang nangyari. Walang ligaw na kaluluwa, walang malamig na bulong, walang multo. Sa totoo lang, nagsimula na siyang mag-isip kung guni-guni lang ba ang lahat o kung dala lang ng pagod at sakit ng ulo ang kanyang nakita.
Ngunit isang bagay ang hindi nawala. Ang presensya ng itim na pusa. Lagi niya itong nakikitang nakaupo sa bubong ng paaralan, sa bakod sa gilid ng kalsada, o minsan ay nakahiga lang sa tabi ng kanyang bag habang recess. Sa bawat tingin niya rito, nakatitig lang ito pabalik, hindi nagsasalita, ngunit alam niyang ito at siya lang ang nagkakaintindihan.
“Ewan ko sa’yo.” bulong niya habang naglalakad palabas ng gate ng paaralan isang hapon. “Sabi mo tutulungan kita, pero wala naman akong nakikita at hindi kita nakakausap.”
Hindi niya alam na may mga kaklase pala siyang nakakarinig sa kanya.
“Uy, tignan niyo, kinakausap na naman ni Lia yung hangin!” sigaw ng isang batang babae, sinundan ng tawanan.
“Sig**o may kaibigan siyang multo!” sabat naman ng isa.
Mas lalo pa silang nagtawanan nang ipagpatuloy ni Lia ang pagsasalita, hindi alintana na siya pala’y pinagtitinginan.
“Bakit ba kasi kailangan mo pa ako? Hindi ba trabaho mo ‘yan mag-isa?” bulong niya muli habang binabagtas ang daan pauwi.
Doon lang nagsalita ang pusa, dahan-dahan itong lumakad sa tabi niya, ang buntot ay kumikiskis sa hangin na tila walang nakakakita.
"Dahil may mga mata ka na hindi ko taglay. May bagay kang kayang makita na hindi ko mahahanap nang mag-isa."
Napasigaw sa takot si Lia.
“Sinong nagsasalita?”
Hinahanap niya kung sino ang nag may-ari ng boses. Pero wala naman tao ang malapit sa kaniya maliban sa itim na pusa.
“Malamang ako. Sino pa ba?” sagot ng pusa.
“Ikaw?!” napaatras siya.
“Huwag ka na matakot sa akin. Alam ko hindi ka naniniwala pero totoo ang lahat ng iyong nakita nitong nakaraang araw,” paliwanag ng pusa.
Lumayo ng kaunti siya sa pusa.
“Sabihin natin naniniwala na ako. Pero bakit ngayon ka lang nagsalita. Halos nakikita at kinakausap kita.”
“Dahil ngayon araw ang pag laya ng tatlong taga-sunod. Tiyak ako gagawin na naman nila ang hindi dapat. Ngayon araw bumalik ang aking lakas at tanging ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. Kahit may makakita sa atin tanging meow lang ang tanging naririnig mula sa akin bibig.”
Naintindihan ni Lia. Pero para naman siyang baliw nito kung may makakita na kausap ang isang pusa.
Muli sila nagpatuloy sa paglalakad.
“O nga pala bakit kailangan mo pa ako? Pangkaraniwang tao lang ako. Wala ako maitutulong sa iyo.”
"Inuulit ko. Dahil may mga mata ka na hindi ko taglay. May bagay kang kayang makita na hindi ko mahahanap nang mag-isa."
Napakunot ang noo ni Lia. “Mata? E ikaw nga taga-sundo, hindi ba dapat mas marami kang nakikita kaysa sa akin?”
Tumigil si Signus sa paglalakad, tumingin sa kanya na para bang nais ipaalala na hindi ito simpleng lakad pauwi.
"Ngayong linggong ito nararamdaman ko may mangyayari. Sa lalong madaling panahon kailangan natin kumilos. Ikaw magsisimula ka na ngayon at bago matapos ang araw, makikita mo ang una sa isang libong kaluluwa."
Hindi pa man niya maintindihan ang ibig sabihin, narinig niya ang matinis na preno ng isang sasakyan sa unahan. Isang batang lalaki ang nakatayo sa gitna ng kalsada, nanlalaki ang mga mata, habang papalapit ang isang van na mabilis ang takbo.
At sa gilid nito isang anino, nakahawak sa balikat ng bata.
Itutuloy...