26/07/2025
SHE TRAVELLED 5 HOURS FROM TACLOBAN TO ORMOC TO WATCH ‘SUNSHINE’
SKL yung post Sunshine experience namin.
To be honest, medyo kinabahan talaga kami nung umpisa kasi ang dami naming nakasabay na mas matatanda sa amin manood. Mga around 40 to 70+ years old, may isa nga may tungkod pa. Akala namin baka hindi nila ma-gets yung themes ng pelikula. (Si judgmental kami sa part na to huhu) Pero after the movie, pumunta kami sa CR, and dun namin talaga na-feel yung impact ng Sunshine. May dalawang babae, siguro mga early 40s, na sabay naming nag-CR, at narinig namin silang nag-uusap. Sabi nung isa, “Sana hindi na mangyari sa generation na ‘to yung nangyari sa atin.” Tapos sinabi niya na dati gusto daw talaga niyang maging engineer pero kinailangang isuko yung pangarap para mag-start ng family.And it hit us. Ang daming tanong na nasagot ng sunshine pero at the same time ang dami din nyang iniwan na bagong tanong. Ang bigat. Kasi you realize how many dreams were quietly set aside, how many stories like that exist but are never told. Maraming babae ang nagparaya sa sarili nilang mga pangarap hindi dahil gusto nila, kundi dahil sinabi ng lipunan na ’yun ang tama. At hanggang ngayon, bitbit pa rin nila ang mga tanong na hindi kailanman nasagot.Grabe yung effect ng Sunshine. It wasn’t just a movie. It became a mirror. For some, a memory. For many, a reminder that we deserve to dream and to keep choosing ourselves, too. Salamat, Direk Antoinette Jadaone! Sulit ang 5-hour travel para manood ng Sunshine. 🌸-
HAVEN Ang walang kwentang podcast after-podcast na tsikahan