18/04/2026
Ni review ko talaga sa CCTV para makasiguro.
Ganito ang nangyari: may nagpa-load na umabot ng 190 pesos. Nagbigay siya ng 200, kaya agad ko siyang sinuklian ng 10. Ilang sandali lang, bumalik siya at sinabing hindi ko raw siya nasuklian. Presko pa sa isip ko na nagbigay talaga ako ng sukli! pero dahil sa dami ng sinasabi niya, hinayaan ko na lang at binigyan ko uli ng 10. Sa isip ko, maliit na halaga lang naman. Pagdating ng asawa ko, ni review namin ang CCTV (nasa phone niya ang access). Doon, malinaw na malinaw na nagsukli talaga ako. Hindi naman ako nanghihinayang sa sampung piso, ang sa akin lang, parang gusto kong ma prove na nag sukli talaga ako π Buti na lang may CCTV, dahil malaking tulong talaga ito sa ganitong sitwasyon. Paano na lang kung mas malaking halaga ang iki claim o may magreklamo nang walang basehan? At least may malinaw na ebidensya. Till now, di ko pa rin gets kung nakalimot lang ba siya or what. Pero one thing is for sure, mahalaga talaga ang may patunay, lalo na sa mga ganitong pagkakataon.