11/07/2025
π° Mahigit 150,000 Estudyante, Nabigyan ng Student Allowance sa Batangas 1st District
BATANGAS β Personal na pinangunahan ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste ang pamamahagi ng β±1,000 student allowance sa mahigit 150,000 mag-aaral mula sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan ngayong Hulyo 11.
Ang nasabing ayuda ay bahagi ng inisyatibo sa ilalim ng Lingkod Legarda Leviste Foundation, na patuloy na nagsusulong ng mga programang makatutulong sa edukasyon ng kabataang BatangueΓ±o.
Nakatakda ring tumanggap ng parehong benepisyo ang mga estudyante mula sa Calaca, Lemery, at Taal bago matapos ang buwan.
Ang proyekto ay kaugnay ng isinusulong ni Cong. Leviste na House Bill No. 27, na naglalayong gawing pambansang programa ang pagbibigay ng β±1,000 buwanang allowance sa lahat ng estudyanteng Pilipino mula kinder hanggang kolehiyo.
Layunin ng panukalang batas na maibsan ang pasaning pinansyal ng mga magulang at masigurong walang batang maiiwan sa pag-aaral.