
19/08/2025
❤️❤️
“𝙎𝙖 𝘽𝙪𝙬𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙒𝙞𝙠𝙖 🇵🇭 𝙞𝙩𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙪𝙥𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙥𝙖𝙜𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙠𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙖 𝙖𝙩 𝙩𝙧𝙖𝙙𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣. “
Tara na't ipagdiriwang ang Buwan ng Wika na inihahandog ng “𝐒𝐀𝐋𝐈𝐍𝐋𝐀𝐇𝐈 𝐂𝐋𝐔𝐁”✨ halina’t tuklasin ang ganda at lalim ng ating wika sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
Ang wika ay tagapagpahayag ng kultura ✍️. Sa pamamagitan ng wika, naipapasa ang mga Tradisyon, Paniniwala, Kaugalian, at Kasaysayan ng isang grupo ng tao. Ang mga salita ay nagdadala ng mga kahulugan na nakaugat sa kultura kung saan ito ginagamit.
Halina't makiisa sa amin sa Masaya at Makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika! Tuklasin ang ganda ng ating Kultura at ang Yaman ng ating wika. Kita-kits!! 👀
✍️: Jacobe, Rowen Eviene
🖼: Manzano, Maeve