04/08/2025
LOOK: BANGKAY NG BABAE NA NAKITANG PALUTANG-LUTANG SA KARAGATAN NG TACLOBAN CITY, BIKTIMA NG UMANO NG KIDNAPPING SA ORMOC CITY.
Kinumpirma ng pamilya na ang naktiang bangkay ng babae na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. 99 Diit Tacloban City ay si Akini Arrazada, na kinidnap umano ng armadong kalalakihan sa Brgy. Valencia, Ormoc City nitong July 31.
Sa inisyal na report sapilitan umanong isinakay sa isang toyota wigo ang biktima ng mga armadong kalalakihan at ayon sa mga kuha nga CCTV bumiyahi nasabing SUV patungong Tacloban.
Banda 9:00 kaninang umaga, August 4, 2025 nakita ng isang mangingisda ang bangkay ng biktima na nakulutang sa tubig, nakagapos, nakapiring ang mata at mayroon nakabitay na sako na pinaniniwalaang pabigat para hindi lumutang ang ang bangkay.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng malalimang imbistigasyon ang mga otoridad para matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.