
02/08/2025
"HINDI PWEDENG MABAIT KA SA IBANG TAO, PERO SA PARTNER MO IRRITABLE KA."
Kung laya mong kontrolin ang tono ng boses mo sa ibang tao, sana mas kaya mong i-manage yan sa taong mahal mo. Hindi porket comfortable kana, okay lang maging rude. Respect should grow with love. Not fade with comfort.
Sa labas, ang bait mo sa kaibigan mo, sa tindera, sa officemates, sa kakilala. Pero pag sa partner mo na, konting mali o tanong lang, ang taas na agad ng boses mo. Hindi ganon magmahal.
Normal na mapagod, normal na ma-stress. Pero hindi dahilan yun para ibuhos mo lahat ng init ng ulo mo sa taong lagi mong kasama. Hindi nila deserve yun.
Yung taong laging nandiyan sayo. 'Wag mong gawing emotional punching bag. Dapat siya yung unang nakakaramdam ng lambing mo, hindi galit mo. Kung may problema ka, pag-usapan niyo hindi yung sisermonan o pagtataasan mo na agad siya ng boses.
Lahat tayo may bad days. Pero sana hindi mawala sa isip natin na tao rin yung partner natin, may feelings, napapagod, nasasaktan.
Love is still shown best through kindness.