25/10/2025
CONG. PULONG DUTERTE BINUWELTAHAN SI AFP CHIEF BRAWNER SA MGA IBINIDANG US MISSILES NA ABOT RAW HANGGANG CHINA
Binatikos ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., matapos nitong ibida na ang U.S. Typhon missile system na nakapwesto sa Pilipinas ay kayang umabot hanggang China.
“Iyan na ba ngayon ang depensa natin? Nagpapasikat sa Amerika kahit malinaw na mga Pilipino ang unang mapapahamak sa galit ng ibang bansa?”
(“So, mao na diay na ron ang atong depensa? Pabida-bida sa Amerika bisan klaro kaayo nga ang Pilipino ang mahimong sunugon pirmi sa kalagot sa laing nasod?”)
Mariin niyang kinuwestiyon ang motibo ni Brawner at ang tila pagpapakita umano ng labis na pagkiling sa Amerika.
“Bago ka magyabang tungkol sa mga missile na kayang abutin ang China — kaya mo bang pigilan ang ganti nila? O handa kang isugal ang buhay ng mga Pilipino para lang ipakitang malapit ka sa iyong mga ‘amo’?”
(“Before you boast about missiles that can reach China — can you guarantee that you can stop the retaliation? Or are you willing to gamble Filipino lives para lang mapakita nga suod ka sa imong mga ‘bosses’?”)
Hindi rin pinalampas ni Pulong ang tila pagkakalimot umano ng militar sa mas malalaking problema ng bansa — partikular na ang korapsyon.
“Huwag mo kaming turuan ng pagtatanggol sa bayan kung hindi mo naman kayang ipagtanggol ang mga mamamayan laban sa mga magnanakaw na naka-uniporme at naka-amerikana.”
(“Don’t lecture us about defending the nation if you can’t even defend the people from thieves in uniform and suits.”)
Binigyang-diin din ng kongresista ang pagkakaiba ng hustisya sa Pilipinas at sa ibang bansa:
“’Yung mga heneral sa China na nahuling nangurakot — firing squad ang katapusan. Dito sa Pilipinas? Promotion at press briefing pa ang gantimpala?”
(“Kadtong mga heneral sa China nga nadakpan nangurakot — firing squad ilang ending. Dinhi sa Pilipinas? Promotion ug press briefing pa ang premyo?”)
Iginiit na kapayapaan, seguridad at soberenya ang isinisigaw ng taumbayan:
“Ang gusto namin ay kapayapaan, seguridad, at tunay na soberanya — hindi mga missile na may bakas ng ibang bansa.”
(“We want peace, security, and sovereignty — not missiles with someone else’s fingerprints.”)