28/04/2024
Green Grapes
ni Fleshysnow
LAHAT ng tao may mga paborito—tao, gamit, pagkain atbp. Pero ako? wala akong paborito; wala pa not until he gave me sticks.
Kung ipapa-describe mo ang personality ko napapabilang ako sa mga taong tinatawag na introvert. Wala lang, hindi talaga kase ako mahilig makihalubilo, madali akong makaramdam ng OP o "Out of Place" kapag nakasama ako sa mga grupo.
Bata pa lang ay hindi na talaga ako nakikipaglaro sa aking mga kapwa-bata, mas ginusto kong magbasa ng libro kaysa makipag kapwa- tao.
Ang mundo ay nababalot ng mga taong nakasuot ng mga maskara. May nagkukunwaring matatag pero mahina, may nakangiti pero gustong humagulhol, may tahimik pero kumikimkim na pala ng sama ng loob.
Sa maikling salita, hindi natin nababasa ang tao sa mukha o ipinapakita nito dahil walang taong iisa lang ang emosyon, walang taong hindi marunong magalit, walang taong hindi naiinis, hindi nasisiyahan, hindi nalulungkot. Lahat ng tao ay may iba-ibang emosyon ito ang bumubuo sa bawat isa. Masama man sa paningin ay may parting mabuti din at Mabuti man sa paningin may parting masama rin.
Nakakapagod at nakakatakot humarap sa mga tao. Hindi mo alam kung ano ang naglalaro sa mga isip ng mga ito. Hindi mo alam kung totoo o hindi sila sa'yo. Tulad ng isang ubas, hindi lahat ng hinog ay kulay lila dahil may ilang kulay p**a at may ilan ring nananatiling berde.
NANLAKI ang mata ni Sea nang mabasa ang mga ito. Ito ang nawawala niyang draft nung nakaraan. Hindi niya lubos akalaing na publish na ito sa ilalim ng pen name na "Sticks" sa kanilang school "STUDENT OFFICIAL WEBSITE"
Napahinga na lamang siya ng malalim, ano pa ba nga ba ang magagawa niya? Wala siyang posisyon o impluwensya. Walang maniniwala sa kanya.
Mas pinili na lamang niyang manahimik at tuldokan na ang pagsusulat. Ilang beses na siyang nanakawan ng piece. Kaya tama na siguro iyon dahil baka kung masusundan pa, tiyak na 'di na niya kakayanin.
"Kumusta ang school anak?"
"Okey naman po." aniya sa katulong na naghahanda ng mga pagkain sa hapag. "Kailan po ang uwi ng mommy at daddy?"
"Next week pa. Nalaman na kase nila ang exact location ng walang hiyang grupo ng mga gangster na naglakas loob na magnakaw sa ilan sa mga negosyong itinatag ng mga magulang mo. Uuwi na siguro sila pag tuluyan na nilang napatay yung walang hiyang mga kriminal na iyon."
"Sila mismo ang gagawa? Marami namang magagaling na—"
"Huwag na natin silang pag-usapan senyorita, ano po ba ang balak niyong gawin mamaya pagkatapos nitong tanghalian?"
"Gusto kong pumatay ng tao" nagulat ang katulong sa usal na iyon ng dalaga. Bigla itong nakaramdam ng kilabot ng makita ang blangko nitong mga mukha lalo na ang pagdurog nito sa mga berdeng ubas na naka display sa mesa.