GO Tagaytay

GO Tagaytay GoTagaytay is your official guide to anything and everything in Tagaytay. Empowering and engaging lo

LET’S ALL PRAY FOR CEBU, PANAWAGAN MATAPOS ANG 6.9 MAGNITUDE NA LINDOLBASAHIN: Isang 6.9-magnitude na lindol ang yumanig...
01/10/2025

LET’S ALL PRAY FOR CEBU, PANAWAGAN MATAPOS ANG 6.9 MAGNITUDE NA LINDOL

BASAHIN: Isang 6.9-magnitude na lindol ang yumanig sa hilagang bahagi ng Cebu noong Setyembre 30, 2025, alas-9:59 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa pinakahuling ulat, 53 ang kumpirmadong nasawi habang 175 ang sugatan. Idineklara na ang state of calamity sa probinsya upang mapabilis ang paghatid ng ayuda at pagbangon ng mga apektadong komunidad.

Nanawagan ang mga lokal na opisyal at mamamayan ng sama-samang panalangin para sa mga nasalanta at sa kaligtasan ng mga patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations.

Sa gitna ng pagdadalamhati at pagkalugmok, nawa’y magkaisa tayong lahat sa panalangin at pagtulong.

Let’s all pray for Cebu.

Photo: Ruffy Biazon/fb



LOW PRESSURE AREA, HINDI NAMAMATAAN SA PILIPINAS AYON SA PAGASABASAHIN: Ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA ngayong...
28/09/2025

LOW PRESSURE AREA, HINDI NAMAMATAAN SA PILIPINAS AYON SA PAGASA

BASAHIN: Ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA ngayong 2:00 PM, Setyembre 28, 2025, walang namamataang Low Pressure Area (LPA) na maaaring maging bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na update mula sa PAGASA para sa mga susunod na pagbabago sa lagay ng panahon.

Source: DOST-PAGASA/fbpage



WALANG PASOK SA ILANG LUGAR SA BANSA SA BIYERNES, SEPTEMBER 26 DAHIL SA BAGYONG OPONGBASAHIN: Suspendido ang klase sa la...
25/09/2025

WALANG PASOK SA ILANG LUGAR SA BANSA SA BIYERNES, SEPTEMBER 26 DAHIL SA BAGYONG OPONG

BASAHIN: Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong National Capital Region sa Biyernes, Setyembre 26, 2025, ayon sa anunsyo ng Palasyo nitong Huwebes.

Ito ay kaugnay ng inaasahang epekto ng bagyong “Opong.”

Narito ang iba pang mga lugar na may kanseladong klase:

REGION I – ILOCOS REGION
• Pangasinan: Santa Barbara, Basista (all levels); Lingayen, Aguilar (walang face-to-face)

REGION III – CENTRAL LUZON
• Bulacan: Lahat ng antas, pampubliko at pribado

REGION IV-A – CALABARZON
• Cavite: Dasmariñas (all levels)
• Quezon Province: (all levels)
• Rizal: Morong, Tanay (walang face-to-face); San Mateo (all levels)

REGION V – BICOL REGION
• Camarines Norte: Talisay, Labo, San Vicente (all levels)

REGION VI – WESTERN VISAYAS
• Aklan: (all levels)

Nagpaalala ang mga lokal na pamahalaan na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng awtoridad.

Source: GMA Integrated News/youtube



🌧️🚨 ALERT LEVEL CHARLIE (RED ALERT)Albay, Bataan, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna,...
24/09/2025

🌧️🚨 ALERT LEVEL CHARLIE (RED ALERT)

Albay, Bataan, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Cavite, Laguna, Marinduque, Masbate, Metro Manila, Northern Samar, Occidental Mindoro, Quezon, Rizal, at Sorsogon.
Asahan ang matinding ulan, malakas na hangin, pagbaha at posibleng landslide. Agad na magsagawa ng preemptive evacuation kung kinakailangan.

🟠 ALERT LEVEL BRAVO (ORANGE ALERT)

Aurora, Bulacan, Eastern Samar, Nueva Ecija, Oriental Mindoro, Pampanga, Romblon, Samar, Tarlac, at Zambales.
Posibleng makaranas ng malalakas na ulan at hanging aabot sa 85 km/h. Maging alerto sa biglaang pagbaha.

🟡 ALERT LEVEL ALPHA (YELLOW ALERT)

Abra, Aklan, Antique, Benguet, Biliran, Bohol, Capiz, Cebu, Dinagat Islands, Guimaras, Ifugao, Ilocos Sur, Iloilo, Isabela, Kalinga, La Union, Leyte, Mountain Province, Negros Occidental, Negros Oriental, Nueva Vizcaya, Palawan, Pangasinan, Quirino, Southern Leyte, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan at hangin. Mag-ingat lalo na sa mabababang lugar at malapit sa ilog at bundok.



RIDE8 SUPER CUP – DAY 1, ISINAGAWA SA TAGAYTAY VELODROMETINGNAN: Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 13, 202...
15/09/2025

RIDE8 SUPER CUP – DAY 1, ISINAGAWA SA TAGAYTAY VELODROME

TINGNAN: Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 13, 2025, ang unang araw ng karera para sa Ride8 Super Cup sa Tagaytay Velodrome.

Lumahok ang ilan sa mga pinakamahusay na siklista mula sa iba’t ibang lugar upang ipamalas ang kanilang bilis at husay sa patimpalak.

Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan at mga tagahanga sa kaganapan na layuning palakasin ang sports development sa lungsod.

Inaasahan ang mas matinding aksyon sa mga susunod pang araw ng kumpetisyon.

Source: Tagaytay City Government/fbpage



KOREAN MEN’S VOLLEYBALL TEAM, MAINIT NA TINANGGAP SA TAGAYTAY CITYTINGNAN: Malugod na sinalubong ng Lungsod ng Tagaytay ...
11/09/2025

KOREAN MEN’S VOLLEYBALL TEAM, MAINIT NA TINANGGAP SA TAGAYTAY CITY

TINGNAN: Malugod na sinalubong ng Lungsod ng Tagaytay at ni Mayor Brent Tolentino ang Korea Men’s Volleyball Team, na bumisita ngayong araw sa lungsod bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa FIVB Men’s World Championship 2025.

Bumisita rin ang koponan sa Tagaytay CT Velodrome, kung saan isinagawa ang maikling pagtitipon bilang pagpapalitan ng kultura at pagpapalalim ng ugnayan sa pamamagitan ng isports.

Ang pagbisitang ito ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at sportsmanship, sa ilalim ng temang sports diplomacy.

Source: Tagaytay City Government/fbpage



TINGNAN: Personal na itinurn-over ng Racal Industrial City ang apat na motorsiklo sa Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay bil...
09/09/2025

TINGNAN: Personal na itinurn-over ng Racal Industrial City ang apat na motorsiklo sa Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay bilang suporta sa mga lingkod-bayan at Tagaytay Office of Public Safety (TOPS) na araw-araw nagseserbisyo para sa kapakanan at seguridad ng mamamayan.

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang lungsod sa RHC Builders Warehouse sa patuloy na pakikiisa at pagtulong sa mga inisyatibong pangkomunidad.

Source: Tagaytay City Government/fbpage



BAHAGYANG MAULAP NA PAPAWIRAN NA MAY PAG-ULAN, INAASAHAN SA ILANG BAHAGI NG BANSABASAHIN: Inaasahan ang bahagyang maulap...
07/09/2025

BAHAGYANG MAULAP NA PAPAWIRAN NA MAY PAG-ULAN, INAASAHAN SA ILANG BAHAGI NG BANSA

BASAHIN: Inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, at Mindanao bunsod ng umiiral na easterlies. Maaaring magdulot ito ng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng matitinding thunderstorm.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas din ng katulad na lagay ng panahon dahil sa localized thunderstorms.

Samantala, nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Tapah (dating “Lannie”) na huling namataan 750 km kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte. Taglay nito ang lakas ng hanging 85 km/h at bugso na aabot sa 105 km/h habang kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Paalala sa publiko na mag-ingat sa posibilidad ng flash flood at landslide tuwing may malalakas na pag-ulan. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa pagasa.dost.gov.ph.

Source: DOST-PAGASA/fbpage



LIBRE AT LIGTAS NA CANCER SCREENING, HATID SA MGA BARANGAYBASAHIN: Maraming kababaihan ang naaapektuhan at namamatay dah...
02/09/2025

LIBRE AT LIGTAS NA CANCER SCREENING, HATID SA MGA BARANGAY

BASAHIN: Maraming kababaihan ang naaapektuhan at namamatay dahil sa sakit na cancer, dulot ng kakulangan sa maagang pagpapatingin.

Bilang tugon, inilapit na sa mga barangay ang libre, mabilis, at ligtas na cancer screening para sa mga kababaihan.

Kaya’t hinihikayat ang mga Nanay at kababaihan na magpacheck-up na habang maaga, para sa kanilang kalusugan at kapakanan.

Source: Tagaytay City Health Office/fbpage



LPA 08H, HINDI INAAASAHANG MAGING TROPICAL DEPRESSION SA SUSUNOD NA 24 ORASBASAHIN: Inanunsyo ng DOST-PAGASA na ang Low ...
30/08/2025

LPA 08H, HINDI INAAASAHANG MAGING TROPICAL DEPRESSION SA SUSUNOD NA 24 ORAS

BASAHIN: Inanunsyo ng DOST-PAGASA na ang Low Pressure Area (LPA 08H) ay kasalukuyang mino-monitor sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at “hindi inaasahang” magiging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras. Patuloy ang pagbabantay ng ahensya sa sitwasyon at pinapayuhan ang publiko na maging updated sa mga anunsyo. Ang LPA ay hindi inaasahang magdudulot ng malalaking pagbabago sa panahon sa mga susunod na oras.

Source: DOST-PAGASA/fbpage



TINGNAN: Matagumpay na naidaos ang 6th Manuel Veguillas Philippine International Open Karate Championships & Training Ca...
27/08/2025

TINGNAN: Matagumpay na naidaos ang 6th Manuel Veguillas Philippine International Open Karate Championships & Training Camp na dinaluhan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa.

Sa halos isang linggong training at paligsahan, buong suporta ang ipinakita nina Tagaytay City Mayor Brent Tolentino, Philippine Sports Commission Chairman John Patrick “Pato” Gregorio, at Karate Pilipinas President Richard Lim.

Layunin ng aktibidad na higit pang itaas ang antas ng karate sa bansa at palakasin ang suporta sa mga atletang Pilipino.

Ipinahayag ng lokal na pamahalaan ang pasasalamat sa lahat ng lumahok at sumuporta sa pagtataguyod ng dekalidad na sports program sa Tagaytay at sa buong Pilipinas.

Source:Tagaytay City Government/fbpage



AGOSTO 25, 2025: WALANG PASOK SA PAGGUNITA NG NATIONAL HEROES DAYBASAHIN: Idineklara ng Malacañang na walang pasok sa Lu...
24/08/2025

AGOSTO 25, 2025: WALANG PASOK SA PAGGUNITA NG NATIONAL HEROES DAY

BASAHIN: Idineklara ng Malacañang na walang pasok sa Lunes, Agosto 25, 2025, bilang paggunita sa National Heroes Day, alinsunod sa Proclamation No. 727.

Ang nasabing araw ay itinakdang Regular Holiday, kaya’t suspendido ang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, mga tanggapan ng pamahalaan, at karamihan sa mga pribadong opisina.

Ang National Heroes Day ay taunang selebrasyon bilang pagkilala at pagpaparangal sa lahat ng Pilipinong bayaning lumaban para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Source: Philstar/google



Address


Website

https://gostudio.ph/

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Tagaytay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Tagaytay:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share