24/06/2025
                                            ๐๐๐๐ข๐ฆ ๐ ๐๐๐๐๐๐ง ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐๐ข๐ก ๐ฆ๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ก๐๐๐๐ง๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐จ๐ก๐๐ข๐ - ๐ช๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐๐๐, ๐๐จ๐ฅ๐ฌ๐๐ก๐ง๐ ๐๐ง ๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐๐๐๐ฌ ๐๐ฅบ
May nagbahagi lang sa akin ng kwento tungkol sa isang matandang lalaki na si Tatay Junior. Dahil gusto kong malaman ang totoo, agad ko siyang pinuntahan.
Pagdating ko roon sa bundok, doon ko nakita ang tunay na kalagayan niya. Ulan lang ang pinagkukunan niya ng tubig, at ang pamumulot ng kahoy ang kanyang ikinabubuhay, pangbili ng bigas at pagkain para sa mga alaga niyang hayop.
Ngayon, ito na ang ating nagawa para sa kanyang tahanan. Hindi pa ito tapos, kasunod pa ang paggawa ng dirty kitchen at, kung kakayanin, pati na rin ang banyo.
Hindi ko ito magagawa kung wala ang suporta ninyo. Dahil sa pagmamahal ninyo sa adhikain kong tumulong, hindi lang sa mga nangangailangan kundi pati na rin sa mga walang boses, unti-unti nating nabibigyan ng liwanag ang kanilang buhay.
Balang araw, makakalipat na si Tatay Junior sa mas maayos na lugar, kasama ang kanyang mga alaga, sa isang tahanang puno ng pag-asa.
Marami pa tayong kailangang tapusin, at sanaโy matapos natin ito bago siya lumipat. Hangad ko rin na ma-bless natin ang kanyang bagong tahanan bago siya tuluyang manirahan doon.
Ang bawat sentimo o suporta mula sa inyo ay malaking ambag na sa pagbibigay ng bagong simula kay Tatay Junior.
You can support my advocacy for the people, stray animals, voiceless, especially the adopted and rescued animals under my care at Tambahayan.
๐ GCash: 09073300457 - Ronald Casil
๐ PayPal: [email protected]
๐https://www.gofundme.com/f/help-us-build-a-home-for-our-rescues
SHARE THIS POST โจ