
12/07/2025
'TANDAAN MO, HINDI LAHAT NG TAO PERFECT, LALO NA IKAW'
Sobrang busy natin kakapansin sa pagkakamali ng iba, pero hindi natin napapansin kung gaano na tayo ka-toxic. Ang dali kasing magturo, pero ang hirap aminin na tayo rin may pagkukulang. Kaya bago ka mang-cancel, baka dapat self-check muna.
Hindi lahat ng tahimik, mahina. At hindi lahat ng palaban, tama. Kaya bago ka magsabi ng "Ako kasi, ako kasi," isipin mo muna kung may puso ka pa bang ginagamit o puro yabang na lang.
Ang tunay na matalino, marunong makinig. Hindi yung puro dakdak, pero wala namang naiintindihan sa pinaglalaban niya. Minsan ang totoong respeto, hindi sa galing mo makipag-debate, kundi sa galing mong rumespeto kahit magkaiba kayo ng paniniwala.
Kung gusto mong i-call out ang mali, ayusin mo rin 'yung paraan mo. Hindi porket may tama ka, may karapatan ka nang mangmali ng iba. Ang pag-uusap na may respeto, mas malayo ang nararating kesa sigawan at pataasan ng pride.
Tandaan natin, hindi ka mas magiging tama sa paninira ng kapwa. Ang tunay na lakas, 'yung kaya mong itama ang mali nang hindi ka nakakapanakit. Sa dulo, ang ugali mo pa rin ang huhusga kung gaano ka kabuting tao — hindi ang mga salita mo, kundi ang kilos mo.
Vice Ganda